Chapter 35: I'd still say yes [Final Chapter]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Haha! may naisip lang ako nung sinabi mo na miss mo kaming LAHAT." naka diin pa talaga yung salitang lahat. Ano naman meron, ay teka about kaya yun kay.. "Welcome back princess. Masaya ako nakabalik na ko ulit dito." I'm back for good.

"Masaya din ako na nakabalik na ko."

"Mag pahinga ka na muna anak, alam kong napagod ka sa byahe natin."

"Papa pwede bang maglakad lakad muna ako sa labas?" napatingin silang lahat sakin. "Mag papahangin lang muna ako."

"Sige anak, bumalik ka na lang agad ah."

Ngumiti ako sa kanilang lahat. Yung mga mukha nila halatang nag aalala sila sakin. Wala na naman dapat ipag-alala sakin eh. Okey na ko, okey na okey. Lakas maka throwback ng araw na 'to eh. Susulitin ko na din.

Pagkalabas ko pa lang ng bahay madami ng mga memory na agad bumalik sakin.

Naglakad lakad lang ako, hindi ko din alam kung saan ako papunta. Habang naglalakad ako madami akong nakikita na nakakapag balik sakin ng mga alala na meron ako dati. Mga alaala na pilit kong kinakalimutan pero hindi ko magawa. Kahit may masakit na alaala meron yung memory na yun mas nangingibabaw naman yung saya.

Nadaanan ko yung compuer shop kung saan ako dinala ni Miggy dati, dito ko din nga pala unang nakilala si Kevin. Madami pa din palang naglalaro dito. Sobrang daming alaala yung naiisip ko sa computer shop na 'to.

"Cristin?" nilingon ko yung dalawa kong best friend. Kilalang kilala ko na yung boses nila.

Halos hindi ko na nakilala si Apple at Sarah. Abs mas lalong gumanda yung dalawang 'to. Sobrang na miss ko din silang dalawa.

"Bakla!" lumapit silang dalawa sakin tska ako niyakap. "Na miss ka namin ng sobra!"

"Miss ko din kayo! Anong bago?"

"Eto si Apple at Kevin muntik na mag break." mag break?! eh ang sweet sweet nilang dalawa eh. "Nalaman kasi niya na nag kikita pa sila Maureen at Kevin." tumango na lang samin si Apple. "Nag explain naman si Kevin kaya ayun, hindi rin natiis ni bakla."

"Eto naman si Sarah, palaging nag hihinala sa kuya Ace mo. Selosa din 'tong babae na 'to eh." Napa ngiti na lang ako. Hindi ako maka relate sa kanilang dalawa. Simula kasi nang pumunta akong US, wala pa kong naging boyfriend. Bakit naman kasi puro livelife na kwento nila? wala ba about sa work?

"Ikaw Tin? ay oo nga pala--"

"San kayo pupuntang dalawa?" iniba ko na lang yung usapan. Wala din naman akong maisasagot sa tanong ni Sarah.

"Papunta na nga kami sa inyo eh. Tara na bakla! San ka ba pupunta?" may naisip ako bigla.

"Tara! maglalaro tayo!"

"Mag lalaro?!" gulat na gulat pa silang dalawa.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon