2.3

4.5K 115 6
                                    


Adam's POV

I don't know what happened last night dahil hindi kami sumama ni Amethyst sa pagbar hopping nila. This is our last night here in Orlando at niyaya ko silang lumabas to grab some dinner.


At mula nga ng sumakay kami sa elevator masama na ang tingin ni Sue kay Andrei, hindi  ko alam kung may idea ba si Sabrina dahil normal lang naman ang kinikilos nito.


Pero ang pinagtataka ko talaga ay si Julia na tahimik lang mula kanina at mukhang pati siya ay sinasamaan din ni Sue ng tingin pero binabalik niya din naman ang tingin na ito.


Napatingin ako kay Amethyst na nakatingin na rin pala sa akin, magkatapat kasi kami at si Andrei ang nasa tabi ko. Yung tatlong babae naman ang nasa tapat namin.


Mukhang hindi niya rin alam ang nangyayari.


"So let's order?"Basag ni Sabrina sa katahimikan ng mapansin niya na ito. Busy kasi siya sa cellphone niya mula kanina.


Tinaas ko na yung kamay ko para tawagin yung waiter pero agad ding binaba nung padabog na binagsak ni Sue yung menu at tiningnan si Sabrina.


"Itutuloy mo lang ba talaga ang pagtatanga-tangahan mo ha?"Tanong niya at kumunot naman ang noo ko.


Napatigil si Sabrina sa paglipat ng menu at dahan-dahan niya itong binaba.


"Sue,pls..wag ka ng mange-alam."Mahinahon nitong sagot.


Tiningnan ko si Amethyst, mukhang wala din siyang alam.


"Ano bang sinasabi mo?"Nagtataka kong tanong kay Sue at tumingin ito sa akin pero hindi ako sinagot.


Binalik niya ang tingin kay Sabrina na nakayuko na.


"Siguro nga hindi pa kita ganun ka kilala pero ayoko ng nakakakita ng mga taong nagpapaka-martyr."Makahulugang sabi ni Sue at nilipat ang tingin kanila Andrei at Julia.

"Sab, what's happening?"Tanong ni Amethyst at nagulat na lang kami ng tumulo ang luha nito at mabilis na tumakbo palabas.


Susundan na sana ito ni Andrei kaso pinigilan siya ni Sue.


"Ano ba kasing nagyayari?!Andrei,Sue Julia wala bang magsasabi?"Naiinis ko ng tanong sa kanila.


Tumawa lang si Sue bago tumayo akala namin aalis na siya pero tumigil ulit ito.


"Kahapon, habang nasa bar kami nahuli namin si Julia at Andrei na naghahalikan. Tapos kanina alam kong narinig ni Sabrina na hindi lang dahil sa lasing sila kagabi kaya ginawa nila yun, matagal na pala silang may relasyon."At tuluyan na itong lumabas. Naiwan kami dito na gulat sa nangyari.


Napatingin ako kay Julia na umiiyak na at kay Andrei na wala pa ring kibo.


No Control (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon