"Pero nakita namin? Nakita ng mga mata ko ang lahat ng nangyari at gusto ni ate na—na panagutan mo siya?" tumango siya kaya tumawa na lamang ako ng pagak. Andoon ako, noong mga panahon na may nangyari sa kanila, noong mga panahon na halos magmakaawa ako na ako nalang ang mahalin niya pero nagmatigas siya, ni hindi niya ako naipagtanggol sa Ate ko kaya doon ko na laman na mas importante siya, na mas mahalaga ang Ate ko kaysa sa akin kaya hinayaan ko siya. I let him go kahit ang sakit- sakit ng mga ginawa niya sa akin.


"Sorry" aniya at yumuko din. Hindi ako nagsalita maging siya ay ganoon din. Wala na din naman siguro kaming dapat na pag- usapan dahil alam kong matagal na talagang walang kami at tsaka ang pag- uusap na ito ay para lang... matahimik ako, na ginagawa niya lang ito para sa companya nila.


"G-gabriella?" hindi ako nag- angat ng tingin at hinayaan siyang magsalita.


"Nang ipagtabuyan mo ako at pinamigay sa kanya nasaktan ako, masakit isipin na hinayaan mo akong makuha ng kapatid mo, Alam mo naman diba? Na matagal na niya tayong ginugulo pero mukhang nasagad na talaga kita lalo na ng makita mo ang gabing iyon..." nagbuntong hininga siya.


"Sising- sisi ako sa sarili ko kung bakit kita sinaktan, pero si Nicole wala siyang ibang ginawa kundi ang makipag deal sa akin, na sumama ako sa kanya sa loob ng limang taon at ibabalik niya ako sa'yo. Noong una ayaw ko dahil isa iyong kahangalan pero wala eh, desperado na ako lalo na at alam ko na kapag susundan pa kita sirado na ang utak mo... na hindi mo ako papakinggan." Gusto ko siyang patigilin dahil nasasaktan ako pero mas parte sa akin na mas gustong pakinggan ang lahat ng nangyari sa kanya.


"Walang segundo na hindi kita inisip, araw- araw ikaw ang nasa isip ko kahit na andyan ang kapatid mo hanggat sa dumating ang araw na ito, nawala na ang plano ng ate mo at ayaw na niya akong ibalik sayo pero hindi ako nagpapigil, umuwi ako at gumawa ng paraan at ito na nga iyon. Na ikasal tayo dahil gusto ko nang matali sa'yo" napasinghap ako sa mga narinig ko. Selfish. Iyon agad ang naisip ko, na mas uunahin niya ang plano niya kaysa sa makipag- usap sa akin.


"K-kaya kung pwede... bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon" inisip ko lahat ng sinabi niya, tinatak ko ito sa utak dahil gusto kong magdesisyon na hindi lang ang puso ko kundi maski ang utak ko ang gagana. Nasa akin naman kung maniniwala ako o hindi sa kanya pero mahal ko siya, hindi ko naman siguro kailangan na magmatigas diba? Mahal ko siya, napakinggan ko na ang side niya, nalaman ko na ang lahat pero ang tanong, kaya ko pa ba? Kaya ko pa bang manatili sa isang bagay na binigyan ako ng sakit? Nagbuntong hininga ako at tinignan siya sakto naman na nakatingin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.


"I will give you a chance Jade pero hindi ibig sabihin n'on ay okay na tayo, na I already trust you dahil hanggat ngayon naguguluhan parin ako pero promise me, don't break that last cance again" agad na bumalatay ang saya sa kanyang mga mata. Masaya ako dahil kahit na nasaktan ako nakaya ko pading magdesisyon. Madali man ang lahat ng mga nangyari pero siguro kaya ko naman siyang e take lahat na pinag- iisipan ko talaga dahil alam ko naman na kung masasaktan na naman ako, kayak o ng bumangon, malaki na ako kaya hindi na ulit ako iiyak na parang batang inagawan ng kendi. Masasaktan man ako pero iisipin ko nalang na lahat ng ito ay parte ng pagmamahal. If I need to risk everything I have then I will. In the name of love gagawin ko tsaka alam ko naman siguro na ito na ang tamang oras para... para lumaban ako sa isang pag- ibig na hindi ko pinaglaban noon.


Napapitlang ako ng bigla na lamang niya akong niyakap.


Apprentice in Bed [Revised]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ