Guesting

2.4K 84 5
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Oliver's POV


Sa kagwapuhan kong taglay alam ko namang maraming nahuhumaling sa aking mga babae, kaliwa at kanan ang mga babae pero wala eh si Dia lang talaga ang kinahuhumalingan ng gwapo kong sarili.


"Hoy mag uumpisa na ang guesting pero yung mukha mo pinagsakluban pa rin ng langit at lupa" biglang sulpot ni Troy habang sinasabi yan sa harap ko.


"Sus nagkakaganyan lang naman yan kasi hindi tayo pinapansin ng girls" nailing naman na sabi ni Paolo.


"Ano ba kasing ginawa nyo sa kanila at di nila kayo pinapansin? Baka pati ako damay jan ah" sabi naman Terrence habang pumapasok sa dressing room namin.


"Baka" kibit balikat naman na sabi ko.


"Hoy bat ako madadamay jan abah wala naman ako sa pangyayari"


"Wag kang mang iwan sa pre" natatawang sabi ni Troy at napatingin naman kami sa biglang bukas ng pinto.


"Fantastic Four standby na po kayo sa back stage" sabi ng isang staff kaya naman agad na kami nag ayos.


"So ano nga ang dahilan kung bakit ayaw kayong pansinin nila Marian?" tanong ni Terrence at bumuntong hininga naman ako.


"Napush siguro namin ang limit" nakangiting sabi ni Pao.


"Alam mo namang mas talented sila sa atin di ba?" at nag nod naman si Terrence "Yun ang hindi namin maintindihan sa kanila, mas talented sila sa atin pero kahit isang beses hindi man lang tumama sa isip nila na maging gaya natin. Sinasayang lang nila."


"Ayoko namang magalit sakin ang kambal ko kaya lang sayang naman"


Tahimik na kaming nakarating sa back stage lahat sila nagsisitinginan sa amin hindi dahil sa gwapo kami kasi alam na naman namin yun at number one yun pero ngayon kasi kakaiba, hindi kami nagkukulitan gaya ng dati.


"Nakakapagtaka ata at hindi kayo nagkukulitan" napatingin naman kami sa may ari ng boses at saka napangiti ng Makita ang isang napakagandang babae.


"Hi ganda" sabi naman ni Pao at kumindat.


CelebrityWhere stories live. Discover now