3.3

3.5K 99 10
                                    

Amethyst's POV

Namumula ako pagka-ahon naming dalawa. Hindi ako makapaniwalang wala siyang pakealam na meron ako. Hindi ko siya matingnan ng diretyo at pinilit na making sa pinag-uusapan nila Jenny. Kasama naman ni Adam yung mga lalake pero nasa akin yung mga mata niya.


Napakunot ang noo ko nung bigla siyang nag-iwas ng tingin at tingnan ang phone niya. Nagmamadali siyang tumayo at tiningnan muna ako bago lumayo.


Sa nakita ko sa tingin kong dapat ay huwag ko na muna siyang sundan.


Binalik ko na lang ang atensyon ko sa mga to pero hindi mawala sa isip ko si Adam. I don't know pero bigla na lang ako nakaramdam ng kaba.


Napalingon ako nung mahagip ng mata ko napalapit sa akin si Adam,madilim ang mukha niya. At bigla niya ako hinila palayo.


"Hey anong problema?"Tanong ko ng mapansin kong nanginginig ang mga kamay niya. Mabilis siyang umiling at nginitian ako. Pero kita ko kung paano nagbago ang mga mata niya.


Kung kanina nakikita ko kung gaano kasaya, at puna ng emosyonngayon ay parang bigla na lang itong lumamig at nawalan ng buhay.


Hindi ko na siya mabasa gamit ang mga mata niya.


"Wala, I'm fine. There's just an emergency sa Manila. I'm sorry mukhang kailangan kong lumipad dahil kailangan ako dun. Pwede bang mauna na ako?"Nagulat ako pero hindi ko na pinahalata. Ramdam ko na talaga na may nag-iba pati sa tono ng pananalita nito.


"Babalik ka ba after mo maayos yun o kami na lang ni mama ang uuwi?"Tanong ko at agad siyang umiling.

"I don't think na kakayanin siya ng isang araw. It may take a week. Kaya pag-uwi mo baka maging busy din ako. Bye na, I really have to go."Hinalikan niya na ako sa labi bago pa ako makapagsalita nakalayo na siya.


Naiwan ako na nagtataka..anong nangyari dun?



Adam's POV

Mabilis akong tumayo nung Makita ko na ang tawag ni Sue, nag-text siya kanina na kailangan niya akong kausapin.


Lumayo muna ako sa kanila at nagtama pa ang tingin naming ni Amethyst.


"Hello, ano yung sasabihin mo?"Tanong ko sa kanya. Gusto ko ng bumalik dun baka kung ano na ang ginagawa ni hilaw kay Amethyst.

"ADAM!Oh my gosh Adam! Si Sofia sinugod sa hospital nag-overdose siya sa gamut niya!! Hindi ko alam ang gagawin ko. Pls..pumunta ka dito." Hindi na ako nakapagsalita at mabilis na binaba ang tawag.


Ano na naman ba ang ginawa nung babaeng yun? Bakit niya kailangan niya pang mag-overdose?  Naiinis akong bumalik.


Kailangan ko siyang maka-usap hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya.  Lalo na at alam kong ako ang may kagagawan nito.


Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari man na masama sa babaeng yun kahit na alam ko pang..tsk!


Hinila ko palayo si Amethyst para makapag-paalam ako ng maayos.


Agad kong pinahanda ang private plane ko at mabilis na lumipad pa-Manila.


'I'm so sorry baby..'



Amethyst's POV

Gabi na at kanina pa umalis si Adam. Hindi siya nagpaparamdam sa akin. Alam kong busy siya sa inaasikaso niya sa company pero parang imposible naman na hindi siya mag-text na nakarating na siya ng Manila.


Eh noon nga ni may meeting lang magte-text siya para ipaalam sa akin.


Napailing na lang ako, ano ba kasi ang nangyari?


As if on cue nag-ring ang phone ko mabilis ko naman itong sinagot sa pag-aakalang si Adam na ito.


Kaya ganun na lang din ang gulat ko ng marinig ang boses ni Sue sa kabilang linya.


"Hey, Amethyst!"Sigaw niya sa kabilang linya. Napangiti ako full of energy talaga lagi ang babaeng to.

"Oh, Sue!Napatawag ka?"Tanong ko. Nula ng bumalik kami mula sa Miami hindi na ito nagparamdam.


"Nothing, I just called dahil inutusan ako ni Adam. Na sabihin na nakarating na siya. Busy kasi siya kasi hinahanap si ni Sofia."Natgilan naman ako dahil sa sinabi niya. Si Sofia?

"Why,alam mo ba kung anong nangyari?"Tanong ko. Kung kanina hindi ako nakapagtanong dahil nagamamadali si Adam kay Sue ko na lang itatanong.


"Ah,kasi tinawagan ko siya kanina. Sinugod kasi sa hospital si Sofia kanina and kailangan si Adam dito. Specially now na siya lang ang kinakausap nito."Paliwanag niya. Hindi ko na siya pinagpatuloy dahil mabilis ko ng binaba ang tawag.


Bakit ganun na lang mag-alala si Adam para kay Sofia, may hindi ba ako alam tungkol sa kanila?


====================================================================

A/N: Dedicated to KN_JD_LQ_Fangirl!!


Thank you po sa mga nagvo-vote and comments!


'Things will change'


Seven chapters left


~All the love...

No Control (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon