Chapter 32

4.4K 153 2
                                    

Maine POV

Sobrang saya ko ngayon nung nalaman kong dito na mag aaral yung mga bestfriends ko  at syempre nadagdagan din ang barkada napakilala ko na din sila kila Sam.

"Lumipat ba kayo dito o nakick out kayo?" Tanong ko .... nasa canteen kami ngayon kasama ang buong barkada

"Grabe ka naman samin huhuhu" kunwaring iyak ni Bea

"Ayaw mo ba kami dito?" Madramang sabi ni Nadine

"Mga Leche! Wag nyo kong dramahan nagtatanong ako ng maayos" sabi ni ko sabay kain ng spaghetti

"Syempre Nico sinundan ka namin wala ng Abnoy sa tropa kung wala ka" hindi ko alam kung matatouch ako o mabibwiset sa sagot ni James eh

"Oo nga akala pa naman namin lonely ang peg mo dito yun pala hindi" maarteng sabi ni Jake kung hindi lang to boyfriend ni Bea aakalain kong bakla to eh

"Oo nga tapos mahigit isang buwan lang tayo hindi nagkita meron ka na agad gwapong boyfriend" sabat ni Bea

"Oo nga----"

"Sige isa pang 'oo nga' nyo susungangalin ko na kayo" pairap kong sabi

"Alden batukan mo nga sya" utos ni Nadz

Lumapit naman sakin si Alden at kiniss ako sa pisnge! Pucha kinikilig na naman ako hahaha

"Sorry ayoko siyang saktan eh" nakangiting sabi ni Alden.. Asus!

"Ang corny talaga netong si Alden eh" dinig kong bulong ni Val

"Oo nga eh sasapukin ko na yan" sagot ni Pat

Hahaha mga loka talaga to! ang sweet nga eh!

"Anak ng..... sabihin mo na ang totoo Meng hindi talaga kami magagalit kung ginayuma mo yan" napangisi naman ako sa sinabi ni Bea

"Sabing sa kagandahan ko yan nakuha eh" mayabang ko sabi

"Yun nga eh hindi kami lalo naniniwala kung sa kagandahan" binatukan ko nga agad tong si James

"Leche! Iniiba nyo yung usapan! Bat nga kayo nalipat? Nakick out din kayo?" Tanong ko sabay kain

"Boyfriend ayaw mo na nyan akin na lang?" Sabi ko kay Alden sabay kuha ng burger

Sanay na sakin yan!

"Tssss. PG" dinig kong sabi nung nasa likod paglingon ko......

Tenen! Si Louisa!

Aba eto ang show! Nagbabalik na si Louisa kasama ang mga achuchu~~

"Oh Louisa?" Nakangiting sabi ko namiss ko sya kaninang umaga ko lang sya hindi nakita eh! Hahaha!

"Long time no see Bitch" nakangising sabi niya

"Bobo! Anong long time dun? Kakakita lang natin kahapon" nakangisi kong sabi

"Tsk! Kahit anong sabihin mo loser ka parin"  maarteng sabi niya

Wow! Ako pa daw ang loser?

"Sino ba to?" Biglang tayo ni Nadz at lapit kay Louisa

Hala lagot ka na! Ayan na sya hahaha

"Sorry! Hindi ako bato" maarteng sabi ni Louisa habang nag kukut kot ng kuko

Aba! Hindi ka tumitingin sa kalaban ahh  patay kang bata ka!

         *PAAAKKK*

"Nadine" dinig kong sabi ni James

Sinampal niya agad si Louisa eh hahaha ito kasing si Nadz wala ng daldal sakitan agad!

"What? Bastos siya eh hindi siya tumitingin sa kausap niya" inosenteng sagot ni Nadz

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon