Terrence Balverde

1.3K 57 12
                                    

Pasensya na po kung maikli lang to ah? Pakiplay po ng kanta para mas dama hahaha.
Enjoy~
~~~~~~~~~~~~~

Marian's POV

"Time of death 10:27 am"

Hindi ako makahinga sa kakaiyak dahil sa narinig ko nag uumpisa na silang tanggalin ang mga nakakomekta kay Terrence di ko na alam ang gagawin ko. Itinayo ako nila Dia at saka ako dinala sa room ko dito sa hospital pagpasok ko dun ay nagpaiwan ako mag isa at sinunod naman nila ako.

Walang humpay akong sumigaw at umiyak sa sakit ng nararamdaman ko. Iniwan na ba talaga nya ako? Bakit ganun parang baliwala lang kila tita? Kila Dia? Bakit ako lang ang umiiyak? Tinatago ba nila sakin ang iyak nila? Bakit?

Pero hindi ko kailangan ng sagot sa mga tanong na yan ang kailangan kong masagot ay Bakit mo ko Iniwan baby Prince? Akala ko ba hindi ka aalis sa tabi ko? Bakit mo ba to ginagawa sakin? Ang sakit saki na Terrence baka mamatay na ko sa sakit alam mo ba yun?

Alam mo din ba na mahal na mahal kita?

Hindi ko alam kung anong oras ba ako nanatiling nakaiyak pero ngayon para akong babaeng walang buhay. Nakatingin ako sa garden at wala man lang emosyon sa mata ko nararamdaman ko yun.

--

"Marian aalis muna kami ah?" Paalam ni Rish pero di ko sila binigyan ng tingin o kahit ng sagot.

"Wag kang lalabas okay?" Dagdag pa ni Ash.

"You should be yourself na miss ka na namin" sabat pa ni Dia.

Hindi ko sila pinansin at nanatili akong nakatingin sa bintana. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nila, nakita ko mga mata nila kanina namumula din kaya alam kong umiyak din sila.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko at sa di ko namalayan eh bigla na lang tumulo na naman ang mga luha ko, akala ko ba wala ma akong maiiyak? Bakit ganito?

Pinunasan ko ang luha ko at saka tumingin sa side table, may grapes doon kaya naman kinain ko yun. This is one of my favorites. Para akong timang ngayon dahil umiiyak ako habang kumakain naalala ko kasi sya eh.

*flashback*

"Baby prince sige na please?" Pagpapacute ko.

Nasa supermarket kami ngayon at nakafull disguise ang baby kong prinsipe pero wala namang paki ang mga tao dito dahil busy sila mamili. Shemay bakit ba ayaw ako bilhan ng lalaking to?

"No baby princess nakailang pack ka na ba ng grapes? Hindi ka ba nagsasawa?"

"No" at nag pout ako narinig ko naman syang bumuntong hininga.

"Okay fine"

"Yes!"

*end of flashback*

Sya yung laging bumibili sakin ng grapes everytime na magkikita kami may Tupperware syang dala at laman nun napakaraming grapes.

Napaiyak na naman ako at itinigil ko ang pagkain at hinagis ko ito sa lapag saka ako nahiga. Narinig kong may pumasok sa kwarto at narinig ko rin ang pag buntong hininga nya.

"Marian naman bat ka nagkakalat?" Its Risa. "Sayang naman to." Dagdag nya pa.

Mga ilang minuto din sya natahimik siguro ay dahil sa niligpit nya ang kalat, naramdaman kong may umupo sa kama pero nanatiling nakatingin ako sa garden.

"Alam mo mas pinapasama mo ang kalagayan mo" sabi nya at saka inayos ang buhok ko "You should cry" dagdag nya pa at umupo naman ako. "Hindi naman nakakatanga umiyak eh" nakangiti nyang sabi "Yun ay kung worth it"

Magsasalita na sana ako na worth jt naman ang pag iyak ko dahil si Terrence ang iniiyakan ko pero agad syang nagsalita at nagpaalam. Tiningnan ko lang syang lumabas ng kwarto ko.

--

Nagising na lang ako ng mag maramdaman akong may tumatapik sa balikat ko kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Namamaga kaya hindi ko gaanong mamulat medyo antok din ako dahil ang bigat ng talukap ko.

"Marian gising ka muna saglit" nakangiting sabi ni Risa.

"Bakit ba? Natutulog pa ko eh" inis kong sabi at natawa naman sila Ash. "What?"

"Sa wakas nagsalita ka rin grabe ka pinag alala mo kami" sabi ni Rish.

"Tumayo ka na muna jan may ipapakita kami sayo" dagdag pa ni Ash.

"You will love it for sure" dagdag pa ni Dia.

Kahit na nagtataka wala naman akong magawa dahil itinayo na nila ako at inalalayan. Hindi ko alam kung saan kami papunta dahil napaliko na kami this is section class A rooms kaya mas nagtaka ako.

"San tayo pupunta?" Tanong ko.

"Just wait!" Sagot naman ni Dia.

Tumigil kami sa isang room at tiningnan ko naman sila Dia pero ngiti lang ang binigay nila sa akin saka nila binuksan ang pinto.

"Kanina pa kita hinihintay akala ko naman hindi mo ko gusto makita"

Nabato ako sa boses na narinig ko at iginala ko ang mata ko at nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa kama.

Naupo ako saka ako naiyak shet. What is this?

"Nag ha-hallucinate na ata ako" sabi ko at saka may tumapik sa likod ko.

"Totoo yan" nakangiting sabi ni Risa at sinarado ang pinto.

"Wala ka bang balak lumapit sakin baby Princess?"

Mas lalo akong naiyak at napatayo ng di oras saka ako yumakap kay Terrence, oo si Terrence nga ang baby Prince ko hindi ko alam kung bakit gising sya sabi kanina patay na daw sya.

"hahaha hindi naman halatang namiss mo ko no?" Hinampas ko sya sa braso nya "Aray amazona ka pa rin"

"Baliw ka alam mo ba kung gaano ako naiyak nung nalaman kong nacoma ka? Alam mo bang sinisisi ko sarili ko sa nangyari sayo? Alam mo bang grabe ang pag aalala ko sayo? Alam mo bang halos huminto ang puso ko dahil dalawang beses kang namatay? Gago ka ba?" I said between my sob.

"Da-dalawa?" Di nya makapaniwalang sabi.

"Oo baliw ka!" sagot ko naman at saka nya pinunasan ang luha ko "Yung una sabi ng doktor patay ka na daw in seconds pero bigla na lang naging stable lahat sayo pati heart beat mo tapos kanina patay ka na eh sinabi na nga eh 10: 27 am tapos eto ka"

"Shh tahan na. Kanina hindi ko alam pero pinilit ko sarili ko imulat ang mata ko dahil naririnig kitang umiiyak. Sorry"
"Whatever dami mong utang sakin terrence"

"What?"

"You should by me more grapes" ngumiti naman sya sakin.

"Kahit ilan pa."

Tumayo ako at nagulat naman ako ng hawakan nya ang kamay ko, babalik na kasi dapat ako sa room ko para magpahinga.

"Pwede bang dito ka matulog?" Tapos umusog sya sa higaan nya.

Malawak naman ang hospital bed nya unlike sakin kaya naman ngumiti ako at saka nahiga sa katabi nya saka ko sya niyakap.

"Namiss kita baby Prince"

"Namiss din kita baby Princess"

Natahimik kami parehas ah wait.

"Ahm baby Prince?"

"Hmm?"

"Ano di ba nag break tayo?"

"Nag break ba tayo? Ang alam ko hindi." Nakangiti nyang sabi.

"Nagbreak kaya tayo" sabi ko pa.

"Hindi consider na break up yun bakit nag agree ba ako?"

Ayan shut up na lang kasi Marian.

"I love you baby Princess" at saka nya hinalikan ang noo ko napapikit naman ako.

"I love you too baby Prince"

'Cause every little thing he does is magic,
Everything he does is turns me on.

CelebrityWhere stories live. Discover now