Chapter 45: Confession

Start from the beginning
                                    

She smiled at me. Yung ngiting kaibigan lang.

No more, no less.

I know I have a heart.

Because I feel it breaking.

I like you, Im Yoona.

But you're the best thing I never had.

---

Sooyoung's Point of View

"Dito na kayo matulog." Paanyaya ni Suho na halatang di okay kasi parang ang lungkot niya.  Aba, namomoblema din pala ang isang ito.

"Hep." Awat naman ni Taeng. "Hiwalay pa rin ang boys sa girls!" She said. Agad namang sumimangot ang Exo sa amin pero binelatan lang namin sila.

Tumayo naman si Baekhyun. "Hindi! Dito nalang tayo sa sala matulog! Itabi muna nayin ang couch sa may gilid." Suggestion niya.

Mabilis pa sa kidlat ay tulong-tulong ang Exo sa paggawa ng plano ni Baekhyun. Napangiti naman ako sa nakita ko.

"Inlove na inlove ka talaga sa akin."

Ang yabang talaga ng boyfriend ko. Buti nalang at mahal ko itong lokong to.

"Asa ka naman." Asar ko sa kanya. Inakbayan naman niya ako. Shet. Kinikilig ako.

Enebeyen.

"Ehem! Bawal ang PDA." Bawal ni Sunny. Tumingin naman kami sa magkahawak nilang kamay ni Xiumin. Anyare sa walang PDA?

"Chen bawal daw PDA." Sabi ni Yoona.

"Bakit?" Akala siguro niya ay pick up line yung mangyayari.

"Bawal ang Public Display of Abnormality." She said kaya naman lahat kami ay nagtawanan. Umarte naman si Chen na parang bata!

"Kulang lang sa kiss si Yoona." Inis ni Chen.

"Tao ka ba Chen?" Tanong ko naman. Magsasalita na siya pero pinigilan ko siya. "Tao ka ba o ibon?"

Naghighfive naman kami ni Tao. "Maglaro nalang tayo." Suggestion ni Sehun.

"Anong laro?" Seohyun asked.

"Confession." He said. "Ang mechanics sa laro ay kukuha tayo ng isang papel. Then, magsusulat ka ng kahit isang sikreto na tungkol sa sarili mo na walang nakakaalam."

"Then?" Hyoyeon said.

"Ilalagay natin ang sinulat natin sa fish bowl then bubunot tayo ng isa at huhulaan natin kung kaninong confession yun." Paliwanag pa niya.

Kanya kanya kaming kuha ng ballpen. Binigyan naman kami ni Chanyeol ng papel na magkakamukha ng size. "Let's start. After 5 minutes ay ipapasa na natin ang papel." Instruct naman ni Baekhyun.

Agad naman akong nag-isip. Lahat naman kami ay seryoso kasi ang tahimik ng paligid. Ano bang sasabihin ko? Hmmm. Ah alam ko na.

After five minutes ay tinupi na namin ang papel tapos inalog naman ni Lay yung mga papel sa loob ng fish bowl. Si Sehun ang unang bubunot.

"I really like this girl. At first, I hate her. Pero mukhang mapaglaro ang tadhana. Pinana ako ni Cupid at tuluyan na akong nahulog sa kanya." Basa niya sa sulat sa papel.

"Ako ang huhula!" Taas kamay na sabi ni Yuri. "Si Baekhyun." Masayang sabi niya na akala mo ay nakajackpot sa lotto.

"Paano mo nalaman Yuling?" Tanong ni Kai.

Nagcross arms si Yuri. "Eh paano nung sinasabi ni Sehun ay mukhang proud na proud siya! Todo ngiti ang loko." Natatawang sabi niya.

Tumingin naman kami kay Baekhyun. "Yup. Ako yun." He said. Umakbay naman siya kay Taeyeon. "Alam mo naman siguro kung sino ang babaeng tinutukoy ko diba? At first, ayoko sa kanya but the more you hate the more you love siguro. Ayoko na ng laro Taeyeon, seryoso na ako."

ReaLIES || ExoShidaeWhere stories live. Discover now