Chapter 79

4.8K 134 1
                                    

Alden POV

"Alden wala ka bang balak pakasalanan yung Prinsesa ko?" Tanong ni Tito nandito kasi kami sa garden tapos sila Meng naman nandon nagsiswimming sa likod

"Meron po syempre! Alam nyo naman pong mahal na mahal ko si Meng ang tagal ko din po syang inintay" seryosong sabi ko... totoong totoo yon mula simula ang gusto ko ng makasama habang buhay eh si Meng lang wala ng iba

"Oh yon naman pala eh bakit ayaw mo pa syang ayain magpakasal?" Tanong ni Tito

"Eh baka di pa po sya ready" simpleng sagot ko

"Nako! Mag iinarte pa ba kayo may mga anak na kayo pinapa alala ko lang" natatawang sabi ni Tito

"Atsaka kunin mo na yung anak ko sakin utang na loob sakit pa rin sa ulo yan" sulsol ni Tito sakin kaya natatawa ako

"Dad anong pinag uusapan nyo?" Biglang dating ni Meng kasama si Chase

"Anak di mo na kailangan malaman tsismosa mo naman" sabi ni Tito kaya inirapan sya ni Meng

"Hi Papsi" bati ni Chase kay Tito at nagbless pa

"Hello Chase! Dito ka na lang tumira gagawa naman na ng bagong baby sila Nanay mo eh" sabi ni Tito kaya natatawa na naman ako

"Dad" dinig kong sabi ni Meng

"Why? Inaano ba kita dyan?" Tanong ni Tito

"Tsssss..." dabog na alis ni Meng hahaha ang cute talaga nya pagpikon sya

"Tara Tay Let's swim" aya ni Chase kaya napatingin ako kay Tito na parang nagpapaalam kaya tumango naman sya kaya sumama na ko kay Chase

Pagdating namin don nagsiswimming si Chasel, Sab at Kenneth samantalang si Meng eh nakatayo lang sa gilid ng pool kaya tinanggal ko yung mga laman ng bulsa ko yung wallet, cellphone at lumapit kay Meng sabay yakap at talon sa pool

"Wwwwaaahhh! Pucha! Ang lamig" reklamo nya kaya nagtawanan kami

"Hahahaha ayaw mo pang maligo ha" asar ni Kenneth

"Waahhh bitaw ....hindi ako makakalangoy" utos nya kaya binitawan ko sya

"Pambihira bat mo ko binitawan?" Inis na sabi niya at kumapit ulit sakin

"Eh sabi mo bitawan kita" nakangiting sabi ko at hinila sya palapit sakin

"Hindi mo naman sinabi na malalim na pala to eh! Kakabanas" bwiset na sabi niya kaya huminga ako ng malalim at lumubog kami pareho sa tubig malayo naman kami kila Chasel eh nasa mababaw sila nasa malalim kami

Bigla naman nag pupumiglas si Meng habang nasa ilalim kami ng tubig parang sinasabi nyang hindi na sya makahinga kaya hinalikan ko sya at binigyan ng hangin ng nabigyan ko na sya ng hangin ... she respond to my kisses and wrapped her arms around my neck .... the kiss was sweet pero bigla na lang nyang kinagat yung lower lip ko kaya napa angat kami sa tubig

"Awwww.... para saan yon?" Reklamo ko at hinawakan syang mabuti baka malunod pa to hahaha

"Kiss ka kasi ng kiss hindi na ko makahinga" nakangising sabi niya tssssss..

"Tay i said lets swim not to be with Nanay" angal ni Chase habang nakatayo malapit sa pool

"Tara kasi dito" palusot ko at binuhat si Meng para maka akyat sya

"Tssss hindi dapat ako maliligo eh" bulong nya habang patayo

"Nag enjoy ka naman girlfriend" bulong ko pero nadinig nya pala kaya tinignan nya ko ng masama hahahaha

"Lets go Chase!" Aya ko at pinatalon sya sa pool syempre sasaluhin ko baka malunod yung anak ko no malalim kaya to!

____________________________________
Maine POV

This Girl (AlDub/MaiDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon