Chapter 54

3.4K 111 12
                                    

Maine POV

Makalipas ng tatlong linggo magmula nung naospital si Maya madalang na kaming magkita ni Alden ... oo nagkakatext at nagkakatawagan pero hindi masyadong nagkikita kasi kunwari aalis kami o kaya gagala kaming dalawa bigla namang tatawag si Maya at sasabihing kailangan nya daw si Alden nung una okay! Sige! Okay lang sakin para naman sa baby pero ngayon hindi na para kasing ako yung kontrabida sa kanila... parang ako na yung pumipigil para maging pamilya sila....parang ako na yung pangalawa hindi na pang una... tuwing nag aaya ako ng gala kay Alden ang laging sinasabi niya

"Sorry girlfriend ahh busy kasi ako ngayon sa office eh"

"Sorry girlfriend nagpapasama kasi si Mayu eh"

"Sorry girlfriend ahh may pinapagawa kasi si Daddy sakin ngayon eh"

Kahit ganyang salita lang nasasaktan na ko dahil hindi naman ganyan dati... dati ako yung una.. Una hindi Pangalawa! Ngayon pumapangalawa na ko dahil una na ngayon ay yung baby hindi naman sa ayoko nung baby pero kasi naman sana bigyan nya rin ako ng konting oras kasi pagminsan magkasama kami pagod na pagod sya kaya sinasabi ko na magpahinga na lang sya kesa mapagod pa lalo

*KRRRIIINNNGG*

Nagising ako sa pag iisip nung may tumawag ... dito sa office na ko lagi kumbaga dito ko binuhos lahat ng oras ko habang wala pa si Alden .....pano kaya paglumabas ng yung baby nila... baka lalong ichapwera na ko kay Alden... baka iwan nya na ko ... kaya ko ba?

***kkkrriinngg*

Pucha! Istorbo sa pageemote tong tumatawag na to eh

"Hello" sagot ko

"San ka? " tanong ni Nadz

"San ba ko pupunta? Edi sa office" boring na sabi ko kahit boring ako dito sa office pinagtyatyagaan ko na kesa maloka ako kakaisip

"Tara coffee tayo nila Val" aya nya

"Sige" sabi ko wala naman kasi akong gagawin ... Ano tutunganga dito sa office?

****kkkrriinngg**

"Hi Girlfriend" masayang bati nya sa kabilang linya

"Hello" sagot ko habang nagdadrive papuntang coffee shop na sinasabi nila Nadz

"Saan ka?" Tanong nya

"Coffee shop magkikita kami nila Patring ngayon"

"Ahhh!! Sige... ingat ka ahh ... nandito pa ko sa office eh tinawagan kita kasi gusto kong marinig yung boses mo" sabi niya

"Ahh anong ginagawa mo?"

"Yung pinapagawa ni Daddy nagkaproblema kasi eh"

"Ahh!! Kumain ka na ba?"

"Oo girlfriend! Ikaw?"

"Kumain na rin"

"Sir kailangan na po kayo don" dinig kong sabi sa kabilang linya
So... mukang busy nga talaga sya

"Sige! Okay lang! Kailangan ka na hata" sabi ko

"Sorry girlfriend ha? Bukas alis tayo.. babawi ako"

"Okay lang nga! Ano ka ba!"

Okay lang ba talaga?

"Sige na girlfriend kailangan na ko dito eh! Bye! Take care! I miss you! I love you so much" sabi niya

"I love you more" sagot ko at binaba na ang tawag

"Eto na pala ang pinaka mabait na babae sa balat ng lupa eh" bungad agad ni Nadz pagdating ko ... ako na lang inaatay eh

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon