CHAPTER 29(A FATHERS FAVOR)

916 28 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

BALAK nanaman sana ni Raven na gamitin ang napaka mahal na sasakyan ng kanyang master ang kaso iniisip nya palang, alam na agad ng master nya "aalis ka? Dont you dare use my car! Baka di na kita matansya papatulugin na talaga kita sa labas ng gate!" Nung nakaraang araw lang kasi ipinuslit nya ang sasakyan ng kanyang master kasama ang bespren nyang si Kiro. Tandem ang dalawa sa kalokohan. One time nang makabalik sila nag aabang na pala sa kanila ang kanilang master. Kaya in the end nakatanggap sila ng tag iisang kutos sa ulo at pinatulog pa sila sa garahe ng boxer lang ang suot. Buti nga naawa pa ang master nila eh? Balak sana silang patulugin ng walang saplot kaso naisip ng master nila na meron nga palang malalanding katulong sila baka pagpyestahan silang dalawa.

At the end motorbike nalang niya ang kanyang ginamit,

Agad na syang tumungo sa airport para sunduin ang tabachoy nyang fiance, wala naman talaga syang gusto dito? Malaki lang talaga ang utang na loob nya sa mga magulang nito, tinulungan ng mga magulang ni taba ang pamilya ni Raven ng muntikang bumagsak ang kumpanya ng mga magulang nya. Wala ngang kamalay malay si Raven na bilang kapalit ng tulong na binigay ng pamilya ni taba sa kanila, ipinagkasundo siya sa anak ng tumulong sa kanila. Ang parents nya at parents ng taba ay malapit na magkaibigan.

Hindi naman sana mag aatubuli si Raven na sayangin ang oras nya sa babaeng kararating lang ngayon, ang kaso, naalala nya kasi ang hinihinging pabor sa kanya ng ama nito

**********flashback******'

sa murang edad pa lang ni Raven napasabak na sya sa pagtatrabaho sa kumpanya nila na dapat sanang di pa nya ginagawa... wala naman syang choice dahil inaasahan sya ng mga magulang nito.

Sa totoo lamang iba talaga ang hilig ni Raven yun ay ang pagluluto kaso di sya suportado ng mga magulang nya. Masakit man sa kanya tinanggap nalamang nya ito.

One day kinausap sya ng kanyang magulang at sinabing ipapakasal sya sa anak ng kaibigan nila na sa kamalas malasan isang dambuhalang babae. Pinilit sa kanyang ipinaintindi sa kanya ang sitwasyon, wala na nga syang kalayaan sa gusto nyang maging? Pati ba naman sa pag ibig sila parin ang nasusunod? Alam nya kung gano kahalaga sa parents nya ang company nila masaya sila dito kaya naman once again ipinakasalalay nya nanaman ang kaligayahan nya na kailan man ay di nya maangkin hanggang sa ngayon.

The Nerd And The Famous Book 1Where stories live. Discover now