Chapter 2 : Move-on

296K 8.7K 600
                                    

Chapter 2 : Move-on

 --

August 10, 2010

1 year ago..

 

After 2 days, medyo okey na ko kaya pinayagan na nila ako pumunta ako sa kwarto ni miggy. Wala pa din daw siyang malay. Andun yung daddy niya pati si ate michelle.. buti na lang nga andun yung daddy niya eh, kundi di ako makakalapit kay miggy dahil sa ate niya.

Pag pasok ko sa loob, lumapit agad ako kay miggy. Umupo ako sa tabi niya. Hinawakan ko yung kamay niya.

"miggy.. gumising ka na please.." tapos naiyak na naman ako. "nag aalala na si wifey mo eh! tignan mo umiiyak na ko.. di ba ayaw mo nun? miggy please.. gumising ka na.." niyakap ko siya. Habang nakahiga ako sa tabi ni miggy. Biglang gumalaw yung mga kamay niya..

"miggy?" dumilat yung mga mata niya. "miggy.." tinignan niya ako na parang nag tataka siya.

 

"sino ka?"

"miggy si tin to.. anong nararamdaman mo?"

"tin? sino ka? hindi kita kilala!" nakaka inis si miggy, ganyan na nga yung lagay niya, nag bibiro pa siya. Halos manlumo na nga ako sa kalagayan niya eh.

"hubby naman eh! nag jojoke pa! ako to.. wifey mo!" bigla niyang hinawakan yung ulo niya. Sumasakit ata. "teka lang ah.. tatawagin ko yung doktor.."

 Lumabas ako ng kwarto, tinawag ko yung doktor pati yung daddy at ate ni miggy, sumama na din sila kevin at kuya ace sa loob.

"miggy! miggy anong nararamdaman mo?" sabi ng ate niya.

"ate.. bakit ako andito? anong nangyare?" napatingin si ate michelle samin, lumapit ako para makita si miggy.

"miggy kasi na aksidente yung kotse na sinasakyan natin eh.." napa tingin siya kay ate michelle.

"ha? ate sino ba siya?"

"miggy siya si tin, yung girlfriend mo.."

"ha? wala akong girlfriend! ate hindi ko siya kilala.. pwede pa alisin niyo siya!" ang sama ng tingin sakin ni miggy. Ano bang nangyayare sakanya? hindi na magandang biro yan ah.

"miggy.. hindi mo ba naaalala si cristin?"

"dad sinabi ko na di ba? kevin? ano bang nangyayare?" lumapit si kevin kay miggy. Bakit ganun parang naiiyak na ko. Kinuha ni kevin yung kamay ko tska niya ko nilapit kay miggy.

"migz, si cristin to.. girlfriend mo.. ano ba?"

"HINDI KO NGA SIYA KILALA!!" sumigaw siya. Biglang sumakit yung ulo niya. Lahat ng nasa kwarto tahimik lang.

"tin.. lumabas muna tayo.." inalalayan ako ni kuya ace sa palabas ng room ni miggy.

 

Halos kalahating oras din kami nag hintay sa labas ng kwarto ni miggy. Ano ba kasing nangyayare? seryoso ba talaga si miggy na hindi na niya ko na aalala? pero bakit?

"tin..."

"kuya? ano bang problema? pwede na ba kong pumasok?" 

"tin.. kasi si miggy.. may amnesia.. kaya hindi ka niya ma alala.." bigla akong inalalayan nila sarah.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon