Chapter 36; Sorry

948 24 0
                                    

Chapter 36

Sorry

**

"Anong pag-uusapan natin?" Pranka na sagot ni Crystal... Parang kinakabahan siya sa ik-kwento ni Mikaela sakanya.

"First of all. I am deeply, really... sorry. Hindi ko sinasabing patawarin mo 'ko agad. Ang punto ko is, sana mapatawad mo ako sa darating na panahon."

"Napatawad na kita, Mikaela. Naiintindihan ko naman, mahal mo si Zake ng sobra at di ko kayang tapatan ang pagmamahal na binibigay mo sakanya... Kayo na ang ikakasal.. I am happy, for Zake and your future family. Kaya kung yun lang naman ang sasabihin mo pwede na ba akong umalis?"

"Hindi. Hindi ko kayang tapatan, higitan o pantayan ang pagmamahal na binigay mo kay Zake. Hindi ko kayang punan ang pagmamahal mo sakanya. Crystal, hindi ko kayang labanan ang pagmamamahalan na meron kayong dalawa sa Isa't isa. Oo, nasa akin si Zake pero ikaw parin ang nagmamay-ari ng puso niya... Hindi ako, walang iba kundi ikaw! Kahit anong gawin ko, tadhana ang nagsasabing hindi kami pwede. Zake is just pretending that he loves me... Nagp-propose siya sakin dahil yun ang dapat. Pero kahit nasa akin siya sa ngayon sayo parin yung buong sistema niya." Nasasaktan na sabi ni Mikaela. "And then, I realized you can't push people to love you. Masakit lalo kapag nakikita mong napipilitan lang silang gawin ang lahat."

"Mikaela... I don't understand. Bakit ngayon mo palang sinasabi 'to? Your marrying him tomorrow! I'm now okay. . Kung ikaw ang babaeng kaya siyang pasayahin I will be happy."

"Ikaw ang babaeng minamahal niya until now. Kaya sinasabi ko ito lahat, balikan mo siya... Crystal, balikan mo na si Zake dahil alam ko na ako lang ang pader sa pagmamahalan niyo. Pero alam kong magagalit ang tatay ko dahil di kami ikakasal. Kaya kong pigilan ang dad ko para lang maging kayo ulit." Hinawakan ni Mikaela ang kamay ni Crystal. Nanunuyo ang lalamunan ni Crystal, bakit? Bakit ngayon lang? Ikakasal na sila bukas.

"Crystal... Love him! Alam kong gustong-gusto mo na siyang yakapin ng mahigpit pero pinipigilan mo dahil alam mong hindi pwede... But now, I am personally saying this to you to love him till death. Grow old with him, and be with him."

"Gustong-gusto kong gawin lahat na sinasabi mo, pero alam ko di 'yun ang pinunta mo dito." Crystal's smelling something on Mikaela's gestures. "I won't get mad. Kahit gaano kalaki ang ginawa mo, tell me, Mikaela... May nangyari ba talaga sainyo ni Zake nung kami pa? May nangyari ba nung gabing 'yon? Please just tell me..."

Tumulo ang luha ni Mikaela and She shrugged. Finally, parang nabunutan ng tinik ang kanyang puso dahil sa kanyang pag-amin. "Walang nangyari samin, I tried to kiss him but he refused. He really loves you even if he's out of his mind. And I'm so stupid for that! I am a fucking whore." Sisi ni Mikaela sa sarili niya at na-shock si Crystal doon... tama si Zake... Hindi siya naniwala kay Zake na kaya niyang magbago, si Crystal ang inaasahan ni Zake na maniwala sakanya pero siya mismo ang tumalikod at binigo ang lalaki. Nagsisisi si Crystal na hindi niya pinakinggan si Zake ng maayos, na hindi sana hahantong sa ganito lahat. Pero ng mga panahon na 'yun, mahirap magtiwala.

"Mikaela... Paano? H-hindi ko alam bakit mo nagawa 'yun? Babae ka." Hindi galit ang tono ni Crystal. Sinasabi niya kay Mikaela na dapat hindi niya ginawa 'yun... "Alam mo ba na artista ka? Hindi mo naiintindihan diba? Mali 'yon. Kahit gawin mo 'yun kay Zake o sa ibang lalaki.. Mali 'yon. Napatawad kita kasi alam kong kaya mong magbago, naniwala ako sayo. Naniwala dapat din ako kay Zake. Damn, my fault."

"Sorry. Wala rin kaming anak, kaya nakokonsensya na ako ngayon! Naawa ako sainyo ni Zake.. He'll be a perfect father to your children. Fighting the destiny, means fighting with an air. Wala kang kalaban-laban."

Zake The Playboy Where stories live. Discover now