EPILOGUE

1.6K 34 26
                                    

Masakit parin pala kahit alam niya na yun talaga ang pinaka paksa ng okasyon sa University. Masyadong maraming nangyare sa gabing iyon. Tumulong muli ang luha ni Cassandra ng iannounce na ikakasal si Heins kay Norilyn. Pinsan niya pala ang babaeng iyon."Heins bakit mo nagawa sa akin ito? Gumaganti ka ba dahil minsang iniwan kita? " ang tinutukoy niya ay nung siya pa si Rona at hindi si Cassandra. Poot at galit ang nararamdaman ng dalaga sa lalaki. Dumako naman ang kanyang tingin sa mga taong nakasama niya at tinuring niyang mga tunay na kaibigan. Halata sa kanila ang gulat at pagkadismaya. Naging pala isipan naman kay Rona O Cassandra ang di maipaliwanag na reaksiyon ni Kryzel kung bakit ganoon nalamang. Pero agad niya naman itong napagtanto ng tiningnan niya kung saan nakatingin si Kryzel. Ang mga mata nitoy hindi nakatutok sa dalawang taong ipapakasal kundi sa matandang lalaki, ang kanyang lolo.

Aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!" Nakaagaw atensiyon naman yung mga babae sa ladies comfort room...

"May patay na babae sa cr!!!!!" Sigaw nila. Takbuhan naman lahat roon.

Nagulat rin si Cassandra ng marinig ang sigaw ng babae kaya naman minabuti niya ng lumayo mula sa kinatatayuan niya. Palakad na sana siya ng marinig niya ang boses na tumawag sa kanya "Cassandra!!" Tiningnan niya lamang ang kanyang pinsan bago naglakad muli.

Bago siya umalis bumuo na siya ng desisyon sa buhay niya. Yun ay ang magpakalayolayo at mamuhay kasama ang magiging anak niya.

*

Natapos ang event sa University at tanging naiwan roon ay sina Heins at ang barkada maliban nalamang kay Kryzel na sumama sa ospital.

"Grabe ang nangyare kay Sarah *sniff* sana di nalang siya nagpakita *sniff* para hindi siya nawala agad agad" umiiyak na saad ni Khia. Agad naman siyang niyakap ng kanyang boyfriend na kararating lang..."shhhh.... Tama na.... Walang may gusto ng nangyare..." Saad nito. Lihim namang napakuyom ang mga kamay ni Raven sa nakikita niya. "I think we should follow later... But for now lets have some rest for this scary event" bigkas naman ni Liam na nalulungkot rin...

*sniff* " ano ba ang *snif* nagawang kasalanan niya para mangyare ang mga bagay nayun sa kanya...*sniff* ate sarah doesnt deserve to die!! Kung sino man ang may kagawan nun.... Dapat kamatayan rin ang kapalit!" Si sheena ang nagsasalita kagaya nga ng ginawa ng boyfriend ni khia si Kiro naman ay hinawakan nalamang ng mahigpit ang kamay ng kanyang kasintahan. Lihim namang napangisi si Mina na naroroon rin "darling you cant do that, no one will know whos the one who make it" sabi nito sa kanyang isip.

Samantala tanging katahimikan lang ang tanging na ishare nina Heins at si Norilyn na ngayo'y tulala lang.

"Tingnan mo Heinrich meron na agad hadlang sa planong pagpapaksal niyo!" Saad ni Khia sabay walk out nito. Sumunod naman ang barkada tanging tapik sa balikat at pagsabi ng congrats sa kanila. Paalis narin sana si Heins at iiwanan si Norilyn kaso napatigil siya ng may biglang may humawak sa kamay niya. Ito ay si Norilyn.

"Meron siya kanina.... Dumalo siya....Dumalo si Cassandra" Sabay bitaw ni Norilyn sa kamay ni Heins. Blangkong ekspresyon lang ang naging tugon nito sa dalaga. Hindi niya alam ang sasabihin niya.... Naglakad nalamang muli ito. Sumunod lang si Norilyn sa kanya. Papunta silang Ospital.

*
Isang linggo ang lumipas napag alaman ni Cassandra na ang namatay pala ay si Sarah. Nasaktan siya ng labis dahil una bestfriend niya ito at panghuli marami sana siyang mga katanungan na gustong itanong kay Sarah privately, kaso wala na.

Sa araw ng libing ni Sarah palihim na pumunta si Cassandra. Pagkatapos nun ay ang plano niyang pagpapakita sa kanyang lolo. Kaya naman minabuti niyang puntahan ito sa kumpanyang pinundar niya.

LUISITO ASQUETA POV

"Excuse me po Sir may babae pong gusto kayong makausap apo niyo raw eh?. Maghihintay daw siya kahit anong mangyare" sabi ng secretary ko.

The Nerd And The Famous Book 1Where stories live. Discover now