Chapter Forty Seven- Misreckoning

Magsimula sa umpisa
                                    

“WOI Zyla! Make kwento!!” masiglang sabi ni Yanny

“Shh… Hayaan mo muna si Zylie.” 

“ISA NGANG DOUHGNUT MANANG!! ” narinig kong sigaw ni Zylie. Mainit yata ulo? Di niya pinapansin yung dalawa. Bakit? Galit ba siya? Siya pa nagalit?

“Anong donut??” nagulat yata yung manang na nagbabasa ng dyaryo. Napatayo at kinuha ang thong.

“ahhh….” Nagisip pa siya.

Habang nagiisip siya ng pipiliin niyang flavor ng doughnut, kahit feeling ko pareparehas lang naman yung lasa ng mga tinda doon. Marami pang pumila. Sobrang madami ng tao sa likod ko.

“Ikaw na.. Ikaw na…”

“Ikaw na kasi…”

“Sige ka pag nauna ako, wala ka na…”

“Sige ako na nga!!”

“Wala na sabi mo ako na eh..”

Napakamot na lang ako sa gulo ng mga nasa likod ko. Ano ba kasi ang pinapagunahan nila?

“Ahh… Silver!!”

“SILVER!!!!”

Lakas ng boses nila. Napalingon tuloy sina Zylie sa akin. Iba-iba tuloy yung reaksyon nila. Pati yung manang na nagtitinda ng doughtnut napatanga kasi ang ingay nga nung mga babae.

“Pwedeng…”

“WAH! AKO! Pwede bang maging—“

“SILVER PLEASE MAY PARTNER KA NA BA SA CHRISTMAS BALL???”

Christmas ball? Nga pala. May Christmas Ball kami. Dagdag gastusin pa. Kelan na nga ba ulit yun? Nawala na sa kalendaryo ko. Lahat ng juniors at seniors ay kasali sa Christmas ball. Bukod pa ito sa JS prom na mangyayari sa Valentines. 

“Hala Zylie... Ibig sabihin, sa ball partner kayo ni Si—” tinakpan na ni Mikaela yung bibig ni Yanny bago pa nya maituloy ang sasabihin. Akala ni Mika napagusapan na namin ni Zy ang Christmas ball? Pero hindi pa talaga. Hindi ko pa nga yun naisip eh.

“Ano Silver… Kasi… Kung wala ka pang partner… Baka naman pwede kang maging escort ko….” Di makatinging sabi nung isang babae na sa totoo lang ay di ko kilala. Di ko nga matandaan kung ka-yearlevel ko sila eh. Baka nga 4th year na siya dahil hindi pamilyar.

“Ako Silver… Ako naman talaga naka-isip na imbitahan ka eh… May partner ka na ba?”

Partner?  Di muna tinanong kung aattend ba ako o hindi. Katulad ngayong itinatanggi ako ng bilog na yun. Ayaw ko talaga umattend. Pero naisip kong kung aattend si Zylie. Gusto ko siya makitang all made up.

“Meron na…”

Bumagsak yung mga balikat nila. Tapos tumingin ako kay Zylie. Na hindi pa rin nakakabili ng doughnut hanggang ngayon. Nagulat pa siya na nakatingin ako.

“M-may partner na din ako! Kilala mo na Yanny kung sino yun.” sabi niya kay Yanny! Nag-iwas siya ng tingin. Anong pinapalabas niya? Partner sila ni Terrence? Pwede ba yun? Student tapos teacher ang escort? “KAHIT ANONG FLAVOR MANANG! NG MAKAALIS NA!” sigaw niya naman dun sa nagtitinda ng doughnut

“Ah Jeremy…” di ko napansin na may papalapit na pala. Si Bettina, ma hawak-hawak na mga papel. Masyado ko kasing tinitignan maigi si Zylie dahil di ko siya maintindihan. Nagulat na lang ako kasi Jeremy yung tawag niya. Kala ko tuloy kung sino.

"Mm?”

“Buti nakita kita! Yung tungkol kasi sa—”

“Uyy.. Silver… Pretty pretty please.. puchi puchi pooooo! Baka nagkukunwari ka lang na may partner ka na!” at tuloy-tuloy pa rin yung mga babaeng nagaaya sa ball. Nagulat yata si Bettina dahil ang weird nung mga babae.

“ETO PO ANG BAYAD!!!”  sigaw naman ni Zylie.  “TARA NA NGA!!”

I am seriously pissed off. 

“OO! Buti nga dumating ka!” sabi ko kay Bettina tapos parang nagtaka siya. 

"Are you expecting me?" di makapaniwalang bulong niya.

I pulled her close. If this is about acting. Let's see about this act. 

“Sorry. I already asked her out.” I let Bettina face the girls. And my voice loud enough for Zylie can hear. Ang gulo na kasi. I told the girls na may partner na ako with the intention of telling them it is Zylie. Pero nung halos itanggi niya na ako, hindi ko pwedeng bawiin ko at sabihing wala naman talaga ako partner.

On my peripheral vision, I saw Zylie stopped.

Sorry. But I'm this mad. 

*later*

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon