0.8

6.2K 157 6
                                    

A/N:Short update dahil filler chapter lang!

Vote and comment po ulit..Thank you!

~All the love..

================================================

Nakatayo lang si Amethyst sa may pinto ng opisina ni Adam at pinapanood ang kung sino man ang babaeng ito na batukan si Adam at pingutin.


"Ano ba Sue tumigil ka nga pinapahiya mo ako kay Amethyst".Saway ni Adam at nun lang tumigil yung babae na Sue pala ang pangalan at napatingin sa kanya.


Napaatras naman si Amethyst sa gulat ng bigla itong tumawa ng malakas at tumakbo palapit sa kanya.


"Hi ako si Sue bestfriend ni Loubear, at first of all wag kang magseselos sa akin ah?I dont like boys...like eeww"Nanlaki ang mga mata ni Amethyst ng bigla siyang yakapin nito.


Hindi niya alam kung anong gagawin kaya naiilang niyang niyakap ito pabalik at tumingin kay Adam na nakabusangot habang nakatingin sa kanila.


"Lumayo ka nga sa kanya baka agawin mo pa siya sa akin."Parang batang sabi ni Adam at hinila si Amethyst palapit sa kanya.


Namumula namang tinago ni Amethyst ang mukha niya sa dibdib ni Adam.


"Ang OA talaga nito,wag ka nga may ike-kwento lang naman ako kay Amethyst na siguradong ikakatuwa niya.Ewan ko na lang sayo ahh."At hinila siya ni Sue at tumakbo sila palabas.Gulat man ay nakitakbo na lang din si Amethyst.


"SUE RAMIREZ IBALIK MO SI AMETHYST!!"Rinig na rinig ang sigaw ni Adam pero tumawa lang ang isa at patuloy sa paghila kay Amethyst.



Umabot sila sa parking lot at wala ng nagawa si Amethyst ng isakay siya nito sa isang sasakyan.Agad na pinaharurot ni Sue ang sasakyan niya at ng makalayo sila napatingin siya sa babaeng mamahalin ng bestfriend niya.


"So Amethyst, marami-rami tayong pagkukwentuhan.."Pagsisimula niya at napatingin sa kanya ang dalaga.


Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon para matitigan ng mabuti si Amethyst at napangiti siya dahil makikita mo ang pagkailang sa paraan ng pag-upo nito.


"Hey, wag ka ngang ma-awkward sa akin.Besides alam kong magiging close tayo itsura pa lang magkakasundo na tayo.."Dagdag niya at napangiti ng tingnan siya ni Amethyst at bigyan ng isang nahihiyang ngiti.


"So...how about some embarrassing childhood stories?"At tumango naman si Amethyst..



"Loubear, ihanda mo na ang mukhang ihaharap mo sa babaeng kaharap ko..Pagkatapos ng mga ikwekwento ko sa kanya..hahahahhaa..."Natatawang isip ni Sue

No Control (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon