Chapter 10

5.3K 208 7
                                    

Alden POV

Pagdating namin sa mall  naghiwa-hiwalay kami dahil gusto lang ni Jerald para daw masolo naman nya si Valeen kaya kahit ayaw namin ni Sam eh pumayag na kami iiyak na kasi eh hahahaha.

"San mo gusto pumunta?" Tanong ko kay Maine siya kasi kasama ko ngayon si Sam naman si Patring.

"Hmmmm." Himig niya habang nag iisip nakalagay pa sa baba niya yung daliri niya.

Ang ganda.

"Sa arcade na lang tayo" masayang sabi niya sabay hila sakin

"Teka lang! Oo pupunta tayo dun" sabi ko habang hinihila niya ko

"Sorry hahaha" parang tanga lang nasa mall kami tapos tatawa ng malakas

"Tara na nga" sabi ko sabay hinawakan yung kamay niya.

Nakakahiya eh samin nakatingin yung tao dahil sa pagtawa niya.

Pagdating namin sa arcade tinuro niya agad yung basket ball. Tsss lalaki hata to eh

"Bili ka na ng token" utos niya

"Pera" sabi ko

"Sayo na lang muna mamaya ko na lang babayaran" sabi niya
habang tinataas-taas pa yung kilay

"Tsss. Kunwari pa hindi naman babayaran"

"Alam mo naman pala nanghihingi pa kasi ng pera ayaw nalang manlibre" buraot na sabi niya

"Oo eto na" sabi ko sabay pila para bumili ng token

"Kuripot" dinig kong sabi niya

"Oh ayan na" bigay ko ng token sa kanya

"Magkano to?" Tanong niya

"Bakit? Babayaran mo ba?"

"Tanga! Ang dami kasi eh maglalaro lang naman ako ng basket ball"

"Wag mo ng itanong maglaro ka nalang"

"Bakit ako lang? Ikaw din syempre"

"Eh ayoko ikaw na lang"

"Ang arte! Tara na ang dami mo namang biniling token eh"

"Ayoko nga"

"Dali na please para may kalaro naman ako" malungkot na sabi niya

"Sige na nga" hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag.

Dahil naging malungkot siya?

"Yehey! Tara na" masayang sabi niya.

Tangina! ano bang ginagawa mo sakin Maine?

Naglaro lang kami ng naglaro hanggang sa napagod ako. Tama kayo ng dinig ako ang napagod ang hyper ng babaeng to.

"Bump car naman tayo" sabi niya

"Maya maya konti pagod na ko"

"Ngayon na last na yon promise" sabi niya habang nakataas pa yung isang kamay

"Last na to ah sunod kakain naman tayo. Gutom na ko eh. Wala kang kapaguran para kang bata"

"Opo! Opo!" Pagsang ayon naman niya

"Tara na"

Yun na nga! Naglaro kami sa bump car tuwang tuwa naman siya. Ewan ko dito mukang nakawala sa lungga eh!

"Oh san mo gusto kumain?" Tanong ko

"Sa McDo"

"Sa restaurant na lang tayo para mabilis" sabi ko

This Girl (AlDub/MaiDen)Where stories live. Discover now