Chapter 10

7 0 0
                                    


Chapter 10
Who's Babes?
︵‿︵‿︵‿︵‿︵

Success ang project na pinagpuyatan nila Dave kagabi habang kami ni Babs ay nakipaglaro lang kay Dindin ng scrabble at barbie dolls niya. Ang laki ng tinulong namin 'noh? Haha! Imbis na magcheer kami sa kanila kagabi, naglaro na lang eh. Pasaway! Hahaha.

Alas-dos pasado na yata sila natapos habang kami ni Bubbles hindi na namin namalayan kasi nakatulog na kami rito sa kwarto ni Dindin. Nagising na lang kami ni Babs na naka-uniform na ulit yung apat paglabas namin.

"Wow! Good morning naman sa inyong dalawa, Sea. May mga muta pa kayo. Yucks!" Napailing sa amin si Dave pero natatawa lang kami ni Babs.

"Arte mo!" Sabi ko.

"Mas maarte ka, duh!"

"Ewan ko sa inyong dalawa. Umagang-umaga." Napakamot si Babs sa kaniyang ulo at naiwan kami ni Dave na tuloy pa rin sa pag-aasaran. Dumiretso si Babs sa CR para maghilamos.

Pumunta na rin ako sa CR para maghilamos at toothbrush. Si Babs kakatapos lang.

Habang nagsisipilyo ako ay naalala ko yung itsura ni Dave kagabi sa suot niya. Maluwag kasi sobra yung tshirt ng Daddy ni Pitch kay Dave maging ang shorts na pinahiram sa kaniya kaya mukha siyang nakasabit sa hanger sa suot niya hahaha.

Sabay kaming natawa ni Babs at nagkatitigan kami.

"Baliw ka Sea iniisip mo rin ba iniisip ko?" Tanong niya at nakangiting pang-asar pa.

"Suot ni Dave?" Tanong ko at tumawa siya kaya doon ko nakumpirma na pareho nga kami ng iniisip. Nagtawanan kaming dalawa sa loob ng banyo. Magbestfriend nga talaga kami.

"Hoy kayong dalawa diyan alam ko ako na naman pinag-uusapan niyo. Idol niyo talaga ako. Oo na ang macho ko sa suot ko." Dinig naming sigaw ni Dave sa labas ng CR.

Binuksan ko yung pinto at napatingin ako kay Dave na nagsusungit pero natatawa pa rin ako sa kaniya. Naalala ko na naman kasi itsura niya. Pinicturan ko pa yun kagabi, ilalabas ko 'yun 'pag birthday na niya.

"Hoy, Dagat! Kagabi ka pa! Baka 'di ka na mautot niyan, tae na."

"Ang cute mo, Dave." Natatawa kong sabi sabay kurot sa magkabilang pisngi niya.

Inis niyang inalis ang dalawa kong kamay sa mukha niya. "Pag ikaw talaga, Sea, nagkaroon din ng mabigat na project 'di kita tutulungan." Pagsusungit niya.

"Oh bakit?" Inosente kong tanong.

"Tinulugan mo lang kami kagabi eh. Kayong dalawa ni Bubbles! Mga walang ambag." Sabi niya sabay walk out pero kami ni Babs nagtawanan na lang ulit.

Matapos naming kumain ay naligo at nagbihis na kaming lahat. Sina Pitch papasok na ng school habang kaming dalawa ni Babs ay pauwi na ng mga bahay namin kaya nagpasundo siya kay Manong MC.

"Buti na lang dumating si Sky kagabi 'noh?" Biglang sabi ni Bubbles sa tabi ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana.

Naalala ko yung kagabi. Pumunta si Sky dahil naiwan pala yung cellphone ni Pitch sa library akala ko mangugulo lang siya sa buhay ko kaya siya nagtext.

Hindi na siya nag stay pa dahil tinatapos din daw nila yung group report nila. Dumaan lang talaga siya sa bahay ni Pitch para doon.

Tumango na lang ako.

"Mabait naman din pala si Sky."

Semper FidelisWhere stories live. Discover now