Chapter 13: Aurora Swan (Mission 2- Part 3)

Comenzar desde el principio
                                    

Napapikit na lamang ako dahil sa sakit. My healing ability is no use in here. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko magamit nang maayos ang attribute o ang healing ability ko! Naiinis na ako sa mga nangyayari sa akin ngayon!

"Let her go, assholes. Nasasaktan na siya." Agad kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko agad si Grayson. Kagaya ko ay nakagapos din ito at may dalawang lalaking nakahawak rin sa magkabilang braso niya. Seryoso itong nakatingin sa gawi namin. Mabilis na nagtama ang paningin naming dalawa at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nito. I slightly smiled at him to assure him that I'm okay.

Grayson is here. Wala dapat akong katakutan.

Binalingan kong muli ang lalaking nasa harapan ko at ininda ang sakit dulot ng sugat ko sa braso. Hindi na rin ako pumalag pa para hindi na nila ako hawakan nang mahigpit.

"Who are you?" mariing tanong ko sa lalaking nasa tabi ni Aurora.

Ngumisi muli ito sa akin at mahinang tumawa sa kinauupuan niya. "Ouch! I'm hurt. Hindi niyo na ako nakikilala?" tanong nito sabay hawak sa dibdib niya na tila nasaktan talaga sa naging tanong ko sa kanya. "Kung sabagay, sino nga bang taga-Shendra ang makakakilala sa akin?" pahabol na sambit nito.

Natigilan ako sa sinabi niya. He knows us. That's for sure. Mukhang nanggaling din ang isang ito sa Tereshle Academy! Pinakatitigan ko ito nang mabuti. Who the hell is he? Hindi ko matandaang nakita ko siya sa loob ng academy noong nag-aaral pa kami!

"Kaylus." Napalingon ako kay Grayson no'ng nasalita ito sa puwesto niya. Kilala niyo itong lalaking ito? "You are Kaylus Spere, right? A member of Tiendra," seryosong wika pa nito. This guy is a Tiendra? So, noong nasa academy pa ito ay nabibilang siya sa pangalawang grupo ng mga estudyante, kasunod sa aming mga Shendra!

"Tiendra? That stupid group," wika ni Kaylus na siyang ikinakunot ng noo ko. What's his deal? "I'm way stronger than those Tiendra students, kaya huwag na huwag mo akong maibilang sa walang kuwentang grupo kanila, Tyler!" pagalit na wika nito na siyang ikinaarko naman ng isang kilay ko.

Hindi pinansin ni Grayson ang galit na tono ni Kaylus at nagpatuloy lang ito sa pagsasalita. "What do you want from her?" tanong nito habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Aurora. Nakita ko itong ngumising muli kaya naman ay lalo akong nairita sa pagmumukha nito!

"She's my queen now. And I bet you are here to get her. Am I right?" tanong nito at muling hinawakan ang kamay ni Aurora. He's a freak!

"Queen your ass! She's no one's queen! Leave her alone!" mariing sambit ko na siyang ikinatawa naman ni Kaylus.

"Oh, come on, Anastasia. Noon pa man ay gustong-gusto ko na talaga ang tapang mo. A Miller indeed." He said, still smirking. Mayamaya lang ay binitawan nito ang kamay ni Aurora at tumayo na sa kinauupuan nito. Humakbang ito ng isang beses habang nasa akin pa rin nakatingin. "Okay. Let's have a deal."

Natigilan ako sa puwesto at masamang tiningnan si Kaylus. "What deal?" I coldly asked him.

Mula sa pagngisi, naging ngiting tagumpay ang ipinakita ni Kaylus sa akin. Hindi naman ako nagpaapekto sa kanya at nanatili ang malamig na titig sa kinatatayuan nito. "I'll leave Aurora alone but in return." He paused for a second then looked at Grayson's direction. "You'll replace her. You'll be my new queen," anito habang nakatingin kay Grayson.

Napatanga ako sa sinabi niya. His new queen? Nababaliw na ba ang lalaking ito?

"Stop your games, Kaylus Spere" seryosong sambit ni Grayson sa kanya. I looked at him. His dark aura again. Matalim niyang tiningnan si Kaylus na siyang ikinatawa lang ng lalaki. Nagkibit-balikat ito sa kanya at muling ibinaling sa akin ang atensiyon nito.

"What do you think, Anastasia? Deal?"

Napailing ako at mariing ikinuyom ang mga kamao. "You're crazy. Ano bang gusto mo? Why are you doing this to Aurora?" I desperately asked him. Segundo lang ay nakita kong nawala ang ngiti sa labi ni Kaylus. Natigilan ako at hindi kumibo sa kinatatayuan ko.

"I'm doing this because it's fun." He casually answered. Hindi makapaniwalang napatitig na lamang ako sa lalaki at napailing na lamang. Mayamaya lang ay nanlaki naman ang mga mata ko no'ng naramdaman kong biglang nawala ang pagkakatali ng mga kamay ko. Wait... did released me?

Akmang gagalaw na sana ako no'ng bigla akong natigil dahil sa espadang nakatutok sa may leeg ko. Damn it! It's Aurora! Napakurap ako at bahagyang tiningnan ito sa tabi ko. Paano siya napunta rito? Kanina lang ay nasa tabi ito ni Kaylus, ah!

"Don't move," anito at inilapat sa balat ko ang talim ng hawak na espada. Napalunok ako at tumigil sa paghinga. Hindi ako kilala ni Aurora ngayon. One wrong move, paniguradong tatapusin ako ng babaeng ito! Damn it!

"Anastasia." Rinig kong tawag ni Grayson sa pangalan ko ngunit hindi ko ito binigyan pansin. I just looked at Aurora's eyes. Mayamaya lang ay may napansin akong kakaiba rito. Kilala ko ang mahikang ito. Ilang beses ko na rin itong nakita noon kaya naman ay alam ko kung anong klaseng mahika ang ginamit ni Kaylus para mapasunod ang kaibigan namin. Dark magic. Nababalot ng dark magic ngayon si Aurora. Kaylus used dark magic to control her!

Mayamaya lang ay muli akong natigilan. Bigla kong naalala iyong misyon namin sa Persidal Village!

Dark Magic... the Sigma! The freaking dark guild! Don't tell me miyembro ng guild na iyon si Kaylus?

"Aurora, can you hear me?" mahinang sambit ko habang hindi inaalis ang paningin sa kaibigan. Hindi naman sumagot si Aurora at nagsimulang kumilos na. Naglakad ito at ngayon ay nasa harapan ko na. "Labanan mo iyan, Aurora. It's dark magic. You know about it too, right? You need to defeat it before it destroys you, Aurora. Come on. Fight it," mariing sambit ko at lumunok muli. Come on, Aurora. Hindi ka dapat nagpapatalo sa ganyang klaseng mahika!

"Now, let's make this thing more exciting." Narinig kong sambit ni Kaylus. Screw him! "Aurora, dearest, lead her for me," utos pa nito sa kaibigan namin. Agad naman sumunod si Aurora sa nais ng lalaki. She motioned me to move without taking off the sword pointed on my neck. Naglakad naman ako. Kinagat ko ang pang-ibang labi hanggang nasa tapat na kaming dalawa ni Aurora kay Grayson. I looked at him. Nakagapos pa rin ito hanggang ngayon. Ano ba talaga ang gustong gawin sa amin ni Kaylus?

"Everything will be fine, Anastasia."

Napatango na lang ako no'ng marinig ko iyon mula kay Grayson. He's always like that. Telling me that everything will be fine. That there's no need to worry. Sana nga Grayson. I trust his words. I trust him.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora