31; Binalewala

794 26 0
                                    

Chapter Thirty-one

Binalewala

**

Kinaumagahan ay nagising si Crystal na namumugto ang kanyang mata, habang si Zake ay mahimbing lamang ang tulog.

**

Crystal’s POV.

Ilang messages ang natanggap ko.

From: Shiela

Bakla! Okay ka lang ba?

From: Bek

Baklaa.. sorry ah? Isenend ko pa. Ayaw ko naman kasing magsinungaling eh

From: Alex

Goodevening, Crystal. Okay ka lang ba? Pasyal tayo bukas gusto mo?

From: Patrick

May problema ka ba, Tal?

Nagsend ako ng group message sakanila.

To: Shiela, Bek, Alex, Patrick.

Okay lang ako.

Pagkatapos kong maligo, at gawin ang mga ginagawa kapag mag-isa ako sa condo ay nagligpit ako ng gamit ko.

Ilang buwan din akong nabulag ng pag-ibig, I think its all  Infatuation.

Kailangan ko nang umalis bago pa ako makulong sa pagibig na hindi naman totoo, nagpaloko ako, Oo. Pero tama na 'to, nakakapagod maging bulag-bulagan, halata naman na buong mundo ay bagay sila ni Mikaela na gusto nila na si Zake at Mikaela ang ikasal at di ako, dapat di na ako nakisali sa gulo ng mundo niya. Dapat natahimik nalang ako sa sakit. Dapat bumalik ako sa dati, tutuparin ko ang mga pangarap namin nila Tatay.

Hindi ko na tatalikuran ang pamilya ko, sila lang dapat ang priority ko. Wala ng iba

Notifications.

ramosmika just posted a photo
ramosmika messaged you

Yun ang nakalagay sa notifs ni Zake, so finavorite niya ang account ni Mikaela? Para updated siya? Grabe, nagpaloko ka nga naman talaga Kate.

Pinindot ko ang post ni Mika at ang picture na nandoon ay ang picture nila ni Zake na naghalikan, maraming kinilig at natutuwa doon. Ako lang naman talaga ang hadlang sa pag-ibig nila kasi ipinangako sakin ni Zake na ako lang, hindi pala ako lang ang niloloko niya.

ramosmika: I had fun! ❤ Thanks to my baby, I love you @jaderzake

Sa halip na hindi pansinin ay nilike ko 'yun. At nakita ko ang kilig na kilig na comments ng fans dahil ni-like kuno ni Zake 'yun.

Eh baka nga patay na 'yun eh, kung patay man siya o hindi. Break na kami, dahil hindi ko na din siya kayang harapin, He's an asshole.

Tinignan ko ang mga sinend ni Mikaela....

ramosmika: Thank you, Zake. I had fun last night! 😙 You know na masakit ngayon ang katawan ko dahil sa kagabi. I love your kisses, Damn your body! Shit. I love you.

Hindi na tumulo ang mga luha ko, inis na ang nandoon. Sobrang sakit na pinapamukha niya pa na may nangyari sakanila kagabi.

Meron pa siyang litrato na pinakita. Yun ay mga halikan, at iba pa nila ni Zake at natutuwa naman siya doon sa mga litrato dahil sa ginagawa nila. He's not fucking drunk, He's a fucker.

Binato ko ang cellphone at nawasak 'yun sa sobrang lakas. Looks like, Mikaela Elain 'Fucking' Ramos won his heart. I don't mind.

Tinignan ko ang naka-frame namin na litrato isa din doon ay isang polaroid, yung marami sa Oslob iniwan ko na lamang 'yun doon bahala na 'yan, hanggang litrato at memorya nalang kami.

Zake The Playboy Where stories live. Discover now