Chapter 19 : Dance with my Father

239K 6.6K 506
                                    

Chapter 19 : Dance with my Father

--

[MIGGY POV]

"Miggy anong gusto mo paglaki mo?"

"Gusto ko pong maging kagaya ni daddy!!"

"Pangako mo yan ha?"

"Pangako!"

"Haha! Love mo ba si daddy baby?"

"Opo! Paglaki ko, magiging katulad ako ni daddy!! i love you  daddy!"

"I love you too miggy!"

 


"Dad! gumising kayo! hindi ko pa natutupad yung pangako ko! hindi pa ko nagiging doktor! di ba usapan natin ako na mag tutuloy ng pangarap niyo?! DAD!!!"

Unti unti na lang tumutulo yung mga luha sa mata ko. Totoo ba lahat ng to? Wala na ba yung daddy ko? HINDI! HINDI PWEDE! Natutulog lang siya! hindi pa siya patay!

"DAD!! GUMISING KA!!"

"Miggy.. tama na.. wala na si dad.." tinignan ko si Michelle, umiiyak. Totoo na ba talaga? Yung daddy ko.. wala na?

"Ate hindi, natutulog lang siya, gigising din siya.. di ba?" hinawakan ko yung balikat niya, tinignan ko siya, umiiyak pa din siya. Bakit hindi niya sabihing hindi pa patay yung daddy namin?

"Miggy, hindi na.." napahawak siya sa mga kamay ko, parang anytime, mawawalan na siya ng malay. "Miggy kayanin mo.. patay na si dad.."

KALOKOHAN!

"Hindi!"

Pumasok yung mga nurse, kinukuha nila si daddy.

"San niyo dadalhin daddy ko?!"

"Sir, nakikiramay po kami.. pero kelangan na po namin siyang dalhin sa morge.." sa galit ko sinapak ko yung lalaki.

"Miggy! tama na!"

Umalis ako sa kwartong yun.. Naglakad palayo.. umupo ako sa may garden..

Oo alam ko na.. wala na talaga siya.. wala na si dad. Yung taong sinasandalan ko kapag nanghihina ako, yung kaasaran ko na para bang mag barkada lang kami, yung taong nag papalakas ng loob ko, yung taong dahilan kung bakit gusto kong maging doktor.. yung dahilan ng mga pangarap ko.. wala na.. Hindi ko alam kung kaya kong tanggapin.. o kung matatanggap ko pa..

"Miggy?" Tinignan ko lang siya.

"Hindi pa siya patay ate.."

"Tanggapin mo na.."

"Bakit? malakas pa siya di ba? hindi pwedeng mawala na lang siya ng ganun.."

"Alam ko masakit at mahirap.. pero kelangan mong tanggapin.. andito lang naman ako eh.." napayuko ako.. ang sakit eh.. "Kasalanan to ng babaeng yun eh!"

"Ano?"

"Si Cristin! kung hindi niya kinausap si dad! hindi sana siya mamatay! sigurado ako kaya siya kinausap ni dad para sabihin na balikan ka niya, pero dahil sa ayaw niya, nasaktan si dad.. at inatake siya.."

Hindi ako nag salita.. alam ko na mali na sisihin yung ibang tao.. pero paano kung totoo nga na dahil kay Cristin kaya nawala si dad? dahil ba sinabi niyang hindi na niya ko kayang balikan.. alam kong gustong gusto ni dad na magkabalikan kami.. kaya nga siguro gusto niyang kausapin si Cristin..

Totally in love with a Dota player (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon