Chapter 9

8 0 0
                                    


Chapter 9
Meet Dindin
︵‿︵‿︵‿︵‿︵

Birth month na namin next week!!! I'm so excited! Tatanda na naman kaming lima ng isang taon and in just a week magbibirthday na ako pero tulad nga ng plano namin nina Sash we'll celebrate all our birthdays on Valentines day.

Pero bago 'yun, heto kami at maraming tinatapos sa library. Oh diba? Napakasipag ko na talaga ngayon.

"Improving grades mo Sea ha." Nakangiting sabi ni Babs sa tabi ko.

Napatingin sina Pitch sa akin.

"Congrats, Sea! Keep it up!"

"Yes, Mommy Pitch." Tumawa ako.

"Congrats Sea for sure matutuwa sina Tita Eleona niyan." Sabi ng pinsan kong si Sasha.

"Thanks, Sha."

"Dumalaw ka naman sa bahay! Namimiss ka na nila Mama eh." Pagtatampo ni Sash.

"Oo naman. Siguro next week pag 'di na tayo masyadong busy." Sagot ko.

Nandito kaming lima sa library at kasama namin si Dave pero nandoon pa siya sa bookshelves kasama si Ayessa dahil may hinahanap silang book para sa group reporting nilang apat sa history. Si Dave lang ang only boy sa kanila.

Nagsusulat kami ni Babs ng assignment namin sa Filipino habang sina Sha naman ay nagreresearch ng topic nila sa laptops nilang dala.

Nakita kong pabalik na sina Ayessa at Dave dito sa table at may hawak-hawak silang mga books. Whoah! Ang dami naman. Napansin kong nag-aalala ang mukha ni Yeye.

Nang makalapit sila ay kinamusta sila ng dalawa nilang kagrupo. Ibinaba muna nila ang mga hawak nilang libro. Si Yeye may hawak na dalawa habang si Dave tatlo. Lahat yun puro makakapal.

"Guys, paano 'yan 'di na natin 'to matatapos dito sa lib?" Nag-aalalang tanong ni Ayessa sa mga kagroupmates niya.

"Gusto niyo sa'min niyo na lang gawin yung project niyo?" Offer ni Babs. "Wala naman sina Mommy at Daddy sa bahay. Kami lang ng kapatid ko."

Umiling sila.

"Wag na, Babs. Nakakahiya naman. Nakigulo pa kami sa inyo." Nakangiting sabi ni Pitch kay Babs.

"Oo nga, 'wag na." Agree ni Sasha.

Tumingin si Pitch sa groupmates niya. "Pwede ba kayo sa bahay? Kahit doon na lang kayo matulog. May extra shirts naman ako. O 'di kaya papasundo ko muna sa driver namin ang mga gamit niyo. Ano?" Alok ni Pitch.

Sobrang haggard na sila kasi bukas ng umaga ang reporting nila. Grabe nga sa section nila eh one day lang ang preparation kaya naman ngarag na ngarag sila. Di ko kaya 'yun 'noh!

"Sige. Okay lang." Sabay na sagot nina Yeye at Sash.

"Ha? Pa'no naman ako?" Nag-aalalang tanong ni Dave.

"Bakit?"

"Wala akong pamalit ng... You know." Tumawa siya ng mahina. "Saka diba babae kayong dalawang magkapatid?"

Tumango si Pitch. "Don't worry, nando'n naman si Dad. Papahiramin ka no'n. Or you want ask ko na lang mamaya ang driver namin para pumunta sa house niyo?"

Umiling si Dave. "Wag na. Hassle pa 'yun." Ngumiti ito sa kaniya. "Daan na lang muna tayo sa convenience store diyan sa tapat, bili tayo do'n."

"Okay. Kayo girls? May ipapakuha ba kayo?"

Semper FidelisWhere stories live. Discover now