Chapter 21: Would You Rather...

1.9K 106 11
                                    

Chapter 21: Would You Rather...

---

Don't choose the better guy. Choose the guy who will make you better.

-This Means War

---

Yoona's Point of View

I feel that I'm having the best sleep ever. Pero parang ang ingay?

"Sabi ko na nga ba!!"

Boses ng mga babae na parang nag-aaway. Di ko alam kung panaginip ba ito o totoo na. I opened my eyes then closed it again.

It can't be! They are here. They are freaking here?

"Ay nagtulog-tulugan ang peg??"

"What?" I asked. Nag-inat pa nga ako kasi ang sarap ng tulog ko. Naramdaman ko naman na may parang nakahawak sa waist ko.

"Oh my gee!" sigaw ni Chen nang makapasok sa kwarto ni Luhan. "Walang taong nakakapunta diyan!"

Naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Teka nga, bakit andito ka? Sinakyan mo pa talaga ang van natin?" Nakapamewang pang tanong ni Taeyeon. I look away.

"Nagblush ka ba?" sabay lapit sa akin ni Yuri. Lalo naman akong namula. Bwisit.

"H-Hey.." Napalingon naman ako kay Luhan na nakaakap parin sa akin. Chansing na siya. Pasalamat siya at may sakit siya.

"Tsk tsk. Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala nawala si Yoona kanina." Mukhang tanga namang sabi ni Kai.

Well, tanga yan. Madalas.

"I take care of him. Nagkasakit kasi siya dahil sa akin." I said to them para wala nang issue.

"Hmmm, yun lang ang dahilan?" I gave Hyoyeon an irritated look.

"Yeah. May iba pa bang dahilan?" tanong ko naman. Nagulat naman ako ng tumayo si Luhan. "Hey, okay ka na ba?"

"Alam na this." Xiumin said. Nagwalk out nalang bigla si Luhan. May nasabi ba akong mali?

I never understand boys.

---

Chen's Point of View

Naks. Lakas makartista ni Luhan. Magwalk out ba naman. Kaya nakaisip ako ng bright idea.

"May naisip ako guys." sabi ko naman sa kanila. Pinagsiksikan talaga namin ang mga sarili namin sa kwarto ni Luhan.

"May isip ka pala?" Tingnan mo tong si Hyo. Mukhang type ako talaga nito hehe.

"Sus. Ikaw lang ang nasa isip ko ey." hirit ko naman kaya nakatanggap ako ng batok mula kay Lay.

Asus. Selos naman siya.

"Selos ka lang." asar ko naman. Umiling nalang siya. Minsan sobrang lalim mag-isip ni Lay no? Baka nga malunod nalang ako eh.

Lumabas na kami sa kwarto ni Luhan. Dumating narin sila Chanyeol at Tiffany. Mga tulala naman silang dalawa.

May issue na naman sa mga kaibigan ko.

"Kumain muna tayo?" aya ni D.O. sa amin. Pero wala namang sumagot sa kanya.

"Laro nalang tayo." sabi ko naman sa kanila. Ang hilig ko ba sa laro?

"Ano na naman yan ha?" mataray namang sabi ni Sunny sa akin. Pag kay Xiumin mabait, tapos sa akin inis sa akin?

"This is called 'Would you Rather'." I said with a grin. Mukhang interasado naman sila kasi lahat sila nakatingin sa gwapo kong mukha.

"Sige. Game ako." Nagthumbs up naman ako kay Jessica. Mga isip bata nga naman.

"Okay, basta sundan niyo lang ang gagawin ko." I said. Bumilog naman kaming lahat. "Ako na magstart." sabi ko pa.

Tinuro ko naman si Hyoyeon. Ala lang, trip ko lang. "Would you rather kiss a frog or date me?" I asked her.

Tinaasan lang ako ng kilay. "I would rather kiss a frog." she said.

"Gags. Basag na basag ka na hahaha." tawa ni Tao sa akin. Mukha naman siyang panda.

"Okay ako na ang matatanong." Hyo said to us. May pinaikot naman siyang bote at tumapat ito kay Sunny.

"Hey Sunny, would you rather go out with Xiumin or eat a dead rat?" Napatawa naman kami sa tanong ni Hyoyeon. Parang sinasabi niya na walang choice si Sunny haha.

"I hate you. I would rather date Xiumin. Ayoko ng patay na daga!" komento ni Sunny. Agree naman ako sa kanya.

"Hyo babes, ang brutal mo naman." I said with a wink. Inirapan lang niya ako.

It means type niya rin ako.

"My turn." Sunny held the bottle, pinaikot niya ito at tumapat kay Kris. Isa pa tong maraming issue.

"Would you rather become a dog or be with the girl who loves you?" Sunny said.

"I would rather be a dog." He said then left us. Wow. Anong drama ni Kris? Kailangan nang maging okay ng mga grupo namin para....

Para walang tutol pag girlfriend ko na si Hyoyeon ko.

I need the best plan. Sisimulan ko na pagkatapos naming kumain.

"Kainan na!!!" sigaw ni Sooyoung para iwas awkward siguro kaya sumunod na kami sa kanya.

This Means War?

This Means Love?

Hahahaha. I chose the other one.

---

Authors Note: Okay. Sorry:( Sobrang busy ko talaga. I'll update as soon as I can.

Chen in MM:)

Thank you sa mga nagcomment and vote. It means a lot to me.

Please read WASMTB. It is an Exoshidae fanfic also. Nasa works ko po. Salamat.

ReaLIES || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon