Chapter 11: Aurora Swan (Mission 2- Part 1)

Start from the beginning
                                    

Ngayon ang tanong, saan siya nagpunta? Bakit bigla itong nawala ng parang bula? Sa estado ng pamilya niya, imposibleng may nangahas na dukutin ito. Respetado ang pamilyang Swan sa division na ito!

"Hindi niyo po ba ito nakausap bago ito nawala? Maybe she just went to somewhere... far? Iyong malayo mismo rito sa Enthrea. We all know that she loves to explore around," wala sa sariling sambit ko na siyang nagpatigil sa ama ni Aurora. Namataan ko ang pagkunot ng noo nito kaya naman ay nagkaroon ako ng ideya sa isipan. Mukhang hindi nito alam na kakilala namin ang anak niya! "We know her, Mr. Swan. We're schoolmates. Kasama namin si Aurora sa Tereshle Academy," imporma ko sa kanya na siyang ikinatango na lamang nito sa akin. Tipid naman akong ngimiti at nagpatuloy sa pagsasalira. "Kagaya nga nang sinabi ko kanina, Mr. Swan, baka nagtungo lang si Aurora sa isang lugar at hindi na pinagsabi sa inyo."

"No, hindi niya iyon gagawin. Nangyari na ito noon sa amin. She went for an adventure pero nagpaalam siya sa amin ng ina. Kinausap niya ako at nagpaalam ito mismo sa akin. Iba ang sitwasyong mayroon kami ngayon. Ni walang abisong naganap bago ito umalis!" mariing sambit nito sa amin. Natahimik naman ako at pilit na pinagtatagpi-tagpi ang mga impormasyong nakukuha mula sa kanya. I sighed and tried to think the possible reason why Aurora's missing.

"We all believed that my daughter was captured by someone," wika ni Mr. Swan na siyang ikinapilig ng ulo ko pakanan.

"Kidnapped... I think that's impossible, Mr. Swan. Hindi nila basta-bastang makukuha si Aurora. She can fight. Hindi ito papayag na mahuli agad ng kung sino man," matamang sambit ko sa kanya.

"May alam ba kayong puwedeng gumawa nito? Like... your family's enemy? Mayron ba, Mr. Swan?" tanong ng kanina pang tahimik na si Grayson. Kita kong umiling si Mr. Swan sa kasama ko. Napanguso ako at isinandal ang likod sa backrest ng upuan. "Are you sure, Mr. Swan? Think about it. Iniisip niyong may kumidnap kay Aurora. Marahil ay isa ito sa mga kaaway ng pamilya ninyo. Sila lang ang maaring may motibo para gawin iyon sa anak niyo," dagdag pa ni Grayson na siyang mabilis na ikinahugot ng isang malalim na hininga ni Mr. Swan.

Nanatili naman ang titig ko sa kausap namin. He's frustrated. Mukhang wala talaga itong ideya sa kung ano o sino ang may motibo sa pagkawala ng anak niya!

"Kung may naging kaaway ang pamilya namin, agad naman itong naaayos. Sa ngayon, wala akong makita kung sino ang may motibo para kunin ang anak ko!" Natahimik kami ni Grayson sa narinig mula sa ama ni Aurora. "Respetado ang pamilya namin sa buong Enthrea. Hindi nila iyon magagawa sa akin, lalo na kay Aurora!"

I silently sighed. Imposibleng mawala na lang ng parang bula si Aurora. Kung tama ang hinala ni Grayson, isa sa mga naging kaaway ng pamilyang Swan ang kumuha kay Aurora. Pero... sino ang maglalakas loob na gawin iyon? At talagang sa sentro pa talaga ng Enthrea!

Alright. This job is getting more complicated. Hindi ko inaasahang ganito na kalala ang sitwasyong mayroon sa pamilyang ito!

Pagkatapos ng pag-uusap naming tatlo ay nagpaalam na kami ni Grayson kay Mr. Swan. Wala kami masyadong nakuhang impormasyon sa kanya. Aside from the fact na sa sentro ang huling lugar kung saan nakita si Aurora, wala talagang maisip si Mr. Swan na naging kaaway at may matinding galit sa pamilya nila. It's dead end. Damn!

"I think mas mabuti kung ipa-background check muna natin ang mga Swan. Let's see kung sinu-sino ang naging kalaban ng pamilya nila," suhestiyon ko kay Grayson. Naglalakad na kami ngayon patungong sentro ng bayan at nagbabaka-sakaling may makausap tungkol sa huling araw na nakita roon si Aurora. "What do you think, Gray?" I asked him while trying to find a better solution to solve this problem.

"I don't think that's a nice idea, Ana," rinig kong sagot nito sa tabi ko.

"Why? Ikaw na nga itong nagsabi na baka may kaaway na gustong maghiganti sa mga Swan," wika ko namang muli sa kanya. Wala sa sarili akong napairap sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Minsan talaga malabong kausap itong lalaking ito! Kaasar!

"Yes. Sinabi ko nga iyon. At sa tingin ko'y 'di na natin kailangan gawin iyon," matamang saad nito sa akin sabay hinto sa paglalakad. Natigilan din ako at napatingin sa paligid. Nasa pinakasentro na kami ng bayan. Napakunot-noo naman ako at takang tiningnan ito. Nasa unahan ko ito kaya naman ang likod niya ang nakikita ko ngayon. "It's here," rinig kong sambit niyang muli. Ano raw? It's here? What does he mean by that?

Nagpatingin ako sa paligid. Normal naman ang lahat. Ano na naman bang nasa isip ng Grayson na ito? "What do you mean, Grayson?" I asked him. Kaunti na lang talaga mababatukan ko na ang isang ito. Ang daming alam sa buhay!

Akmang ihahakbang ko na sanang muli ang mga paa noong mabilis akong natigilan. Bumaling sa akin si Grayson at noong napansin ko ang kakaibang ekspresiyon nito sa mukha, napa-arko ang isang kilay ko. What the hell is wrong with him?

"Okay. Anong mayroon, Grayson?" malamig na tanong ko at namewang sa harapan niya.

Hindi niya ako sinagot at mabilis na humakbang palapit sa akin. "Let's go," mabilis namang sambit nito sabay hila ng kamay ko at hinigit na ako. Lalo akong naguluhan sa inaasal ni Grayson ngayon. Ano bang problema ng lalaking ito at bigla na lang nanghihigit?

Akmang babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa kanya noong mabilis akong natigilan. Agad naman akong naging alerto noong makaramdaman ng kakaibang enerhiya sa paligid. Ipinilig ko ang ulo pakanan at pilit na hinahanap ang pinanggagalingan ng enerhiyang nararamdaman ngayon.

What the hell is this?

"It's here... nasa loob na tayo," mahinang sambit ni Grayson na siyang ikinatingin ko sa kanya. "Another dimension that exist here in Tereshle, Ana," muling turan ni Grayson at mas lalong lumakas ang enerhiyang nararamdaman sa paligid. What? What dimension? "Kanina, habang abala ka sa mga bulaklak, pinakiramdaman ko ang buong sentro ng Enthrea. I felt something strange kaya naman ay sinabi ko sa'yong bumalik tayo rito. At mukhang tama nga ako. May dimension dito!" Pagkukuwento niya sabay hila ulit sa akin at nagsimulang maglakad.

Napailing na lamang ako at noong sinabayan ko na ito sa paglalakad, unti-unting nagbabago ang itsura ng paligid. Segundo lang din ang lumipas ay hinid ko na makita ang mga bahay sa sentro ng Enthrea. At sa muling paghakbang ko ng mga paa, biglang nagdilim ang paligid! Napaawang na lamang ang mga labi! What the hell is this? Wala na akong makita!

"Uhm... can I create a small fire, Gray? Ang dilim ng daang tinatahak natin ngayon! Wala akong makita!" bulalas ko sa kanya.

"No, you can't, Ana. This dimension is the black dimension." Black dimension? Wait... parang narinig ko na ito noon. "Once gumamit ka ng kahit anong uri ng attribute, hihigupin lang nito ang kapangyarihan mo... hanggang sa maubos ito," dagdag pa ni Grayson na siyang ikinaawang ng labi ko. "Endure the darkness, Ana. Kapag makalabas tayo sa black dimension na ito, paniguradong makikita na natin sa Aurora."

I silently sighed. "Paano ka nakakasigurong nandito sa siya? It's just a freaking dimension, Grayson! We're not trained to deal this kind of thing!" mariing sambit ko at hinampas ang braso nito. Narinig ko naman ang pagdaing nito at mabilis na hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Natigilan naman ako sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Right! He's holding my hand right now!

Napailing na lamang ako at nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad sa loob ng black dimension. Tahimik at maingat ang bawat galaw namin. Hindi namin alam kung anong mayroon sa dimensyong ito kaya dapat ay maging alerto kami. We can't use our attributes while we're inside this black dimension. All we have now is our sharp senses!

Nagpatuloy kami sa paglalakad at noong hindi na ako nakatiis sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa, napangiwi ako at muling nagsalita. "Grayson," tawag pansin ko sa kanya.

"Hmm?" mahinang tugon nito sa akin.

"Sino ang gumawa ng dimensyong kagaya nito? Taga-Tereshle lang din ba? Anong klaseng kapangyarihan ang kayang gumawa nang ganito?" sunod-sunod na tanong ko sa kasama ko.

Hindi sumagot si Grayson sa naging tanong ko bagkus ay mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko.

Napangiwi na lamang ako at muling nanahimik.

Burst Into Flames [ Published Under Pop Fiction #CLOAK ]Where stories live. Discover now