Chapter 15: Aurora Swan (Mission 2- Part 5)

Magsimula sa umpisa
                                    

"I healed you both kaya nanghina ako. But don't worry about me. I'm fine, Gray."

"You healed us... both?" takang tanong nito kaya naman itinuro ko ang wala pa ring malay na si Aurora. Bumaling naman doon si Grayson at mayamaya lang ay napahugot ng isang malalim na hininga. "You did a good job, Ana," ani Gray na siyang ikinatango ko na lamang. Hindi na ako nagsalita at napatingin na lamang sa barrier na kinalalagyan ni Kaylus Spere.

We need to finish this job. Aurora is here with us now. Ligtas na ito at ngayon, tanging si Kaylus na lamang ang kailangan naming asikasuhin. Kailangan na rin naming makalabas dito sa fairy land. Bago pa lumala ang sitwasyon, kailangan na naming tapusin ang misyong ito!

"Let's finish this mission, Grayson," matamang sambit ko at binalingan ito. Tumango naman sa akin si Gray at inalalayan na akong tumayo. Maingat akong kumilos at noong makatayo na ako nang maayos, tinanguhan ko naman si Gray. Binitawan na nito ang kamay ko at nagsimula na kaming kumilos. Naglakad kaming dalawa patungo sa barrier kong saan naroon si Kaylus. Tahimik ko itong pinagmasdan at noong makitang nakangisi ito habang nakatingin sa aming dalawa ay mabilis kong inangat ang kanang kamay. Kahit na nanghihina pa, pilit kong pinalakas ang apoy na bumabalot ngayon kay Kaylus! Mayamaya lang ay narinig ko ang pagmumura at pagsigaw nito sa loob ng fire barrier ko.

"Damn you, Anastasia Miller!" mura nito sa akin at muling sumigaw. Mas dinoble ko pa ang lakas ng apoy ko kaya naman ay muling nagmura si Kaylus sa loob ng barrier.

"I told you... you'll pay for what you've done, Kaylus," seryosong sambit ni Grayson sa kanya. Now I know that he'll end his life. Wala na siyang magagawa pa. This is his end. Tatapusin siya ni Grayson gamit ng special ability nito. Too bad for him, isang Grayson Tyler ang tatapos ng buhay niya. Grayson has the ability to manipulate someone's attribute. Kaya niyang palakasin ang attribute mo at kaya niya ring alisin ang kung ano ang mayron ka. In other words, he can destroy and kill someone using his special ability.

"Any last word?" tanong pa ni Grayson sa nahihirapang si Kaylus. Kita ko ang galit sa mga mata ni Kaylus sa loob ng barrier ko. Mayamaya lang ay umawang ang labi nito at mabilis na hinawakan ang dibdib nito. He can't breathe. He's slowly losing his own life.

"The S-Sigma will haunt you d-down. K-kayong dalawa!" mariing sambit ni Kaylus sabay sigaw ng pagkalakas-lakas! And slowly, I saw how his body touches the ground. Nantili naman akong nakatayo at nakatitig sa katawan ni Kaylus. It's gone. His presence... his attribute, I can't feel it anymore.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. "Grayson," mahinang tawag ko sa pangalan niya. Napailing na lamang ako at biglang napahawak sa laylayan ng jacket niya dahil nakaramdaman na naman ako nang pagkahilo. Agad naman humarap sa akin si Grayson at hinawakan ako sa magkabilang braso.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa akin. Pumikit ako nang mariin tapos humugot muli ng isang malalim na hininga.

"Yes. Ayos lang ako. Medyo nahihilo lang," mahinang sagot ko at umayos nang pagkakatayo. "Si Aurora, Gray. We need to check her condition."

Tumango si Gray sa akin. "Come on. Puntahan natin siya," anito sabay alalay sa akin. Hinayaan ko na lamang itong tulungan ako at no'ng makarating kami sa kinalalagyan ni Aurora ay maingat akong lumuhod upang makita ang kalagayan ng kaibigan.

"Maayos na ang kalagayan niya pero bakit hindi pa siya nagigising?" nagtatakang tanong ko at hinawakan ang palapulsuan nito. She's stable now. Malayo na ito sa kapahamakan kaya naman bakit wala pa itong malay hanggang ngayon?

Napapikit na lamang ako no'ng makaramdam muli ng biglaang pagkahilo. Shit! Nasobrahan yata talaga ako kanina! Panay ang pagkirot rin ng sintido ko kaya naman ay mas lalong akong nahihilo!

"Ana," ani Grayson at tumabi sa akin. "Stay still, Anastasia. Huwag ka munang gumalaw. You need to rest," saad nito at umayos nang pagkakaupo sa tabi ko. Mayamaya lang ay hinawakan nito ang ulo ko at maingat na inilagay sa may braso niya. Napaawang naman ang labi ko at hindi nakapag-react sa ginawa niya. "Rest, Anastasia. Kailangan ng katawan mo ang pahinga. Don't worry about anything. Just rest, okay? Babantayan ko kayo," dagdag pa nito na siyang ikinatango ko na lamang. Ipinikit ko ang mga mata at hinayaan ang sariling makatulog at makapagpahinga.

Nagising ako dahil sa naririnig na mga pamilyar na boses sa paligid. May nag-uusap at mukhang kilala ko kung sino ang mga ito. Nanatili naman ako sa puwesto ko at hindi kumibo. I tried to stay still as I listened to them.

"I'm really sorry, Gray. Nadamay pa kayong dalawa ni Ana sa gulong ito." Rinig kong sambit ni Aurora sa tabi ko. Gusto kong imulat ang mga mata ngunit mukhang wala pa akong sapat lakas para gawin iyon. Nanatili akong nakapikit at tahimik na pinakinggan ang pag-uusap ng dalawa.

"No need to say sorry, Aurora. We took the mission because we want to find and help you."

"Pero muntik pa kayong mapahamak dahil sa pagtulong sa akin. Muntik nang mapahamak si Ana dahil lang sa misyong ito." I heard her sighed. "Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili kung tuluyang napahamak ang isa sa inyo."

"Aurora, tell me. Ano ang alam mo?" seryosong tanong ni Grayson sa kanya.

"It was an accident, Gray. Aksidenteng natuklasan ko ang dimensiyon sa sentro. At noong makatungtong ako sa lugar na ito, agad akong nahuli at nakontrol ni Kaylus. He was too powerful for me to handle." Pagkukuwento ni Aurora. So, it was true. Totoo iyong mga tinuran ni Kaylus sa akin kanina. He didn't kidnap her!

"Do you remember anything about Sigma?" Grayson asked her again.

Aurora sighed again. "The Sigma... yes. Sila ang guild na kinabibilangan ni Kaylus. Kahit na kinokontrol nila ang katawan ko, minsan naman ay nasa tamang pag-iisip pa ako. I can hear and understand their conversations."

"Just what I've thought." Muling wika ni Grayson sa tabi ko.

Bahagya akong gumalaw kaya naman ay natigil ang dalawa sa pag-uusap. "Ana," rinig kong tawag ni Aurora sa pangalan ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at inayos ang pagkakaupo. Bumungad naman agad sa akin ang mukha ng dalawa. Mayamaya lang ay wala sa sarili akong napahawak sa leeg ko noong makaramdaman ako nang pangangawit doon.

"Hey. Are you feeling better?" Nag-aalalang tanong ni Grayson sa akin.

Tumango naman ako sa kanya bago magsalita. "Yeah," maikling tugon ko sabay tingin kay Aurora. I smiled at her. Thanks God gising na ito. "Aurora," sambit ko sa pangalan ng kaibigan.

"Anastasia," aniya sa pangalan ko. "Thank you." Nakangiting wika nito sa akin.

Gumanti naman ako nang ngiti sa kanya. "Maayos na ba ang pakiramdaman mo? I'm sorry about earlier. Mukhang napalakas ang pag-atake ko sa'yo." Paghinge ko nang dispensa sa kanya.

Mabilis namang umiling sa akin si Aurora at mahinang tumawa. "No. Tama lang ang ginawa mo, Ana. Thankful pa nga ako dahil sa ginawa mo, nawala iyong bisa ng kapangyarihan ni Kaylus sa katawan ko," wika pa nito. Napatanago naman ako sa kanya. Mayamaya lang ay lumapit si Aurora sa akin at niyakap ako. "Thank you again, Anastasia. Thank you so much."

Gumanti naman ako nang yakap kay Aurora at tiningnan si Grayson sa tabi ko. Nakangiti lang ito habang nakatingin sa aming dalawa.

So, this is it. Our mission is done. Tapos na ang trabaho namin sa lugar na ito.

Makakauwi na rin kaming dalawa.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon