Chapter 9: The Pink Slippers and the Red Heels

1.9K 98 2
                                    

Chapter 9: The Pink Slippers and the Red Heels (Part 2)

[A/N: This is the continuation.]

Chapter 9: The Pink Slippers and the Red Heels (Part 2)

Hyoyeon's Point of View

Pagkatapos ngang ilock ni Yoona yung gate ay umalis na kami doon. Siguradong walang kawala ang mga ungas na iyon bukas.

"Goodluck sa kanila." Sabi ko sa kanila at nagtawanan yung iba.

Katabi ko naman si Sunny at Tiffany na mukhang nasa state of shock pa rin ata. "Hoy, Okay lang kayo?" baka kasi kung ano ang ginawa nung mga yun sa kanila.

"H-Ha? Okay lang ako." Sagot ni Panyang. Sa pagkaka-alala ko ay nakaheels siya pero nakasuot na siya ng pink na tsinelas.

"San mo naman nakuha yan?" turo ko dun sa tsinelas niya. Namula naman ang bruha at di ako pinansin.

Tinapik naman ako ni Seohyun. "Unnie, wag naman po kayong maginterrogate." Binawal ako ni maknae. Hmm, sige na nga.

"Oy, anong chismis ang nakita ko?" sabat ni Sooyoung mula sa likod. Napalingon naman kami sa kanya.

Tumaas lang yung kilay ko sa kanya. Ano ba ang nahitit nito? "Ano naman yan?" tanong ko sa kanya. Makapagsalita siya parang di ko siya nakita na tinititigan yung isa sa ugok na Exo.

"Kinakausap mo si Lay oppa." Sabi niya. Muntik naman akong mahulog ng biglang preno ni Taeyeon.

Napakamot naman siya ng batok. "Oops, sorry. Nabigla lang ako." Hinging paumanhin niya. Pinitik ko naman sa ulo si Sooyoung na kung anu-ano ang sinasabi.

"Maka oppa ka ha. Close kayo?" nakacross arms ako habang sinasabi sa kanya yan. "Nag-uusap lang kami tungkol sa steps." Sinabi ko naman yung totoo. Bakit ko naman idedeny?

"Kalma lang Hyo, wag magselos." Pigil ni Sunny sa akin. Isa pa siya. Humanda ka sa akin.

"Ah kaya pala ang ganda ng band-aid mo sa tuhod. Ano nga ulit ang nakalagay? Ah! Xiumin." Sarcastic kong sabi sa kanya kaya tumahimik bigla.

Sa wakas ay nakarating na kami sa bahay naming. Kanya kanyang punta na kami sa kwarto namin

.

"Cute pala ni Chanyeol" rinig ko pang sabi niya sabay takbo sa kwarto. Itutulog ko nalang ito.

[ THE NEXT DAY....]

Seohyun's Point of View

Maaga kaming nagising ni Hyoyeon unnie para magluto ng umagahan. Naghanda na ako ng plato habang siya ay nagluluto. Nang matapos ko ayusin ay ginising ko na sila unnie.

After kong manggising ay kumpleto na kami na bumaba para kumain.

"Ako muna maliligo." Pagpapaalam ko sa kanila anang sabay saby nila akong pigilan. "Bakit po?"

"Maknae, malelate tayo niyan." Sabi ni Yuri unnie sabay takbo sa banyo. Ang daya talaga. Marami naman kaming banyo. Tatlo ang banyo pero yung isa kasi yung pinakamalaki at pinag-aagawan naming.

"Yang Yuling na yan." Si Jessica unnie rin ay nanghihinayang. Hinintay ko nalang matapos si Yuri unnie at ako naman ang naligo.

Nagbihis ako ng uniform ko at heels. Kahit ano naman ang sapatos mo ay pwede basta may heels. Ewan ko ba sa rules nung school na iyon.

"Sa wakas maknae!!" masayang sabi ni Taeyeon unnie sa akin. Ako nalang pala ang hinihintay. Si Jessica unnie naman ang driver naming ngayong araw.

After ilang mintues ay nasa school na kami. Pagkatapos magpark ni unnie ay bumaba na kaming lahat.

Lumapit naman ako kay Tiffany unnie. "Unnie, sa library muna po ako. May hihiramin lang po ako na book." Pagpapalam ko sa kanya.

Tumango naman siya sa akin. "Okay sige. Sa classroom nalang tayo magkita." Sabi pa niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Habit ko na bago pumunta sa classroom ay sa library muna ako.

Pagkapasok ko sa library ay binati na ako ng librarian rito. "Hello, Ms. Seohyun" Napangiti naman ako at binati din siya.

Dumiretso agad ako sa pwesto ko lagi at inilapag ko ang bag ko. Pumunta ako agad sa section ng gusto ko. Sa wakas nahanap ko na yung book na babasahin ko. Kukunin ko na ito nang may biglang humawak mula sa kabilang shelf.

Yumuko ako para makita ko kung sino ang kukuha ng book. Si Mr. Oh pala at mukhang nagulat din siya pero hinatak niya yung aklat at nakuha niya. Iniinis niya talaga ako. Pumunta ako kung nasan siya at humarang sa daanan niya.

"Tabi." Yan lamang ang sinabi niya pero di ako umalis. "Ano ba ang gusto mo?"

"Yang libro na hawak mo. Ibigay mo sa akin." Sabi ko sa kanya. Ngumisi lang siya at tinabig ako. Hinawakan ko agad siya sa braso. "Hindi mo ibibigay?" Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. Natigilan naman siya. Pagkakataon ko na ito kaya ginawa ko na ang dapat.

"AHHH." Sigaw niya. Tinapakan ko ang paa niya. Red heels ang gamit ko take note.

Dali-dali akong tumako bago pa niya ako maabutan.

Author's note: How's this chapter? Sana magets niyo po yung title every chapter. Thank you

ReaLIES || ExoShidaeWhere stories live. Discover now