Chapter 3

5.2K 215 4
                                    

Maine POV

Pagtapos ng klase pumunta kami sa canteen at syempre pinagtitinginan ako!Charing! Hindi ako ung mga kasama ko ang popogi kasi eh ...nasa likod lang kami ni Valeen nauuna sila  nung nakahanap na ng uupuan nagsiupuan na kami katabi ko si Valeen syempre!

"Baby Val ano sayo?" Tanong ni Jerald

"Akin an--- "

"Akin Spaghetti at mismo ung coke ah" sagot ni Sam kahit hindi sya ung tinatanong

"Akin hotsilog at saka mismo ung sprite" sabi naman ni Alden

"Tangna nyo! kayo ba si Valeen?" Tanong ni Jerald sakanila

Oo nga naman makahiling sila kala mo sila ung tinatanong mga abnormal eh

"Makapabili tong mga to kala mo may pinatagong pera" dagdag pa ni Jerald

"Tanga may utang ka pa nga saking limang piso eh" sabi naman ni Sam

Tae tong taong to limang piso lang sinisingil pa

"Gago nabayaran na kita ikaw pa hindi ka makakatulog hanggat hindi pa nag babayad sayo"sagot naman ni Jerald

"Lul! Wala ka pa kayang binibigay sakin nung isang araw mo lang yun inutang hanggang ngayon hindi mo pa rin binabayaran" sagot naman ni Sam

Tangnang dalawang to nag aaway ng dahil lang sa limang piso. Take note sa limang piso lang

Nagulat naman ako ng bigla na akong hinila ni Valeen papuntang counter.

"Ayan nainis na naman si Baby Val ikaw kasi eh" dinig kong sabi ni Jerald kay Sam

"Ano sayo Maine?" Tanong ni Valeen pagdating namen sa counter

"hmmm.. Fries, burger atsaka Zesto Choco" sabay abot ng pera sakanya

"Hindi wag na libre ko na" nakangiting sabi nya

"Sige hahaha " alanga namang tumanggi pa ko libre na yon oyy hahaha

Pagbalik namin sa table si Jerald agad ang bungad

"Sorry baby Val ah eto kasing si Sam eh halika na dito upo na kayo" bungad ni Jerald

Pagkaupo namin nagsitayuan naman sila

"Wait lang baby ah bibili lang kami" paalam ni Jerald

"Yan si Jerald Zues Napoles maypagkamayabang, makulit, mayaman, baliw at higit sa lahat feeling gwapo pero gwapo naman sya pero basta pangit siya" sabi bigla ni Valeen

"Noah Sam Reyes yan naman yung tipo na lalaki na kuripot ultimo piso sisingilin sayo mayabang din yang isang yan may pagkabobo din minsan.... hindi pala minsan lagi pero kita mo naman gwapo din yang baliw na yan" pagpapatuloy niya kaya tumango tango naman ako kasi totoo naman na gwapo silang tatlo.

"At si Alden Richard Faulkerson pinaka famous sa kanilang tatlo may utak utak naman kahit papano mayaman basta ang daming nagkakagusto dyan actually sa kanilang lahat... kaya minsan masama tingin satin dahil kasama natin sila"
Tumango tango naman ulit ako kaya pala kanina pa kami tinitignan dito mga famous pala tong mga gung gung nato.

____________________________________

Alden POV

Pag upo namin sa table napansin ko kaagad si Maine eh kasi katapat ko sya. Ano ba tong babaeng to parang patay gutom parang hindi pinakain ng isang taon kababaeng tao tsss.

"Oh bakit?" Tanong nya

"Anong bakit? Hindi naman ako nagpipick up lines" sagot ko sa kanya kaya inirapan nya lang ako

"Tssss. Gago bakit ka nakatingin sakin alam mong kumakain nakatitig ka dyan." Sagot nya naman

"Eh pano muka kang patay gutom" sagot ko

"Hahahaha hindi naman gusto ko kasi tong pagkain na to... ang sarap eh" napatanga naman ako sa sagot nya dahil akala ko maoofend sya sinabi ko pero hindi tumawa lang sya..

"Naka shabu ka ba?" Tanong ko
Tangnang babae to high hata to ngayon

"Oo kakatapos ko lang kanina eh JOKE Hahaha---" napahinto sya sa pagtawa ng makita nya na sakanya nakatingin ung mga tao tskk corny

"Hahahaha Maine laughtrip yung joke mo ahh benta sakin hahaha" sabi ni Sam sakanya

"Apir! Apir! Apir!" Sabi pa nya nako! Nagsama ang dalawang may toyo .

___________________________________

Vote and comment!

Salamat!

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon