Chapter 31 -- Love And Hate

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi pa man ako tuluyang nakaka lapit nang magsimulang mag salita ulit si Brylle.


"Siguro hanggang ngayon, may gusto ka pa rin kay Bryant."


Pagka bitaw ni Brylle sa mga salitang 'yon, tsaka napatingin sa'kin si Helaena, gayon din si Brylle.


"Bryant?" Ani Helaena. Dumako ang tingin niya sa box na dala ko. At pansin ko sa kanyang mga mata ang katanungan kung bakit napunta sa'kin ang mga cupcakes niya.


"Brylle, gusto ko lang sabihin na--" Hindi pa man ako tapos sa sasabihin ko nang muling nagsalita si Brylle.


"Mag sama kayong dalawa!" Galit na litanya niya sa'min ni Helaena.


"Brylle, sandali." Habol ni Helaena dito. Nang lingunin siya muli ni Brylle ay bigla na lang nitong tinapos ang kamay niya na may hawak sa frappe, dahilan ng pagla hulog nito sa sahig na ikinabigla ni Helaena. Nabigla rin sa mga pangyayari ang mga estudyanteng nandoon.


Pagka alis ni Brylle saka ko nilapitan si Helaena, at bakas parin sa mukha nito ang pagka bigla at alam kong nasaktan siya sa mga pangyayari


"I'm not gonna ask if you're okay, because obviously you're not."


Ilang sandali pa at sinamahan ko si Helaena sa may football field, kung saan walang masayadong mga estudyante. Naka upo lang kami sa damuhan habang siya ay inuubos ang mga cupcakes na binigay sa kanya ni Brylle at naglalabas ng sama ng loob at ako naman ay nakatitig lang sa kanya.



"He is nothing, but a hell of a monster! Ang kitid talaga ng utak ng kapatid mong 'yon. 'Ni hindi niya man lang ako binigyan ng pagkakataong mag paliwanag." May pagka inis at lungkot na sabi ni Helaena. "Kung sa bagay, kahit na magpaliwanag pa'ko, sarili lang niya ang pakikinggan at paniniwalaan niya."


"Dahan-dahan, baka mabulunan ka." May pag alalang sabi ko. Napansin ko kasing habang nagsasalita siya ay sabay kagat sa mga cupcakes na parang hindi na siya ngumunguya pa.


"Hayaan mo. Para kapag nangyari 'yon, ma konsyensya sa ginawa niya sa'kin."


Napatawa tuloy ako sa sinabi niya.


"Bakit kaba tumatawa diyan? Masama na nga ang loob ko, tinatawanan mo pa'ko. Nakaka inis ka.".


"Ano bang lasa niyang mga cupcakes na 'yan?" Akma kong kukunin ang isang cupcake nang nilayo niya ang mga 'to sa'kin.


"Huwag. Kapag binigyan kita para na ring pinatotohanan ko na yung bintang niya sa'kin kanina." Bigla tuloy akong nasaktan sa sinabi niya. "Sorry ha?"


Tumingin ako sa malayo, para hindi niya mapansin ang lungkot sa'king mga mata. "San' ba nabili 'yan ni Brylle? Para makabili ako at nang matikman ko kung masarap nga."



"Siya ang nag bake nito."


"And now its clear to me. He made an effort just to bake those cupcakes for you. Kaya pala gano'n na lang kung ma galit si Brylle."


"Masyado lang makitid ang utak ng mokong na 'yon, akala niya binalewala ko ang pinag hirapan niya."


"Kakausapin ko na lang siya at magpapaliwanag sa tunay na nangyari. Na nakalimutan mo ang mga 'yan sa cafeteria."


"Huwag na. Kung talagang mahal niya'ko, dapat may tiwala siya sa'kin."


"May tiwala siya sa'yo, sa'kin wala. At 'yon ang pinag aalala niya."


My Guardian DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon