His Wife (07)

Magsimula sa umpisa
                                    

“ What!? Akala ko ba gutom ka. Don’t tell me magiinarte ka pa! I’m telling you kapag hindi mo inabot ito, starve yourself to death. Dali, nangangawit na ako” sabi niya sakin. Walang pagaalinlangan na inabot ko yung tempura. Napangiwi ako, nako! Aatakihin ako nito eh.

“ Ang arte arte para namang may maipagmamalaki pa eh, maduming babae naman” bulong niya pero sapat na para marinig ko. Hangga’t pagkain ko ba naman, nai bibring up pa niya yung issue na yun? Walang ano- anong sinubo ko yung tempura at inubos. Ano ba mas malala? Yung allergy ko o yung ulcer ko? Parang buntis si JC. Ang tindi ng mood swings. Sweet kanina kuno tapos bwisit nanaman!

“ May allergy kasi ako sa shrimps” mahinang sabi ko pagkatapos kong ubusin yung binigay niya. Nanlalaking mata na lumingon siya sakin na parang may nakalimutan. Ganyan kasi ang facial expression niya kapag may nakakaligtaan or nakakalimutan.

Sa gulat ko, dali dali niyang hinablot yung shoulder bag ko at parang tangang tarantang kinalkal iyon. Mula sa zipper, sa make up kit ko tapos sa pouch pa. Nung parang walang siyang makita, ibinaba niya yung maleta ko. Tapos tangang nagkalkal. Andami ng nakatingin na atensiyon sa amin. Hindi ko nga alam kung bakit ganun siya kung umasta. Nilapitan kami ng stewardess.

“ Sir, any problems? Nakakakuha na po kasi tayo ng maraming attention” sita niya kay JC tapos si JC naman ibinalik yung maleta ko sa itaas tapos tinignan ng masama yung babae.

“ Baka nakakalimutan mong I own this airplane, Miss” madiin na wika niya.  Nagulat naman ako. Ano ba yung hinahanap niya?

“ JC, tama na yan. Ano ba yung hinahanap mo?” tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya ng masama sakin tapos bumaling sa babae.

“ Dalan mo ako ng gamot sa allergy, as in right now” utos ni JC sa  babae tapos nagpatiuna na siyang umupo. Para namang mawawalan ng kulay sa takot yung babae. Di nagtagal, may iniabot siya sa aming gamot. Inabot naman sakin ni JC yun.

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon