Chapter 26: One more chance

274K 6.6K 450
                                    

Chapter 26: One more chance

3rd person POV

Maaga dumating si Apple sa condo ni Kevin para sa Mission One more chance nila. Kagabi pa nila pinag puyatan yung gagawin nila ngayon. Lahat ng plano na nabuo nila si Apple yung nag isip. Gustong gusto kasi niya na magkabalikan yung dalawa.

"Babe okey na ba lahat?"

"Oo okey na, si Sarah okey na din. Tingin mo ba mag wowork to babe?"

"Tiwala lang babe."

*Dingdong*

"Babe ayan na si Tin, buksan mo na! I-ready ko na yung food nila mamaya. Hihi!"

Nag aalangan pa din si Kevin kung mag wowork nga ba talaga yung plano nila. Gusto din naman niya na mag kabalikan yung dalawa niyang kaibigan pero ayaw niya kasing umasa. Mas lalong ayaw niyang paasahin si Apple kasi alam niyang gustong gusto ng girlfriend niya na magkabalikan si Tin at Miggy kahit na ngayon na sila Miggy at Mina na. Kaya hindi niya alam kung anong magiging reaksyon ni Apple kapag nag fail yung mga plano nila.

"Kevin naman, mag movie marathon na lang kayo ni Apple isasama niyo pa ko."

Pag kabukas pa lang ni Kevin ng pintuan puro reklamo na yung inabot niya kay Cristin. Iniisip niya paano pa kung dumating na mamaya si Miggy?

"Alam mo Tin nandito ka na nag rereklamo ka pa. Babe! Nandito na si Tin."

Lumabas naman agad si Apple sa kusina dala dala yung dalawang malaking popcorn tska isang pitcher ng juice.

"Hi bakla! Ready ka na mag movie Marathon?"

"Oo ano ba papanuorin natin?"

"Wait and see ka lang, may kulang pa kasi eh.."

Sakto naman pagkasabing yun ni Apple may nag doorbell ulit. Pumunta agad siya sa pintuan para salubungin si Miggy. Walang ka alam alam si Tin at Miggy na mag kikita sila ngayon.

"Ano na naman ba kasing.."

Natigilan si Miggy sa sasabihin niya nung nakita niya si Tin na naka upo. Hindi niya kasi alam na kasama din pala siya sa movie marathon kuno ni Apple at Kevin. 

Tumayo si Tin tapos hinila niya si Apple papunta sa kusina.

"Ano na naman yan ha?"

"Ha? Eh ininvite din kasi ni Kevin si Miggy."

"Alam mo to di ba? Bakit inaya mo pa ko? Plano niyo ba to?" Naiinis si Tin kasi ayaw niyang makita si Miggy. Sa totoo lang kasi kada makikita niya si Miggy nasasaktan siya. Hindi naman niya maintindihan bakit sinet up sila ni Apple.

"Tin sorry hindi ko talaga alam eh, hayaan mo na ngayon lang naman to eh."

Balak na talaga ni Tin na umalis pero dumating naman bigla si Miggy.

"Apple, Tin, tara nuod na tayo?" Nagka tinginan si naman si Apple at Tin.

Wala ng nagawa si Tin. Ayaw niya kasing isipin ni Miggy na bitter siya kasi may iba na si Miggy. Kahit papaano naman masaya pa din siya na makasama si Miggy.

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon