2.8

3.7K 99 2
                                    

Amethyst's POV

Tahimik lang ako buong byahe namin papunta sa main company ni Adam. Hindi ko pa rin kasi gets kung bakit kailangan niya pa akong isama sa meeting na yun ehh.


"Why are you so quiet?"Tanong niya

"Mhmm...I just don't feel like talking."Sagot ko kaya natahimik na ulit.


Pumasok na kami at nagulat pa ako dahil pati ako binabati nung employees dito.  Ngumingiti ako sa kanila at minsang bumabati rin pabalik.


"Mr. Padilla!!"Napatigil kami at lumingon dun sa tumawag kay Adam.  Isang kalbong matanda ang tumawag sa kanya at nung makita ito ni Adam napabuntong hininga ito at mabilis na hinila ako papasok sa elevator.


"Hey ba't mo siya iniwan? May kailangan ata siya eh.."Sabi ko sa kanya pagkasara nung elevator.

"Namimilit lang yun, for me to invest. I already said no two months ago hindi pa rin siya tumitigil."Napapailing niyang sabi.


Hindi na ako ulit nagsalita at narinig ko na naman ang pagbuntong hininga niya.


Hinawakan niya yung wrists ko at hinarap sa kanya.


"Ano bang problema?"Tanong niya at mukhang takang-taka na nga talaga siya.

"Hindi ko alam.. Kinakabahan siguro, hindi ko din talaga alam ehh..Feeling ko lang talaga may hindi magandang mangyayari."I honestly said.


He kissed my palms at hinawakan na lang ang isang kamay ko bago siya sumagot.


"Wag mo ng pansinin yan, everything will be perfectly fine."And he pecked my lips.


Dumiretyo kami sa board room. Inayos ang sarili ko bago kami pumasok, I was smiling pero agad nawala yun nung tumigil bigla si Adam at mariin na hinawakan ang kamay ko.


"What the bloody hell are you doing here?!"Malakas at mariin niyang tanong.


Hindi ko pa alam kung sino ang kausap niya hanggang sa may tumayong babae at nakangiting lumapit sa harap namin.


"What, hindi na ba ako pwede dito. As far as I remember share holder ang tatay ko sa company na to and ako ang representative niya for now."Sagot nito bago siya tumingin sa akin at ngumiti.

"Hi, you must be Amethyst. I'm Sofia Andres, I heard a lot of things about you from Sue."Sabi niya sa akin with this smile na hindi ko ma-explain kung sarcastic o totoo ba.


Sa bungad kanina ni Adam i know na hindi niya gusto ang isang to, and kahit ako I have a feeling about her.


"Wish I can say the same, but honestly I never heard about you."Nakangiti kong sabi at medyo nawala naman ang ngiti niya. Pero agad siyang bumawi ng isang hilaw na tawa.

"We don't need you here, weren't you informed na nabili na ng mga Bernardo ang share ng papa mo?"Nalilito naman akong lumingon kay Adam. Hindi ko alam na ginawa pala yun ni mama. 


Now I understand kung bakit niya ako dinala dito...


Tuluyan ng nawala ang ngiti sa mga mukha niya...


"Oh I wasn't informed...but I'm sure I can make a deal."Bawi nito na seryoso ng nakatingin kay Adam.

"Currently not interested..Try and make an appointment. For now you can leave."At hinila na ako ni Adam palagpas sa kanya para dumiretyo na.


Pero bago ako makalagpas may binulong si Sofia na siguradong ako lang ang nakarinig...


"You'll be back sooner than late, Adam."



Adam's POV

Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang galit sa dugo ko, hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang magpakita dito. At talagang nagpakilala pa siya kay Amethyst.


Hindi siya marunong umintindi, sinabi ng wag na wag niya ng maihaharap ang pagmumukha niya sa akin.


Nasa office kami ngayon at halatang naiinip na si Amethyst dahil wala naman siyang  ginagawa. Naka cellphone lang siya the whole time.


Hindi siya nagtanong ng kahit ano tungkol sa nangyari kanina, that's what i like about her hindi siya nakikialam. Hinihintay niyang ang tao mismo ang magsabi sa kanya Hindi niya pinapansin ang curiosity niya.


"Baby, tomorrow you'll be meeting my stepfather and my mom. We'll visit them for dinner."Sabi ko at napatigil siya bago humarap sa akin.

"Seryoso ka?Bakit ngayon mo lang sinabi?!"Natawa naman ako sa reaction niya bago siya pinalapit.


Umupo siya sa lap ko tsaka ako sumagot.


"It's not that big of a deal. It's just dinner."Sabi ko at inis niya akong nilingon

"Anong not big of a deal. First time ko silang mami-meet. I need to prepare for this you know." Sagot niya sa akin.


"They'll love you no matter what." Natahimik na siya after that at tinuloy ko na nag ginagawa ko habang nakakandong pa rin siya sa akin.


"You really think so?"She asked in a small voice

"I know so.."



============================================================

A/N:Dedicated to kbdpxcharence_ cause oyu're the first commenter!! 


Votes and comments po ulit thank you!!


~All the love...

No Control (K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon