34; Engagement Party

900 21 0
                                    

Chapter Thirty-four

Engagement Party

**

"Saan ka naman pupunta, anak?" Tanong ni Nanay sakin. I am really content with what I have right now. May mahalagang tao man ang nawala sakin pero meron namang mga tao na bumuo ulit nito. Si Nanay, ramdam ko na talaga ang kanyang pagiging Ina saakin simula nung umuwi ako.

"Ah..sa Ospital ho, nay. May bibisitahin lang ako."

Tumango si Nanay, "Ganon ba? Okay, sige. Magiingat ka lagi ha?"

Ako din ay tumango, "Oho."

Mabilis lamang akong nakarating sa St. Lukes, medyo may kalayuan nga naman talaga ito sa bahay namin sa Fairview pero hindi naman ganon ka-traffic ang taxi na sinakyan ko. Masyado din kasi akong pagod kaya napili kong mag-taxi nalang. Tyaka marami naman kaming nadaanan na shortcuts kaya yun.

"Ito po, Kuya." Bayad ko sakanya.

"Ikaw ba yung babae nung isang buwan?"

"Ano po?"

"Yung umiiyak ba! Okay ka na ba ngayon, Miss." Then, I remembered that night. Hindi ako naisundo ni Zake dahil lasing siya at may nagbunga sa kanila ni Mikaela. Umiling ako, "Mukhang okay na okay ka na. Huwag ka ng umiyak miss ah?" Tumango ako at  ngumiti sakanya. Mabait naman pala si Kuya eh

"Room 405, Miss?" Tanong ko sa Nurse sa may lobby.

"Sino po sila, Ma'am?"

"Crystal.."

"Ah! Yung sinasabi kanina ni Ma'am Mendoza. Crystal Mendoza po ba kayo?"

"Uhm...nope, I am not a Mendoza." I will never be

"Yun po kasi ang nakalagay na magiging bisita ni Ma'am Mendoza eh, pero okay po Ma'am Crystal."

Pinapasok naman na nila ako sa loob ng ospital buti at di naman ako naligaw kaya kumatok ako ng tatlong beses at pagbukas ko ay naaestatwa ako sa pwesto namin ni Zake Hindi ako nakagalaw! Ano na, Kate?

"U-uhm." Sabi ko, kaya nabalik ako sa wisyo ko. Yung pwesto kasi namin kanina ay magkadikit na ang katawan namin dahi sa biglaan na pagbukas ko. Tumigil na kaagad ang mundo ko, Wow, Crystal.

"Ma. Andito na pala si Crystal." Malamig na sabi ni Zake, "Andoon si Mikaela sa labas pupunta ako sakanya." Pagkatapos ay nilagpasan niya na ako na parang multo. Wala na kayo diba? Nakipag-break ka umayos ka.

"Tita." Sabi ko at umupo sa tabi niya. Sakto din na katabi niya ang baby sa higaan niya. How sweet "Anong name niya, Tita?"

"Kryndall Zoe Mendoza." Napakaganda naman ng name niya! Siguro maganda ang nagbigay ng name, baka si Damon or Si Tita mismo. "Ikaw naghanap ng name, Ta?" She shrugged.

"Nope, Actually. Zake..siya ang nagngalan kay Baby girl! Akalain mo!"

Nanahimik ako saglit. "Oh." Yan nalang ang nabanggit ko "Such a pretty name huh?"

"Siguro maganda din ipapangalan niya sa magiging anak nila. Ano? What do you think, Crystal?" Anak nila. Magkakaanak sila ni Mikaela. Mukhang mabilis ang naging pangyayari pero parang kahapon lang nung nalaman ko. Ikakasal kaya sila? Oo naman. Lalo na’t mahal na din ni Zake si Mikaela nakikita ko naman sa mga mata niya kanina na blanko lamang ang tingin sakin. Malamang sa malamang infatuation lang talaga ang saaming dalawa. "Ay! Sorry. Nakalimutan ko."

"Its okay, Tita. We are okay now."

"I know. Nakikita ko 'yon sa mga mata niyo, your still in love with each other. Hindi niyo parin tanggap na hindi niyo na mahahawakan ang mga kamay ng isa't isa. Know that?"

Zake The Playboy Where stories live. Discover now