14; Crazy

1.3K 36 3
                                    

Chapter Fourteen

Crazy

Note. The following chapters will be short and corny. Please bear I'm just waiting for the twist.
**

Crystal

Nagkita kami kahapon ni Liza at Hannah. Kaibigan ko sila dati hanggang ngayon matagal na kami di nagkita simula ng lumipat kami. Buti nalang at nakuha nila number ko.

Nagkita kami sa isang fastfood chain. Masaya naman 'yon, and guess what... fan din sila ni J-Zake pala! Akalain mo nga naman.

"Really?! Oslob?" Tumango ako, they're excited. Pumalakpak si Hannah "Sounds fun." Tinitigan ko sila ng mabuti, maganda si Hannah, morena beauty. Tapos matalino pa, si Liza naman makinis at maputi. Si Shiela din. Si bek, ewan

"Ito nga pala, Crystal." Binigyan niya ako ng isang paperbag. Regalo siguro tapos binigyan ko din sila..

Pagkatapos nun ay nagsiuwian na kami. Malapit din daw ng Birthday ni Zake, Ewan ko kailan 'yon after the oslob daw sabi nila Hannah.

"Saan ka pupunta?" Ito nanaman? Lumapit ako para mag-bless at buti tinanggap niya ito.

"Matutulog na po sana."

"Okay."

Siguro ngayon na din ako magpapaalam. "A-ah, Nay, Pupunta sana ako sa Oslob, Cebu sa Friday hanggang Sunday. May libre po si Zake." Tinaas niya ang kanyang kilay, ano?

"Lalaki si Zake?"

Tumango ako ng dahan-dahan "Opo, Nay."

"Hindi ba? Artista 'yon?" Kumalabog at di mapakali ang puso ko.

"Opo."

"Lumalandi ka ata, Crystal." Imbes na maging maayos ay may tumulong luha. Bakit? Bakit ganyan siya magsalita sa anak niya.

"Alam ko, Crystal. Alam ko. Kaya wag ka mo ikaila, binabalaan kita na magkaiba kayo ng mundo. Hindi ko tanggap, hindi tanggap ng buong mundo."

"O-opo, Kaibigan ko lang naman siya."

"Pero malalaman ko sa susunod na Boyfriend mo na siya."

Mas lalong sumakit ang ulo at puso ko, sakit naman.

"N-nay...."

"Papayag ako na sumama ka."

**

Zake

"Ready na?" Tanong ni Damon. Ready na ako, bukas na kasi ang biyahe namin sa Oslob. Sabi ko sakanila mag-private plane pero ayaw nila! Kasi ako lang naman daw ang special child sakanila.

"Opo!" Sabi ko at inihanda na ni Mama ang gamit ko at 1 buwan na siyang buntis kaya expected na naglilihi na siya.

"Okay, fetch crystal now." Hinagis niya ang susi ng trailblazer, ngumisi ako. Katulad ng napag-usapan namin ay susunduin ko sila Crystal at sila Liza, Bek, Shiela, at Hannah. Dahil maaga pa kami bukas aalis.

Lumabas na ako ng kwarto. Alis dyes na ng gabi, nagpaalam na din ako kay Dame at Kay papa. Nasa baba pa si Mama so, papaalam na din ako. Bumaba na ako, tapos nadatnan ko si Mama na kausap si.... Mikaela

"Son! You're girlfriend is here." Nalaglag ang panga ko, Nagbago na si Mika! I'm not into her, Infatuation lang 'yon "Oh, sorry. I tought..." Sasagutin ko na sana si Mama pero hindi nalang. Buntis, e

Zake The Playboy Onde as histórias ganham vida. Descobre agora