32; End this

816 24 0
                                    

Chapter Thirty-two

End this

**

"Thank you." Sabi ko kay Alex, "Wag ka nalang pumasok samin. Kaya ko nanaman." Tumango siya sakin sabay ngiti.

"Its okay, We're just here. Pero pwede request?" Ngumisi ako, "Nasaan bahay ni Shiela?" Tumawa siya at ako din.

"Malapit lang 'yun dito kaso bukas nalang. Kasi nandyan 'yung mama at papa niya bakit? Aakyat ka ba ng ligaw? O aasawahin mo na?"

Namula ang kanyang pisngi. "Hindi noh! Akyat ligaw muna, kaso may trauma ako sa ganyan hahaha. Sige, alis na ako." Tumango ako, "And Crystal. Sa sinabi ni Zake na babawi siya? Babawi siya sayo kaya humanda ka nalang." Ano? Sumakay nalang siya sa kotse niya at umalis.

Babawi siya..ano? Instead na isipin ko 'yun ay kinabahan ako sa pagpasok ko sa bahay, lumayas ako then babalik ng sawi at nasaktan. Hindi ko dapat pinairal ang puso ko eh!

Binuksan ko muna ng maliit ang pinto natanaw ko si Tatay at Nanay na masayang nanonood ng TV. Ngumiti ako, di ko mapigilan ang saya kaya napaluha ako. Palagi nalang akong umiiyak, pero ito ang emosyon na kaya kong ibigay eh.

"Miss ko na si Crystal." Narinig ko si tatay, "Nasaan na kaya siya?"

"Alam kong nasa mabuting kalagayan ang anak mo. Anak natin."

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko ang gulat sakanilang mga mukha, niyakap ko agad sila at malabo nanaman ang aking mata dahil doon. Nasasaktan ako dahil tinalikuran ko sila, masaya ako kasi tinaggap nila ulit ako. "Tay, Nay, Sorry po! Sorry.. di na ako magpapatanga ulit." Naiiyak na sabi ko, "Hindi ko na po gagawin 'yung ulit. Pangako po."

"C-crystal?" Tumango ako kay Tatay, pero natabunan 'yun ng yakapin ako ng mahigpit ni Nanay. Ngayon lang siya yumakap ng ganito kahigpit at ganito ka sincere.

"Anak...nag-alala ako sayo, Sorry din Crystal kung di ko pinaramdam sayo na mahal kita. Babawi ako sayo, babawi kami ng tatay mo." Umiyak din si Nanay, "Sorry, anak. Sorry."

"Sorry din po!"

Nung gabing 'yun naging masaya din ako dahil nakauwi na ako sa bahay, nanood din kami ng TV at nagpapasalamat na tinaggap nila ako kahit malaki ang naging kasalanan ko sakanila. Oo, naging malungkot ako dahil naghiwalay kami ni Zake ngayong araw at masakit 'yun. Ihahanda ko na rin ang sarili ko sa pagm-moveon hindi madali 'yun kasi hindi naman nawala 'yung pagmamahal ko sakanya. Nawala lang 'yung tiwala ko.

Ihahanda ko na din ang sarili ko sa pagsigaw ng Mama ni Zake sakin. Naenjoy ko ang kanilang pamilya masaya din ako kapag kasama ko sila pero hanggang memorya nalang 'yun dahil wala na akong karapatan na pumunta o bumisita sakanila.

Nagbago at naging mas mabuti ang pakikitungo ni Nanay sakin, Nagpasalamat din sila sa mga binigay ko habang wala ako.

**

Zake’s POV.

"Mikaela! May nangyari ba?" Hindi siya sumagot, kaya mas lalo akong napikon. "Mikaela! Sumagot ka! May nangyari ba satin!?"

"Meron." Sabi niya, "Kasalanan mo 'to eh! I was drunk and you take advantage of me. I'm sure kapag nalaman ito ng network Our careers will die, and Kapag ako mabuntis mo..dad will be m–"

"Wala! Walang nangyari, Mikaela. Kilala kita! You were not drunk, plinano mo ba 'to? Huh? Sinisira mo kami, Mikaela!"

"Zake, hindi...bakit naman ako magp-plano? I'm not desperate, Hindi ko kayo sisirain! Why would I do that?"

"Fuck. Anong gagawin ko? Nakipaghiwalay sakin si Crystal. Damn, Mikaela hindi ko kakayin na mawala siya." Sabi ko, "Pati na rin 'tong career ko. Bakit?"

Zake The Playboy Where stories live. Discover now