tila napakalakas...

tila parang lumulundag...

tila parang nais nitong kumawala...sumigaw..

tila gusto nitong magpaangkin...

ng puso niya sa kanya, at ang kanya sa puso niya

muli siyang sumulyap sa dalaga na sakto namang nakatingin sa kanya. binigyan niya ito ng isang napakatamis na ngiti na siyang sinuklian din naman ni Sarah 

"nakapunta ka na ba sa Eiffel Tower?" tanong niya sa dalaga

nilingon naman siya nito at tumango sa kanya bilang tugon "dati. ikaw?"

tumango din siya "dati din.."

tumango tango ang dalaga sa kanyang pagsagot. muling pumagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa. kapwa parehong nagnanakawa ng sulyap ang isa't isa

"sinong kasama mo?" tanong niyang muli dito 

"family.." sagot ni Sarah sa kanya "...sila Mommy, si Daddy. anu pa yun....nung dinalaw namin si Ate dito. matagal tagal na rin yun"

"hindi na nasundan?" tanong niyang muli. umiling naman ang dalaga bilang tugon

"ikaw? sinong kasama mo nung nakita mo yung Eiffel?" balik tanong ng dalaga sa kanya "...si Ate Maj ba?" may bahid ng kung anu sa tono ng pagtatanong ni Sarah sa kanya. hindi mo maintindihan kung ang tono ba nito ay nag-aalangan o baka naman nagseselos

bahagya siyang ngumiti "...never naman kami nag-out of the country ni Maj. mostly yung mga trips namin out of town lang pero wala pang out of the country" paliwanag niya. tumango lang ang dalaga sa kanyang litanya 

"so sino nga?" tanong muli nito sa kanya 

"yung first time, sila Ate Nhila saka yung ibang Star Magic..tapos yung second time, sila Ken saka si Mama. dinala ko sila dito. tapos ayun, hindi na nasundan" 

"gusto mong pumunta ulit?" tanong nito sa kanya 

"ikaw?..." baling nito sa kanya "...gusto mo rin ba?"

"kung gusto mo, okay lang sakin" sagot ng dalaga sa kanya

"gusto mo ba?" tanong niyang muli sa dalaga

"okay lang naman" sagot nito sa kanya 

"okay lang din sakin.." usal niya din sa dalaga

nagpatuloy silang dalawa sa paglalakad. kapwa parehong walang ideya sa kung saan ba naruruon ang kanilang gustong puntahan. kapwa parehong nagtitiwala lang sa hangin; na dadalhin sila nitong dalawa sa kung saan man nila gustong pumunta 

sandali silang tumigil sa Pierre Herme upang bumili ng ilang tsokolate at macaroon na kakainin nila sa daan. plus, isa daw ito sa pinakasikat na bilihan ng chocolates sa Paris

"sarap?" tanong niya sa dalaga habang pinagmamasdan ang pagkagat nito sa tsokolateng hawak hawak

"the best.." sagot nito sa kanya at muling kumagat sa hawak hawak na pagkain. napansin naman niya na nag-iwan ito ng marka sa ibabang labi ni Sarah

"may dumi ka o.." usal niya dito

"saan?" tanong ng dalaga sabay punas sa labi nito. ngunit hindi rin naman natanggal ni Sarah ang dumi, bagkus, ay mas naikalat pa nito ang manstya sa gilid ng labi 

bahagya siyang natawa "ito kasi..." at siya na ang nagtanggal ng dumi na nasa labi ng dalaga "..kahit kailan talaga kapag kumakain ka, ang kalat" usal niya pa 

"ikaw kaya yun.." balik hirit ng dalaga sa kanya 

"anung ako??!!" balik usal niya "...ikaw po kaya" dagdag pa niya sabay pingot niya sa ilong ng dalaga. napapiglat naman si Sarah at hinawakan ang ilong

JUST ONCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon