Chapter 50

4.1K 129 2
                                    

Maine POV

"Daddy don muna ako sa condo ko ha mga one week lang naman" paalam ko kay Daddy habang kumakain kami

Alam nila yung nangyari samin ni Alden! Nung una nagalit sila pero sabi ko wag silang magalit kaya pinabayaan nila kami kung anong gusto namin!

"Sige! Kahit doon ka na tumira" singit na naman netong si Kenneth.... bakit kaya hindi sila yung lumayas dito? Eh mag asawa na sila di ba?

"Bakit Princess?" Tanong ni Dad

"Wala lang... don muna ko gusto ko tahimik eh pag nandito kasi ako puro MADADAL DAL ang TAO" pagpaparinig ko kila Kenneth pero nginisihan lang ako nung mag asawang to

"Sige! Bala ka!" Sagot ni Dad

"Ingat ka don Princess ahh" paalala ni mommy

"Naman" nakangiting sabi ko

**
Pagdating ko sa condo ko nilinis ko lang ng konti hindi naman masyadong madumi dito dahil pagtrip ko dito kami tumatambay ni Alden at ng barkada!

"Miss na kita" bulong ko habang nakahiga at nakatitig sa taas

"Pano kung nabuntis mo sya?"

"Iiwan mo na ba ko?"

Yang mga tanong na yan ang gumugulo sa isip ko.. pano nga ba kung nabuntis nya! Tatanggapin ko ba? Oo! Okay lang sakin kahit mabuntis nya basta ako yung mahal nya at ako pa rin ang girlfriend! Ang tanong lang eh kung Iiwan nya na ba ko pag nag kababy na sya pero...

'Pero kung hindi ikaw yung nanay nila wag na lang'

Yan yung huli nyang sinabi sakin noon kaya sa tingin ko hindi nya ko iiwan.... Hindi nga ba?

*bbbzzzztt*

From: Boyfriend <3

Good afternoon Girlfriend! Eat your foods na! Sorry na please! I love you :*

Sa ilang araw na lumipas eh lagi pa rin syang may text sakin katulad ng 'good morning girlfriend' 'kumain ka na' 'sorry na please' 'Di mo na ba ko love?' 'miss na miss na kita' 'i love you'

*bbbzzzttt*

From: boyfriend <3

Girlfriend di mo na ba ko love? .... i miss you and Im sick :( ! I love you... So much.

Napatayo agad ako nung nabasa kong may sakit sya tssss ang kulit kasi kagabi eh nagpaka basa ng ulan eh!

Pupunta ba ko? Wag muna! Kailangan mo ngang mag isip di ba?

*dial dial*

"Bakit?" sagot agad ni Nadz tsk! Wala man lang hello

"May ginagawa ka ba?" Tanong ko

"Bakit?" Tanong nya din

"Oo o hindi lang" sagot ko

"Sabihin mo muna kung bakit? Bago ko sagutin yang tanong mo baka mamaya utusan mo ko eh" sabi ni Nadz

"Uutusan nga kita! Pwede ka ba?"

"Hindi! Leche! Bye----"

"Teka lang naman! May sakit kasi si Alden pwede bang puntahan nyo sya----"

"Bat di ikaw yung pumunta? Nasan ka ba?"

"Ayoko pa nga eh! Nasa condo ko! Sige na please! Pasama ka na lang kila James" sabi ko at binaba na yung tawag ... susunod naman yong mga yon eh

Makalipas ng ilang oras gabi na... ang bilis ng oras pero wala man lang ako nagawa kundi naligo, kumain at tumunganga sa higaan!

*Ding dong* *Ding dong*

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon