Pretending | Run Away

1.6K 66 24
                                    

Sya nga pala si Jasmine Yeon ang ate ni Oliver XD 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sya nga pala si Jasmine Yeon ang ate ni Oliver XD 

Gaya nga ng sinabi ko kahapon double update ako ngayon dapat nga triple kaya lang hahaha bukas na lang pala yung isa XD 

enjoy kayo :*

~~~~~~~~~

Irish's POV

Pauwi na ako galing school at nabike lang ako dahil sa nasira ang gulong ng sasakyan ko. Foldable naman kasi ang bike ko kaya nalalagay ko sa likod ng sasakyan ko.

Hindi ko pa rin talaga hindi maiwasan na isipin ang mga narinig ko. Simula noong narinig namin ang kabuuan ng sagot nila pinilit naming maging busy sa school. Even Risa. 

Si Axel sabi nya may girlfriend daw sya and that make Risa cry hard. Sabi naman ni Terrence na wala pa raw syang balak na maggirlfriend at dahil doon nawalan ng gana si Marian he even said na wala pa syang first kiss even if si Marian na ang nakakuha noon. Si Troy naman sabi nya wala syang bestfriend bukod sa mga lalaking kamyembro nya. Ang sakit nun ah! Ako best friend tapos dineny ako? Si Oliver naman ayun trip nya lang daw na maging sweet sa kababata nya same as Pao.

Napagdesisyunan din naming hindi sabihin sa kanila na alam namin ang tungkol doon. We private ouf fb accounts at lahat ng post namin naka costumn. Only Marian, Risa, Dia and Ash can read it.

Napahinto naman ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko.

"AY WALANGHIYA KANG ASO KA! HOY ABA GUSTO MO BANG MAGPAKAMATAY?" Sigaw ko pero nung nakita ko kung sino gusto ko kumaripas ng takbo.

"Nakamamatay ba babundol ng bike?" Sabi nya na may nakakalokong ngiti umirap naman ako.

Yan. Isa sa napagkasunduan namin. Act naturally.

"Sana nga" bulong ko sa sarili ko.

"Ano?"

"Wala ang sabi ko bakit ka ba paharang harang jan di mo ba nakitang nagmamadali ako?"

"Nagmamadali ka pala? Kaya pala para kang lutang habang nagbabike?"

"Pasensya ba po ha? Busy lang maraming iniisip" inis na sabi ko.

At isa ka na doon sa pinagkakabusyhan kong isipin.

"Pwede ka bang makausap?" Napataas naman kilay ko.

"Magkausap na tayo go naghihintay sakin sila Dia may kailangan pa kaming gawin" sabi ko sa kanya at bumaba ng bike.

"Ano gusto ko lang magsorry"

"Magsorry saan?"

Yan sige Rish patayin mo ang sarili mo! Patayin mo ang totoong ikaw sa pagpapanggap mo!

"Doon sa video?"

"Anong video?"

"Hindi nyo pa ba napapanood?"

CelebrityWhere stories live. Discover now