Kidnap

1.3K 51 6
                                    

Medyo taghirap talaga ako ngayon sa net kaya hindi ako makakapag update sa saturday at sunday kaya ngayon na lang.

Thank you sa support.
Enjoy~

~~~~~~~~~~~~~

Oliver's POV

Kahit na natapos na ang problema kay Ashley eto naman kami ngayon naghahanap kila Dia. Halos mabaliw ako sa sinabi nila Zander sa amin noong araw matapos na operahan si Ash.

[Flashback]

"Hindi ba kayo nagbibiro?" Tanong ang sagot namin ni Troy sa sinabi ni Jaxon at Zander.

"Hindi! Nakita namin na tinakpan ng mga lalaki ng panyo ang bibig at ilong nila. Agad nga kaming tumakbo pero di pa rin namin naabutan" sagot naman ni Jaxon.

Halos manghina sila tita Aia sa narinig nila. Hindi pa ito naririnig nila tita Mhyleen pero panigurado ako mas malala ang magiging reaksyon nila.

Gusto kong magwala ngayon pero alam kong hindi ito makakatulong kailangan kong magpakalma. Nakita ko ang galit sa mukha nila Paolo kaya naman nagkatinginan kami agad tinawagan ang mga kilala naming detective at pulis.

[End of flasback]

Tatlong araw na ang nakakaraan at hindi pa rin sila mahanap! Nawawalan na rin ako ng pasensya.

"Walang mangyayari kung nakaupo lang tayo dito" napatingin kami kay Terrence "Kailangan natin sila mahanap at mababaliw na ako" sabi nya saka sinabunutan ang sarili nya.

Hindi kasi kami sanay na hindi sila nakikita. Kahit kami tumulong na rin sa pahahanap pero wala pa rin. Nanawagan na rin kami sa TV pero wala pa rin. Bwisit na yan kasi!

"P*ta malaman ko lang talaga kung sino yun" inis na sigaw ni Axel.

"I guess may lead na kami" sabi ni mommy habang pababa ng hagdan.

Agad naman natuon ang pansin namin sa kanila, if there something bad happen to Dia hindi ko alam kung anong magagawa ko. I can kill for her but of course hindi ko gagawin yun ako ang malalagot sa kanya.

Aist Oliver seriously ngayon mo pa nagawang depensahan ang sarili mo? I mentally shrug my head. Pumunta sila mommy sa isa pang mahabang sofa, kasama nila ang mga tita nila na syampre tita lola namin. Sila tita lola Chalotte, tita lola Yannie at tita lola Rhean.

"Makinig kayo ah" sabi ni tita lola Yannie at nag nod naman kami "Alam nyo ba kung nasaan ang Exodus ngayon?"

"Bakit mo naman po sa amin hinahanap tita lola Yan?" Inis na sabi ni Troy.

"Oo nga po hindi namin alam syempre saka isa pa po sila Marian po hinahanap natin hindi sila" inis pang dagdag na sabi ni Terrence.

"Tita lola Yan. Hindi ba pwedeng sila Dia muna?" Dagdag ko pa.

Sabay sabay silang umiling at medyo natawa naman sila daddy saka bumuntong hininga.

"Makinig kayo boys" sabi ni tito Darryl.

"Oo nga wag muna kayo sumabat" dagdag naman ni tito Kyle.

"Pag nagalit sila kawawa kayo" natatawang sabi naman ni tito Prince at kinurot sya sa tagiliran ni tita Chien. "Aray ko naman" naiiyak na sabi ni tito Prince at nag pout.

CelebrityWhere stories live. Discover now