Chapter 17: A Picture Tells a Thousand Words.

1.9K 113 4
                                    

Chapter 17: A Picture Tells a Thousand Words.

---

An enemy is anyone who tells the truth about you.

-Elbert Hubbard

---

Seohyun's Point of View

Saturday ngayon at nagkasundo kami ng Exo na gumawa ng murals. Himala nga dahil may pinagkasunduan pala kaming kahit isang bagay.>_<


"BabySeo, magdadala ka ba talaga niyan?" Napatingin naman ako sa nginunguso ni Taeyeon unnie. Ah, yung mga books ko pala. Tumango naman ako sa kanya.


Nilagay ko na sa bag ko yung books ko. Pag may time ay magbabasa ako.


"Di ka pa ba nasanay Taeng!" naiiling naman na sabi ni Tiffany unnie. Anong mali sa ginagawa ko?>_< "Anyway, umuwi nalang tayo ng lunch, di kasi tayo makakapagluto."


"Okay po." sagot ko naman. Bumaba na kaming lahat at pumunta sa garahe. Si Yoona unnie yung driver. Sana lang po sa school kami didiretso, hindi sa langit.


"Handa na ba kayo? Put your seatbelt on dahil lilipad na ta---Ay, joke lang hehe." biro ni Yuri unnie sa amin pero sinunod namin ang sinabi niya.


Umandar na nga ang sasakyan namin. Himala dahil hindi kami parang nagkakarera. "May sakit ba si Yoona?" bulong sa akin ni Sooyoung unnie.


Baka nga? Nakarating kami at nagpark sa carpark. Agad kaming dumiretso sa murals namin.


Finishing touches nalang ang gagawin ng group namin. Sila Yoona unnie yung marami pang gagawin.


"Oh my! Ganda ng gawa natin." masayang sabi ni Sunny unnie. Agree naman ako sa sinabi niya. "Grabe! Napagod ako haha."


Lumapit naman si Xiumin kay unnie at inabutan ng panyo. Hmm, tinanggap naman ito ni unnie. Nakakapagtaka.


"Yung ang malaking misteryo." bulong ni Yuri unnie sa aming mga babae.


"Tss. Gagawa ba kayo o gagawa?" sagot ni Baekhyun sa amin. Kaya sumimangot naman kami.


After ng ilang minutes ay tapos na talaga yung mural namin. We drew optical illusions. Naacheive naman namindahil nahihilo nga ako katitingin sa gawa namin.


"FRIENDS! TAPOS NA KAYO??" Napalingon ako sa sumigaw. Si Fany unnie pala. Mukhang tapos narin sila. Lumapit sa amin ang group 1.


"Tulungan nalang natin yung huling group?" tanong ni Kris. We agree on him. Mukhang marami na kaming pinagkakasunduan.


Nagpunta kami sa gawi ng senior building. Naabutan namin yung group 3 na nagpipintura. Mukhang nagcocooperate lahat.


Lumapit naman ako kay Sehun na mukhang pagod na. Inabutan ko siya ng tubig. "Ah, salamat." sagot niya kaya tumango ako. Tumalikod na ako ng hawakan niya ako sa braso.

ReaLIES || ExoShidaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon