Chapter 12: Aurora Swan (Mission 2- Part 2)

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Relax, Anastasia. Nasa bungad pa lang tayo ng fairy land. Wala pa tayo sa mismong lugar nila," wika nito sa akin at hindi man lang natinag sa paghila ko sa kanya.

"Kahit na!" inis na sabi ko sa kanya at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. This is ridiculous! Our mission was to find Aurora! Not to find this freaking fairy land! Napailing na lamang ako at noong akmang hihilain ko na sanang muli si Grayson noong mabilis akong natigilan sa kinatatayuan.

Wait a minute.

Aurora Swan... the one who loves adventure... fairy land.

Mabilis kong binalingan si Grayson at gulat na tiningnan ito. No hell way!

I mentally cursed when I finally get it. There's no way na nandito nga ang babaeng iyon! I know she loves adventure, but I don't think that she's here! Masyadong mapanganib kung talagang nandito ito!

"Grayson, she can't be here, right? Alam nito ang rule natin tungkol sa lugar na ito."

"She's here, Ana." Napapikit ako sa sinabi nito sa akin. Crap! "I can feel her attribute," dagdag pa nito na siyang muling nagpamura sa akin sa isipan ko. Yeah, right! Grayson Tyler, the Shendra leader, can identify the attribute of his members. At dahil naging parte nga ng Shendra si Aurora noong nasa Tereshle Academy pa kami, malamang mararamdaman ni Grayson ang attribute nito!

Napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga at binitawan na ang braso nito. "Fine! Tara na't hanapin natin siya sa lugar na ito!" mariing wika ko at ikinilos na ang mga paa. Kung nandito man si Aurora, we need to find her immediately! Kung kikilos na kami ngayon, mas mapapabilis ang paghahanap namin sa kanya! At kapag mahanap na namin si Aurora, kailangan na naming makabalik sa Enthrea. We really can't stay here! Kahit na kasama ito sa misyon namin, still, rule is a rule!

Nagsimula na kaming maglakad ni Grayson at tinahak ang luntiang lupain ng fairy land. Tahimik lang ito kaya naman ay hindi na ako nag-abala pang magsalita. Itinuon ko na lamang ang paningin sa paligid at binusog ang mga mata sa maganda tanawin. This place is magical. Kahit na nasa bungad pa lang kami ng fairy land ay talaga makikita muna ang ganda ng lugar na ito!

"Ana," tawag pansin ni Grayson sa akin. Sa wakas ay nagsalita na rin muli ito!

Napairap na lamang ako at nagpatuloy sa pagalalakad. "Hmm?" mahinang tugon ko sa kanya.

"Don't use your attribute here," anito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Why?" I curiously asked him.

"You know how destructive your attribute, Anastasia. We can't afford to ruin this place. Baka matuluyan tayong mapahamak kung mangyari iyon," kaswal na wika nito na siyang ikina-init bigla ng ulo ko. Seriously?

Aangal na sana ako sa mga sinabi nito sa akin ngunit agad akong natigilan nong may naramdaman akong kakaiba sa paligid. I suddenly felt something strange. Nagpalinga-linga ako at noong mapunta ang paningin ko kay Grayson, namataan kong ganoon din ang ginagawa niya. Mukhang mas naging alerto na rin ito sa paligid namin ngayon.

Humugot muna ako ng isang beses bago napagdesisyunang kumilos muli. Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko noong mas dumoble ang pagiging alerto ko. Mariin kong ikinuyom ang mga kamao at bago pa man ako makagalaw muli sa kinatatayuan ako, isang pag-atake ang naramdaman ko sa likuran ko.

"Anastasia!"

Bahagya pa akong nagulat dahil sa malakas na sigaw ni Grayson sa kinatatayuan nito. Mabilis naman akong napaluhod at gumawa ng fire sword. Mayamaya pa'y napahawak ako sa braso ko. Kunot-noo ko itong pinagmasdan at noong mapagtanto ko kung ano ang tumama rito, napangiwi na lamang ako. It was a freaking arrow! Damn it!

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ