Chapter 40

4.4K 146 3
                                    

Maine POV

Papasok ako ngayon sa school... ako lang dahil hindi daw ako masusundo ni Alden may gagawin daw sya... tatlong buwan na ang nakalipas simula nung monthsarry namin hahaha inpernes kakilig nung araw na yon... wala namang ibang nangyari mga abnormal pa rin ang barkada at syempre okay pa rin kami ni Alden minsan nagkakaroon ng tampuhan pero nasosolve naman agad!

"Bilisan mo na! Ayan na sya oh"

"Oo nga! Para ka namang bakla eh"

"Gago ka pala eh kinakabahan nga ako eh" dinig kong bulungan habang naglalakad ako papuntang room ko

"Oh ayan" sabi nung isang lalaki sabay tulak nung isang lalaki sa harap ko kaya napahinto ako! Oh ano meron?

"What?" Tanong ko

"H-hello" nauutal nyang sabi
sa tingin ko mga 2nd or 3rd year college to! Medyo chinito at maputi!

"Hi! Anong year ka na bata?" Tanong ko sa kanya

"4th year na ko! Dyan sa kabilang building"sabi niya ahh 4th year na pala sya hindi halata baby face!

"Oh ano naman?" Nakangisi kong sabi.. wala lang! Wala akong mapagtripan eh hahaha

"H- ha! wala naman! Ako si ano..... si Kairos" parang kinakabahan nyang sabi ano namang pakelam ko?

"So?" Simpleng sagot ko

"Ikaw si Maine di ba?" Tanong nya

"Yes! Why?" Nagmamagaling ako sa English ngayon eh hahaha

"For you" sabi niya sabay labas ng tatlong malalaking Dairy Milk

WOW! Shet! Paborito ko yan hahaha kaya hindi na ko nagdalawang isip tinanggap ko na agad! Sayang naman yung chocolate no!

"Thanks" mabait kong sabi

"So.... pwede na ba kong manligaw?"   Ha? Anong sinasabi neto?

"Ha?anong sinasabi mo dyan? Ha----" di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil may tumawag na sakin

"Maine"

"Oh Richard! Kala ko may gagawin ka pa?" Nakangiting sabi ko lumapit naman sya sakin at hinawakan ako sa kamay... okay! Ano meron bat ang init ng ulo neto?

"Ahh excuse me brad! Nililigawan ko pa yan eh" sabat ni ... Kairos?   Anong nililigawan sinasabi neto?

"Nililigawan?" Takang tanong ko

"Oo di ba? Tinanggap mo yung bigay kong chocolates" nakangiting sagot ni Kairos ba to? Pagtinanggap ba yung chocolates ibig sabihin nagpapaligaw na agad? Hindi pa pwedeng nanghinayang lang sa chocolates! Humigpit naman bigla yung hawak ni Alden sa kamay ko!

"Ha? Ano bang sinasabi mo dyan ha? May boyfriend na ko oh" bwiset kong sabi kasi si Alden sobrang dilim ng muka eh

"Sino ? Eto?" Tanong nya

"Oo--"

"Yes! So back off" sabat ni Alden sabay tinapon yung hawak kong chocolates at hinila na ko papalayo dun sa mga lalaki!

Ano bang problema neto? Dinala nya ako sa garden at umupo kami!

"Uyy!Anong problema?" Mahinahon kong tanong

"Sabi mo may gagawin ka pa? Yun pala kasunod lang kita" daldal ko

"Bakit? Dapat ba mamaya pa ang dating ko para sa manliligaw mo?" Galit niya sabi

So... naniniwala sya don sa lalaki? Wala ba syang tiwala sakin? Pero Maine wag mong sabayan yung galit nya! Relax!

"Hindi! Ang akin lang dapat nag sabay na tayo kung kasunod lang pala kita" mahinaho ko pa ring sagot

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon