Chapter 2: His Number

15 2 0
                                    


Chapter 2
His number
︵‿︵‿︵‿︵‿︵

"Hala Babs! Pa'no 'pag sinabi niya kay King na crush ko siya?"

Dapat pala nilagay ko na lang secret. Bakit kasi nilagay ko pa buong pangalan ni King? Pati yung lugar at kung kailan kami nagkita sinulat ko rin do'n!

"Akala ko naman kasi ako na lang yung hindi pa nakakapagsulat doon at ikaw! Kasi nasa pinakadulong page na yun ng notebook. Hindi ko naman alam na tapos ka na magsagot doon nung isang araw pa. Bakit kasi hindi mo ako ininform, Babs?"

At bakit kasi kailangan pang magsagot ni Sky doon? At hindi ko rin naman naisip na may pagka-pakialamero pala yun. Saka magtiyuhin pala sila? Bakit hindi ko alam yun? Joke ba yun? Paano kung totoo yung sinabi niyang bakla si King? Magkamag-anak sila kaya siya ang mas nakakakilala!

"Oh my gosh! Paano kung totoong bakla nga siya?!!"

Oh no! Hindi pwedeee!!!

Napatingin naman ako kay Bubbles na wala man lang reaksyon at walang bakas ng interes na pakinggan lahat ng mga hinaing ko. Halos kanina pa ako naglalabas ng sama ng loob dito pero parang wala lang sa kaniya.

"Hoy!!!" Sigaw ko sa kaniya kaya agad siyang napatingin sa akin.

"Ano?" Sa hinaba-haba ng sinabi ko isang salita lang ang lumabas sa bibig niya? Grabe! GRABE!!!

"Bakit hindi ka namamansin diyan?" Tulala lang siyang naglalakad katabi ko. Palabas na kami ng school dahil uwian na namin pero ang section nila Sha ay may extra activities pa kaya mamaya pa ang uwi nila.

"Nakita ko kasi kanina si Louie." Kilig na kilig niyang sabi.

Umirap na lang ako. Kaya pala hindi makausap ng matino nakita niya pala ang crush niya na wala namang ibang inatupag kundi ang pagbabanda. Grade 12 na rin si Louie at isa siyang bokalista sa banda nila. Mabait si Louie pero habulin ng babae at babaero pa. Ewan ko ba rito kay Babs kung bakit nagkagusto siya sa isang playboy, eh marami namang matinong lalake diyan.

"Wag ka nga umasa kay Louie. Chicboy yun."

"Okay lang chicks naman ako."

Wow ha! Kapal nitong babaitang 'to. Binatukan ko siya pero tumawa lang siya.

"Sigurado naman akong sa'kin pa rin ang bagsak niya." Sabi niya na para bang nakita na niya ang future na sila ang magkakatuluyan.

Well... Ganyan din naman ako kay King. Lahat ng pinaplano ko para saming dalawa ay parang sigurado ako na mangyayari. Natawa na lang ako sa mga kalokohang pinag-iisip ko. Hays bata pa namin pero advance agad kami magisip 'no?

"Sa tingin mo sasabihin kaya ni Sky yung nalaman niya?" Tanong ko nang makalabas na kami sa gate.

Maraming umuuwi ngayon. Most probably ang iba ay maglalakwatsa pa sa mall o sa park at ang iba naman ay mag-aaral, magpapanggap mag-aral or lalandi.

Kami? Lalandi syempre!!!

Joke hahaha. Uuwi na kami 'no. Baka kurutin pa ako ng mga magulang ko sa singit ko.

"Siguro. Sabi ni Yeye bully ang isang yun. At wala raw siyang paki kung sino ang makakalaban niya." Sagot ni Babs.

Wow ha! Ang yabang!!!

Pero... Paano na?! Paano 'pag bukas alam na ni King na gusto ko siya? Paano kapag iniwasan niya ako? Paano kapag hindi ko na siya makita? Huhuhu.

Ayaw pa naman ni King na may nalalaman siyang may nagkakagusto sa kaniya. Ang gusto niya kasi mag-aral muna ng mabuti lahat ng may crush sa kaniya. Ayaw niya munang magkaroon ng girlfriend dahil running for honor siya at isa pa hindi niya yun prioritize sa ngayon. Maraming nagkakagusto sa kaniya pero takot ang lahat na ipangalandakan ang nararamdaman nila dahil alam nilang pagsasabihan lang sila ni King. Yung type kasi ni King yung ka-uri niya na mahilig mag-aral slash magreview for short yung mga type niya yung mga mahilig magsunog ng kilay!

Semper FidelisWhere stories live. Discover now