Chapter 3

14 2 0
                                    


Chapter 3
Superhero for hire
︵‿︵‿︵‿︵‿︵

Last day na ngayon ng anniv week at kahit papaano ay may nasubukan na rin akong booth at yun ay ang henna tattoo booth. Nagpalagay kaming lima nina Babs sa may wrist namin. Pinalagay namin yung tattoo ni Tris Prior sa movie na Divergent, yung may three birds na design. Napanuod kasi namin yun noon at sobrang naamaze kami sa movie.

Pero hays, 'di pa rin mawala sa isip ko 'yung kahapon. Huhu.

"Sarap talaga ng yema cake ni Manang Wills!" Tuwang-tuwa na sabi ni Sasha.

"Sea, punta tayo next time sa bahay niyo at sabihin mo magbake siya ulit ng yema cake ha? Please?" Request ni Yeye.

Wala sa sarili akong tumango. Nalulutang na ako.

"Hoy Sea, sabaw na sabaw ka kanina pa." Puna ni Babs sa akin.

Nandito kaming lahat sa likod ng gym. Dito madalas ang tambayan ng mga fangirls ng mga varsity players. At kaya kami nandito ay para tignan ang crush kong si King.

Todo todo ang kaba ko dahil baka alam na niyang crush ko siya. Kainis. Hindi pa nga kami close baka ayawan na agad ako.

"Paano kahapon niya pa iniisip yung sinabi ni Sky sa kaniya." Sabi ni Yeye.

"Wag mo na alalahanin yung sinabi ni Sky. Makakalimutan niya rin yun." Sabi naman ni Pitch.

Tumango na lang ako at nanahimik lalo na nang makita kong papalabas na ng gym ang basketball players at isa na doon si King Charming ko! Kyaah!!!

Agad akong pinagsisiko nila Babs. Masyado namang pa-obvious 'tong mga kaibigan ko eh. Huhu.

Sumenyas ako sa kanila na 'wag masyadong pahalata dahil ayokong mabuko.

May iilang varsity na tumingin sa pwesto namin nila Pitch. Alam ko namang ang ilan dito ay may gusto kay Pitch, isa si Pitch sa pinaka-magandang babae sa buong campus. At matunog agad ang pangalan niya kahit Grade 9 pa lang kami.

Sobrang ganda kasi ni Pitch at mala-diyosa ang mukha niya. Lagi nga siyang gustong isali sa mga beauty contests kaso ayaw niya dahil kapos daw siya sa height. Kung pwede nga lang na huwag ibase sa height malamang sumali na itong kaibigan namin. Bukod sa maganda na, matalino pa.

Actually, lahat ng kaibigan ko ay magaganda. Sabi rin nila maganda ako. Pero mas maniniwala akong maganda ako kung galing na mismo kay King yun. Hihi.

Napatingin ako kay King. Grabe! Kahit pawis na pawis siya, ang gwapo niya pa rin! Kahit ano yata ang gawin niya gwapo pa rin siya sa paningin ko eh.

Agad kong kinuha ang phone ko at pasimple kong piniktyuran si King. Natawa sina Sha sa ginawa ko. Sanay naman na yang mga yan sa akin eh.

Walang humpay ako sa pag click ng mga stolen shots ni King at nahinto agad ako sa pag capture nang bigla siyang tumingin sa cellphone ko. Titig na titig siya. Oh no! Wag mo sabihing nalaman niya kung anong kabulastugang ginagawa ko?

Agad akong siniko nila Sha. Alam din yata nila na napansin ni King ang ginagawa ko. Nakita kong papalapit na si King sa pwesto namin. Omg! Katapusan ko na ba?

"King!" May isang lalakeng tumawag sa kaniya sa hindi kalayuan at agad siyang lumingon doon.

Nakita ko kung sino ang tumawag sa kaniya. Si Sky na nakatingin lang kay King. Mukha yatang may sasabihin siya kay King.

Tumalikod si King at dumiretso kay Sky. Hala! Paano pag sinabi niya yung nalaman niya kahapon?!

"Omg! Baka ibuking na ako ni Sky!" Mahina kong sabi.

Semper FidelisOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz