Chapter 26: Pageant part 2

522 10 0
                                    

×Chapter 26×
~🍔🍔🍔~


+Princess' POV+


Naka-handa na'ko para sa gagawin kong talent. Nakakaramdam ako ng kaba, pero hindi ko alam kung para saan 'yun. Alam kong hindi ako kinakabahan sa gagawin kong talent, kaya hindi ko alam kung para saan 'yun. Hays 'di bale na nga. Tapos nang mag-valley si Zamantha, kaya alam kong ako na ang susunod. Sinet-up na nila ang piano ko sa stage, nang maayos na ang lahat ay lumabas na'ko, dala ang violin ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ng mga tao. Sino nga bang hindi magta-taka? May piano sa stage at naka-harap ito sa audience, imbis na nakatagilid, tapos may dala pa akong violin.


Napangisi ako nang makitang pati ang mga magulang ko, si Prince at si Ate Tiana ay naka-kunot ang noo. Walang nakaka-alam na magaling ako sa ganitong bagay. Tanging ako lang, si Jarzy at si Jarice ang nakakaalam, actually marunong din silang alawa ng gan'to. Bigla naman akong nalungkot, naalala ko nanaman siya. Hay! Napa-iling na lang ako para hindi ko na siya maisip, pero naalala ko, connected rin pala sa kaniya ang kantang kakantahin ko ngayon. Tssk!


Kinuha ko ang upuan at inilagay 'yun sa likod ng piano. Tumungtong ako doon at umupo sa piano. Lalong nangunot ang noo ng mga tao—Kung mayroon pang ikaku-kunot 'yun. Mayroon nang nagbubulungan at tila naguguluhan sa ginawa ko, pero hindi ko na lang pinansin. Itinaas ko ang mic para marinig nila ang pagkanta ko. Nagsimula na akong mag-tipa sa piano... gamit ang diliri ng paa ko, at sinimulan ko na ring patugtugin ang violin ko. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ng mga tao sa ilalim ng stage. Napangisi ako, ang galing ko talaga.


Now playing: Somewhere down the road by: Nina

Napa-pikit ako bago simulan kumanta.


♪♪We had the right love
At the wrong time
Guess I always knew inside
I wouldn't have you for a long time♪♪


Kung alam ko lang sana no'n, sana sinabi kong mahal ko siya kahit alam kong sobrang bata pa namin no'n, at iisipin ng ibang puppy love lang 'yon. Wala akong pakialam kung ano man ang isipin ng iba. Wala akong pakialam kung sabihin nilang mali ang pagmamahal ko sa kaniya dahil pareho kaming babae.


♪♪Those dreams of yours

Are shining on distant shores
And if they're calling you away
I have no right to make you stay♪♪


Naalala ko noon, pangarap niyang maging successful business woman balang araw. 'Yung tipong hahangaan siya ng lahat dahil isa siya sa pinaka-mayaman na tao sa mundo. 'Yun ang pangarap niya. Pero sa isang iglap....


♪♪But somewhere down the road

Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
Will come to see
That you belong with me♪♪

Ex-Gangster Queen's Diary {Completed}Where stories live. Discover now