MIDPIST Chapter 24: Hue *

72.9K 1K 102
                                    

I really think this is a MUST READ. Btw guys, please try to read my new work, I've got more so please if you don't mind checking them out. Thank you po! :)

Spring's POV

The master will treat her knave.

__________________________________________________________

HINAWAKAN ko yung shirt niya bigla "Bakit di mo agad sinabi na birthday mo ngayon?!"

"Ugh? Ganyan ka ba talagang mag greet ng Happy Birthday?"

Unti-unting bumitaw ako sakaniya at napa sigh ako. "Hay. Oh sige, happy birthday."

"Salamat." sabi niya at ginulo yung buhok ko.

Tinabig ko yung kamay niya. "Eh bakit ba kasi ngayon mo lang sinabi?" naiinis na tanong ko.

"What's the matter with that? At least, sinabi ko 15 seconds ahead."

"Eh dapat kasi sinabi mo agad para mabigyan kita ng ano... gift."

He quirked a brow. "And why do you have to do that?"

I leaned backward using my arms. "Alam mo kasi, mabait na ako ngayon kaya mapagbigay na ako at isa pa, sa dami ng pera ko, di ko na alam kung san ko ipanggagasta yun."

Tinawanan niya lang ako. "Mayaman din naman ako ah, alam mo kesa i'gasta mo yan kahit saan-saan, why would you just give it to a good cause? Mas makakatulong ka pa."

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Alam ko namang mayaman si Wrench and to be honest, mas mayaman pa siya kesa sakin. Di lang kasi dito sa Pilipinas yung business niya.

Magsasalita na sana ako nang biglang nag ring yung phone ko.

Si Daddy.

"Hello dad? ... Hindi pa po ... Pero I'm with Wrench ... Uhm. Yeah. Sure, wait." I handed my phone to Wrench. "Kausapin ka daw."

Kinuha niya naman yun. "Hello Mr. De la Garza ... Yes. Haha. Opo ... Thankyou Sir ... I will, bye." binalik niya naman sakin yun pero in'off na ni daddy ang call kaya pinasok ko na lang ulit sa clutch ko.

Napatingin kami sa langit ng biglang may nagpaputok ng fireworks. Napanganga ako. "Wow, ang ganda!" sabi ko still looking at the sky.

"Tama ka, ang ganda nga." sabi niya kaya nilingon ko siya. That's when I noticed na nakatingin pala siya sakin. He smiled at me then tumingin siya sa sky.

When the fireworks display ended, tumingin ako sa paligid. At naningkit yung mata ko ng makita kong naghahalikan mostly yung mga couples. Eew?

Nasampal ko yung sarili ko. Eh kung maka kiss ako kay Sphere eh parang wala ng bukas tapos nag e'eew eew ako? Tss.

"Ikaw ba, hobby mo na yang sampalin yang sarili mo? Dati, di kanaman ganyan ah?"

"Wala kang pakialam!" tiningnan niya ako ng masama. "Okay okay, dahil birthday mo ngayon, magiging mabait ako sayo. At dahil mabait ako, i't-treat kita."

"Oh really? I't-treat mo ko? Wow. First time yun ah."

"Kaya nga! Hayy. Lika na." I grabbed his arm at kinaladkad ko siya patungo sa mga tinda sa night market.

"Dito mo'ko ililibre?"

"Aba, nagrereklamo ka pa? Shempre ito lang naman yung malapit dito. At isa pa, maraming magaganda dito. Dali." Hinagit ko siya dun sa isang stand na puro accessories yung tinda for boys and girls.

Midnight RapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon