Chapter 17: Unexpected

Start from the beginning
                                    

"At hindi lang siya ang narito ngayon. I felt multiple presence earlier. Mukhang yung buong team niya ay nandito sa isla." Napailing na lamang ako sa sinabi ni Grayson. May mga Agent ngayon dito sa Xeerna Island. Para saan naman? Nagbabakasyon din ba sila kagaya namin? This is insane!

Napalingon ako pintuan ng silid na inuukupahan namin ngayon no'ng may kumatok doon. Nagkatinginan kami ni Grayson at noong mamataan kong humugot ito ng isang malalim na hininga, napangiwi na lang din ako. "It's them," anito sabay lakad patungo sa pinto ng silid.

Napabuntonghininga na lamang din ako sa mga nangyayari. Our co-agents are here! In this freaking island! May misyon ba ang mga ito sa lugar na ito?

I blinked twice, no, I did it thrice, noong nakita ko ang mga nakangising mukha nila sa nakabukas na pintuan ng silid. Lumayo si Grayson sa may pinto at hinayaang pumasok ang mga bagong dating.

"Hey, Gray! Hello, Ana!" bati ni Blue sa amin, one of the best Agents we have in Tynera. He's from Lynus Division, a water attributer, at isa sa mga senior Agents na nakakasalamuha namin sa Tynera. He's two years a head sa amin ni Gray at alam ko ring hindi basta-bastang pumupunta sa ganitong lugar ang isang ito kung hindi isang importanteng misyong ang pakay niya.

Tahimik kong pinagmasdan ang mga bagong dating. Blue, Myst, and Lester. The Trio of Tynera! Lahat sila ay magagaling at malalakas na Agent. Mukhang sinubukan nilang itago ang presensiya nila kanina kaya naman ay hindi ko ito naramdaman. Too bad for them. Kasama ko si Grayson. Kahit na mas matagal na silang Agents kumpara sa amin, still, they can't hide from Grayson Tyler.

"What are you doing here?" Grayson asked them. Lalong lumaki ang ngisi ng tatlo habang nakatingin sa amin. I mentally rolled my eyes. Pinagkrus ko ang mga braso sa harapan at masamang tiningnan ang mga ito.

"Akala ba namin nasa Enthrea kayo? Bakit napunta kayo sa lugar na ito?" tanong ni Myst sabay taas-baba ng kilay.

"Well, technically, nasa Enthrea pa rin naman kami, Myst." I answered his stupid question. "And we are here because this our reward. May problema ka ba roon?"

Lalong ngumisi si Myst at hindi na nag-abala pang sumagot sa huling tanong ko. Umiling ito at nagtaas ng dalawang kamay at lumapit sa puwesto ni Lester.

"Hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa niyo dito?" seryosong tanong muli ni Grayson sa tatlo.

"Well, before that, let us take a seat first! Ang layo ng lugar na ito at kanila pa pagod ang mga katawan namin!" saad naman ni Lester at mabilis na nagtungo sa sofa na nasa kabilang bahagi ng silid. Halos sabay-sabay na naupo si Lester at Myst samantalang nanatili naman si Blue sa puwesto niya.

"So, sasabihin niyo na ba sa amin ang dahilan kung bakit kayo narito sa Xeerna?" malamig na tanong muli ni Grayson sa kanila.

"We have a new mission," ani ni Blue na siyang ikinatigil ko. Wala sa sarili akong napatingin kay Grayson at muling binalingan ang mga bagong dating na Agents.

Mission? Dito sa Xeerna? Really? Wala akong matandaang may misyon sa lugar na ito! Is this a new one? "What kind of mission, Blue?" takang tanong ko sa kanya. Xeerna Island is a safe place. Impossibleng may kaguluhang nangyayari dito na hindi ko alam, lalo na si Grayson! Alam nito ang mga misyong mayroon sa Tynera kaya imposibleng wala itong ideya sa kung anong misyong mayroon ang tatlong ito! At base na rin sa files ng tatlong Agents na ito, ang mga misyon nila ay yung mga delikadong misyon sa Tynera! Hindi sila basta-bastang kumukuha ng random missions! This is a big and hella dangerous mission!

"It's a confidential mission, Ana," sagot naman ni Blue sa akin. "Pero dahil kailangan namin ng tulong ninyong dalawa, sasabihin namin sa inyo."

"Tulong? Kayo? Manghihingi ng tulong sa amin? That's new, Blue," sambit ni Grayson na siyang ikinangisi ni Blue. Napailing ito at umayos na lamang nang pagkakatayo.

Napailing na lang din ako. "Anong klaseng tulong naman? Come on, guys! We're having a vacation here. May ilang araw pa kami bago bumalik sa Tynera!" apila ko at wala sa sariling inirapan ito. Katatapos pa lamang namin sa isang misyon. Ayaw ko munang bumalik at magtrabaho!

Namataan kong nagkatinginan ang tatlo at tahimik na ibinalik sa akin ang atensiyon nila. Ang tatlong ito ay lahat galing ng Lynus Division. Water attributers at pare-parehong malalakas kaya naman matunog ang grupo nila sa buong Tynera. Kaya naman nakapagtataka ngang pumunta sila sa lugar na ito para lamang humingi ng tulong sa amin ni Grayson.

"Gray. Ana. Alam naming nagbabakasyon kayong dalawa. Kitang-kita namin iyon." Napataas ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Myst. Ngumisi naman ang loko sa akin. "Kaya nga sinundan namin kayong dalawa kanina. Para tuloy kaming stalker." Natatawang wika pa nito.

Napairap ako. "Oh, shut up, Myst! Ano nga iyong misyon niyo?" tanong kong muli sa kanila at baka kung saan pa mapunta ang usapan na ito!

Kumilos naman si Blue kaya naman ay napabaling ako sa kanya. "Here," aniya at may inabot si Blue na papel na agad namang tinanggap ni Grayson. Ipinilig ko ang ulo pa kanan at tiningnan lamang si Grayson habang binabasa ang papel na ibinigay ni Blue sa kanya. Magsasalita na sana akong muli noong mapansin ang pag-iiba ng ekspresiyon sa mukha ni Grayson. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at kumilos na rin. Lumapit ako sa kinatatayuan ni Gray at tiningnan ang kung anong ibinigay ni Blue sa kanya.

Kunot-noo kong tiningnan ang papel na may larawan sa gitna. Ipinilig ko ang ulo pakanan at pilit na inaalala kung saan ko nakita ang pamilyar na larawan na nasa papel. I can't be wrong. I'm a hundred percent sure that it's a mark of a guild! Hindi ko nga lang matukoy kung anong guild ang nagmamay-ari sa markang ito!

Ilang segundo lang din ang lumipas noong mabilis akong natigilan. Napaawang ang labi ko noong mapagtanto kung anong klaseng marka itong nasa papel na ibinigay ni Blue kay Gray. "The Sigma," mahinang sambit ko sabay tingin kay Grayson na seryosong nakatingin pa rin sa papel na hawak-hawak niya. Nilingon ko naman ang tatlo. "Who sent you this mission?" I curiously asked them.

Ano na naman kaya ang ginawa ng dark guild na ito at pati ang Trio ng Tynera ay hinahanap sila? For the past days, lagi naming na-e-encounter ang dark guild na ito! They kept on messing with us!

"It's a mission from the Council, Ana." Natigilan ako sa sagot ni Blue. The Council sent this one? Seryoso ba sila?

"They want us to investigate about this dark guild," sambit naman ni Lester na siyang ikinatingin ko sa puwesto nila ni Myst.

"Nasa Xeerna ba sila?" I asked them again. Kung nandito ang tatlo, malamang nandito ang target nila!

"No. They're not here," agarang sagot naman ni Blue at tiningnan ang tahimik na si Grayson. I froze where I stand. Nararamdaman ko bigla ang pressure ng buong kuwartong kinaroroonan namin. I took a deep breathe before speaking again.

"Kung wala sila sa lugar na ito, then, bakit kayo narito?"

"I already told you our reason, Ana. We need your help. You encountered them already, tama ba?" Blue asked me. Napatango naman ako sa kanya. "And the Council requested you for this mission, too. At alam mong hindi naming puwedeng hindi sundin iyon."

Napatingin ako kay Grayson. Maging siya ay ganoon din ang ginawa. Tumingin ito sa akin bago balingang muli si Blue. "What really is this mission, Blue?" seryosong tanong ni Grayson sa kanya.

If the Council wanted us, so meaning, this mission is something that a single team can't handle. And the fact that they want us, me, Grayson, and the Trio, to work this out gives me chills all over my body! This mission is something dangerous! Damn it! Hindi ba puwedeng magpahinga muna kami kahit saglit? Wala pang isang araw kaming namamalagi rito sa Xeerna!

"It's the Malverine." I mentally cursed when Blue answered Grayson's question.

Napaawang ang mga labi ako at pilit na prinoproseso ang mga salitang binitawan nito.

"Sila ang misyon namin kaya naman ay kailangan namin ang tulong ninyong dalawa."

An unexpected guests and unexpected mission. Damn it! Hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari dito!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now