18; Official

1.1K 32 1
                                    

Chapter Eighteen

Official

Note. Wala ng ligawan ah! Di na uso, guys. Sila na agad dito. Hindi lang halata.
**

Natapos na din sa wakas ang trip na 'yon. Akala ko masaya maraming happu moments pero yun na ata ang Worst sa lahat! Speaking of Worst nandito na ako balik sa bahay, balik trabaho.



Papasok na ako ngayon sa hotel. Tumunog ang cellphone ko at akala kong si Zake 'yon. Naging busy na talaga aila ni Mikaela for a week ah! Pero gabi-gabi na lang din kami nagt-text.





From: Unknown

Is this Crystal Kate Castillo?

Famous pala ako?

To: Unknown

Yeah, why?

Taray ko ah! Pafame

From: Unknown

Can we invite you to Mendoza Media Corp?

Shit, Mendoza? Ano?

Bakit?

Kompanya nila Zake?

Huh?

From: Unknown

We want you to be a writer for Candid.

Hindi ko mapigilan ang pag-tili! Really?! Candid?! Agad?!

I'm sure hindi naman siguro si Zake ang may pakana nito.



After kong mag-trabaho, ay pumunta na ako sa Mendoza Corp. May nag-assist sakin doon, nag-text din ako kanina kay Zake. Sabi niya hindi naman daw sakanila ang Candid. Kaya siguro sa ibang kompanya iyon! Excited na talaga ako dahil noon pa man gusto ko ng maging writer. Hindi alam ni Zake 'yon. Hindi ko pa naik-kwento sakanya

"Krystal, So. Your real ambition is being a.. Writer!" Tumango tango si Ma'am sakin "Well, your storied are nice. Your a good writer." Sabi niya sakin

"T-talaga po? Dati pa po 'yan, bata pa ako nyan. Wala naman kasi kaming pera, Ma'am." Tumawa siya ngumiti ako

"I think we'll help you get your own money."

"Okay po."

"So, I want you to be full-time here at Candid. Para maa komportable ka dito ka nalang sa Mendoza Corp mags-stay. Okay?" Tumango ako. Hindi na din naman ako makapagsalita sa excitement! Hindi naman pala dito ang Candid Magazine, Pero nakakatuwa. Dahil baka makita ko si Zake or yong mama nila diba? I mean, balita ko kela hanns na magkalaban ang kompanya nila dati. Tapos, ngayon iisa nalang. Hinandle na din ng Montefalco at Mendoza's ang kani-kanilang kompanya.

"Ma'am who recommended me?"

"Sorry, Miss. Hindi pwede sabihin, but don't worry. You'll know her, soon."

Tumango ako at nakahinga ng malalim. Her ibig sabihin walang kinalaman si Zake sa pagpasok ko dito. Kelan ba ako nagkwento sainyo na mahilig ako sa writing? Ah! Ayun, diba oh! Ngayon alam niyo na ha!

{Corny ako}

"Kumusta ka naman, anak!" Tawag ni tatay sakin. Nag-bless naman ako sakanila, buti at di tinabig ni Nanay ang pagmamano ko. Kinakabahan kasi ako sa tuwing lumalapit sakanya.

"Malamang okay masaya kaya lumandi." Tumingin ako kay Nanay nagbabasa siya ng dyaryo. "Oh! Hindi ba't totoo?" Nagtataray na sabi niya ng binalingan siya ng tingin ni tatay.

"Hindi siya lumalandi! Precious, sumosobra ka na sa anak natin!" Sigaw ni Tatay sakanya. Napunit ni Nanay ang dyaryo sa galit niya sa sinabi ni tatay sakanya, ganito na ba talaga araw-araw? Kasi, masakit. Sobrang sakit sabihan ka ng mga pagkakamali mo. Araw-araw ginagawa mo ay mabuti naman, pero pag-uwi mo puro mali mo 'yung nakikita mo.

"Anak natin?! Anak mo! Anak mo sa ibang babae!" Alam ko! Kingina alam ko! Anak ako sa ibang babae. Anak ako ng ibang babae! Iniwan ako ng totoong nanay ko, masakit. Masakit na masakit.

"Precious..." Banta ni Tatay

"Hindi ba't totoo? Niloko mo ako noon! Minahal mo ba talaga ako? Kasi hindi ko naramdaman!"

"Mahal na mahal, Precious.." Pumikit ako. Hindi ako nagsisisi sa buhay na binigay sakin. Araw-araw nagtatanong ako, Bakit? Bakit marami naman akong ginawang sakripisyo para sakanila, pero bakit puro pasakit?

"Mahal kita, pinili kita kasi akala ko... magsisikap ka! Walang tv! Walang kahit ano! Pero nandoon parin ako sa kahirapan natin! Kasi.. mahal kita! Kaya gagawin ko lahat, nagtrabaho lang ako para satin.. para kay Jason. Sa anak natin! Nambabae ka na?! Ganoon ba ako nagkulang? Hindi ako nagkulang sayo! ikaw pa nga ang nagkulang.. ako.. ako dapat ang nang-iwan! Hindi ikaw! Kasi wala kang karapatan!"

Ngayon ko lang ulit siyang nakitang umiiyak, pero iniintindi ko lang...Iniintindi ko! Pero di ko maintindihan.. Wala na akong naiintindihan!

"S-sorry, Precious. Hindi ko sinadya." Hindi ako tumingin. Nawala ang galit ko, pero naiinis ako! Bakit umabot sa ganito? Sabagay, isa lang naman akong kasalanan. 'Yun lang.

"Ikaw! Kasalanan mo ba't ka nabuhay, pinapahirapan mo kami! Masaya na kaming tatlo. Pero namatay si Jason dahil sayo! Isa kang malaking tanga at isa kang malaking kasalanan! Hindi ka na dapat nabuhay! Tapos ngayon, iiwanan mo na kami para sa lalaking 'yon! Hindi kayo pwede.. kasi wala ka sakanya! Bola ka lang na iiwan niya pag tapos na ang laro! Kaya wag kang i--" Sumigaw siya. Hinayaan ko isumbat niya sakin lahat ng gusto niyang isumbat! Tanggap ko, na kasalanan na lang talaga ako. Dapat di na lang talaga ako nabuhay. Dapat di nalang talaga. Pero masakit na, ayoko na masaktan ang sarili ko dahil alam ko ni kahit kailan di ko sila kinalimutan. Inalagaan ko sila kahit na pagod ako, Inintindi ko sila at ang utos nila sa kalahati ng buhay ko! Siguro naman pwede kong ipaglaban ang sarili ko.

"TAMA NA!" Singhal ko "Oo na po, Kasalanan ako tanga ako. Isumbat niyo lahat, pero nay, tao ako! Nasasaktan! Alam niyo.. binibigay ko lahat-lahat! Si Zake? Siya nalang ang huling taong nagsasabi sakin na ngumiti ka, wag kang magpapaapi sa problema mo." Naiiyak na sabi ko "Hindi siya sinong lalaki lang dyan, Nay. Mahal ko siya! Alam kong mahal ko siya. Kaya kung ayaw niyo sakanya bahala kayo. Dahil simula ngayong araw, wala ng anak na magaalaga sainyo. Utang ko ang buhay ko, pero hindi ko gusto na ibigay sainyo ang kaligayahan ko.. mahal ko kayo, pero nasasaktan na ako sa bawat sumbat, sigaw at kuntya niyo sa pagkatao ko!"

"Ano.. lalayas ka?! Sige! Wala kang utang na loob! Porket nakakuha ka ng mayaman.. ganyan ka na umasal! Ilang buwan palang? Huh? 1 buwan palang kayo! At ganyan ka na umasal. Wala kang utang na loob na bata ka! Kailan ka natututong sumagot-sagot? Mayabang ka!" Sigaw niya sakin


"Minsan.. gusto kong maging matapang para naman mahanap yung kaligayan ko, hindi ko pa siya nakikita. Di po porket ngumngiti at tumatawa ako, Masaya na ako." Sabi ko at tumalikod sakanila, tumingin ako sandali kay Tatay. Wala akong pinagsisihan sa mga sinabi ko. Ipinaglaban ko ang sarili ko, Isang buwan oo pero kaya kong panindigan 'yon ng maraming taon.


Niligpit ko ang mga gamit ko, bukas o mamayang gabi.. wala na ako dito.




Kasi baka hindi ko na mahanap ang sarili ko kasi sa totoo lang.. wala pa.. at alam ko malapit na.


**

Sorry huh! Madrama masyado, wala na talaga corny na. Pero medyo malapit na sa katotohanan.

Don't mind the days, weeks, or months.

Zake The Playboy Where stories live. Discover now