Chapter 26: Pageant part 2

Start from the beginning
                                    


Sa isang iglap... Nawala ang lahat. Nasunog ang lahat, kasama ang katawan niya sa bahay nila noon sa Baguio.


At ang pinaka-mahirap tanggapin sa lahat? 'Yun 'yung wala akong nagawa. Nando'n ako pero wala akong nagawa. Naka-tingin lang ako sa malayo habang unti-unti siyang namamatay sa loob ng tirahang 'yon.


♪♪Sometimes good-byes are not forever
It doesn't matter if you're gone
I still believe in us together
I understand more than you think I can
You have to go out on your own
So you can find your way back home♪♪


Oo, tama. Naniniwala pa rin ako hanggang ngayon na tayo pa rin hanggang sa dulo, na ikaw pa rin at ako, dahil hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita, at nakakasigurado akong hindi lang puppy love ang naramdaman ko sa'yo mula noon, hanggang ngayon.


Hindi ko na napigilan at tumulo na ang isang butil ng luha mula sa kaliwang mata ko.


♪♪And somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
Will come to see
That you belong with me
Letting go is just another way to say
I'll always love you so♪♪


Kung puwede lang ibalik ang lahat sa nakaraan, gagawin ko, kahit na may kapalit pa, ipagpipilitan ko. At sana sa pagkakataong 'yon, mailigtas na kita sa lugar na iyon.


Naalala ko tuloy ang sinabi ng matanda sa may parking lot. Totoo nga kayang buhay pa siya? Nakaligtas nga kaya siya sa sunog? Sana nga oo, dahil....


We had the right love
At the wrong time
Maybe we've only just begun
Maybe the best is yet to come
'Cause


Somewhere down the road

Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
Will come to see
That you belong
With me


Mahal na mahal ko pa rin siya.


Napamulat ako ng mata at napatingin sa lahat ng audience. Nakatulala lahat sila at parang hindi makapaniwalang naka-tingin sa'kin. Pati na ang mga judges ay naka-nganga. Pero mayroong isang tao na naka-ngiti lang sa'kin, at parang hindi man lang nagulat o namangha na naka-pikit ako habang nagpa-piano ang paa ko at nagba-violin ang kamay ko. Para bang... alam niyang kaya kong gawin 'yun.


Nagulat pa ako ng nag-thumb's up pa siya sa'kin. Bigla akong may naalala. Si Jarice. Ang reaksiyon na 'yun, ang ginawa niyang pagta-thumb's up pagkatapos kong kumanta at ang...


Pumalapak siya at unti-unting dumarami ang puma-palakpak, hanggang sa pati ang mga judges na naka-nganga kanina ay napa-tayo pa habang puma-palakpak. Narinig ko pa ang paulit-ulit na sigaw ni Mommy na 'Anak ko 'yan!'. Napa-iling na lang ako. Kapag ipinapatuloy niya ang pagsigaw ng anak ko 'yan ay paniguradong makikilala na ako ng mga tao. Ngunit sa tingin ko naman ay hindi, dahil sa ingay ng lahat ng tao sa baba ay sa tingin ko'y walang ni isang makakarinig sa kaniya.

Ex-Gangster Queen's Diary {Completed}Where stories live. Discover now