Venisse sighed and look at her with understanding on her beautiful face.

"Sana bago kayo ikasal ni Austin ay magising na ang daddy mo, umaasa ako na malay mo magbago pa ang isip nya. Hindi ba madalas gano'n naman ang nangyayari? Kailangan may mangyari munang hindi maganda bago marealize ng isang tao na nagkamali pala sila. Hopefully magising na ang daddy mo, Xarra."

She wipe her tears away and force a smile. "I always pray for his fast recovery, sana talaga magising na si daddy. Magising lang sya masaya na ako." Bahagya syang napayuko ng titigan lang sya ni Venisse. "A-alam ko ang pangit ko na pero huwag mo naman ipahalata sa'kin 'yon." Biro nya sa doctora. Pakiramdam nya talaga pumangit sya dahil masyado syang na-stress.

"Namumutla ka kasi Xarra, malalim din ang mga mata mo, medyo pumayat ka din. Wala ka bang ibang nararamdaman?"

"Hmn, wala naman. Stress lang siguro ako dahil kay daddy tapos 'yung kasal pa namin ni Austin." Mahina syang bumuntong hininga. "Iniisip ko din si Aeon."

"Don't stress yourself. Masama iyon sa kalusugan natin." Tinapik nito ang balikat nya. "Mauna na ako sayo ha? Baka nakatulog na 'yung baby ko sa clinic ko." Natatawang paalam nito sa kanya. "Tandaan mo 'yung sinabi ko, okey? Don't stress yourself."

"Yes, thank you." Tumango lang ito at lumabas na ng restroom.

Sino bang mag-aakala na hahantong din pala sya sa pagpapakasal kay Austin? Nabalewala lang lahat ng ginawa nila ni Aeon. Muli syang napangiti ng tipid at marahan na hinawakan ang tiyan nya.

Palagi nyang ipinagdarasal na sana may nabuo sa ginawa nila ni Aeon, sana sila na lang dalawa at sana ipinaglaban nya ang nararamdaman nya para sa binata pero hindi nya ginawa, para saan pa? Kung sya mismo ang bumitaw.

NAALIMPUNGATAN sya ng maaninag ang isang pigura ng lalaking naka white coat na syang sinusuot ng mga doctor. Nakatingin ito sa daddy nya at nakatalikod sa gawi nya.

Umuwi kasi ang mommy nya sa kanila kaya sya muna ang nagbantay ngayong gabi. Madalas naman may mag check sa daddy nya na doctors or nurse kaya ipinikit nya na lang ulit ang mata dahil kulang na kulang talaga sya sa tulog nitong mga nakalipas na araw.

Hindi pa man din lumalalim ang tulog nya ng maramdaman na may humaplos sa buhok nya at naamoy nya din ang pamilyar na pabango na iyon. Aeon.

Dahan-dahan syang nagmulat ng mata upang masigurado kung totoo ba o guni-guni nya lang ang nararamdaman nya.

"A-Aeon? Ikaw ba talaga 'yan?" Kinurap-kurap nya pa ang mata ng masilayan ang binata na nakadukwang sa kanya.

"Yes,"

"B-bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?"

Mahigpit kasi ang seguridad sa room ng dad nya, hindi rin naman kasi basta-basta businessman lang ang ama at isa pa ongoing pa din ang investigation sa car accident ng daddy nya kaya hanggat maaari walang sinoman ang pwedeng dumalaw unless silang mag-ina at si Austin.

"I have my access card. Did I disturb your sleep?" Masuyong tanong nito habang patuloy sa paghaplos sa buhok nya.

Tahimik lang syang tumango dahil totoong nadistorbo nito ang tulog nya. "Mabuti pa umuwi ka na kasi gabi na."

"Nagpunta ako dito para kausapin ka Xarra."

Sa isang banda ay natutuwa siyang makita si Aeon na talagang gumawa pa ng paraan makapasok lang.

"Kung sasabihin mo sa'kin na huwag kong ituloy ang pagpapakasal kay Austin, malabo ng mangyari 'yon." Mahinang sabi niya. "Handang-handa na ang kasal namin next week. Hayaan mo na lang siguro ako, Aeon."

"Kahit ayokong magpakasal gagawin ko para kila daddy. Kahit ikaw ang mahal ko...wala na din akong magawa. Hindi kita kayang ipaglaban Aeon. Hindi talaga tayo para sa isa't-isa at kailangan kong tanggapin iyon. Kahit mahirap, handa akong pakawalan ka. Handa akong masaktan kapag isang araw makikita kitang may kasamang iba."

Gustung-gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yan pero hindi lumalabas sa bibig niya.

"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo? Kailangan ba talagang magpakasal ka sa lalaking hindi mo mahal? Wala na ba talagang iba pang paraan?" Mahina rin ang boses nito na halatang nagpipigil lang. "Wala lang ba sayo lahat?"

"Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa'kin bawat oras na kasama kita, Aeon. Hindi mo alam na sa tuwing nakikita kita binubuo mo ang araw ko, nakakalimutan ko ang mga problema ko. Sa tuwing naiinis ka sa kaingayan ko ay natutuwa ako kasi napapansin mo ako. Bukod sa daddy ko, ikaw ang pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. Kaya huwag mong itanong kung wala lang ang lahat sa'kin dahil mahalaga lahat ng pinagdaanan natin... Hinding-hindi ko makakalimutan lahat ng oras na kasama kita, kasi iyon lang 'yung mga oras na naging masaya ako."

Those are the words she wants to burst out but she can't.

"Kung ano man ang namagitan sa'tin mas mabuti pang ibaon na lang natin 'yon sa limot, Aeon." Instead, she said those words.

"Ibaon sa limot? That's bullshit! Alam kong may nararamdaman ka para sa'kin Xarra pero bakit ganito?" He brush his hair using his fingers. Frustration is written over his handsome face. "Ang selfish mo." He whispered.

"K-kahit ano pa ang sabihin mo hindi na din naman magbabago ang desisyon ko." Pilit pinatatag niya ang boses nya kahit ang totoo ay sumisikip na ang dibdib niya sa nakikitang sakit na bumabalatay sa mata nito.

"Paano kung may nabuo?"

"Huwag kang mag-alala walang nabuo Aeon, kakatapos lang ng monthly period ko." She lied, hindi pa naman siya dinadatnan. "Kaya malaya ka pa din."

"Mabuti nga na walang nabuo." Sa simpleng salita nito na iyon parang paulit-ulit na sinaksak ang puso niya. "Hindi ko naman talaga intensyon na buntisin ka." Hindi nya na napigilan pa ang sarili kaya kinuha nya ang throw pillow at ipinangtakip iyon sa mukha nya sabay tumagilid ng higa sa couch patalikod kay Aeon upang kahit papano ay hindi nito makita ang pagbagsak ng mga luha nya.

"Alam ko naman 'yon, Aeon. Alam kong napilitan ka lang." Humihikbing sabi nya. "Hindi ako galit sayo kahit na pinaniwala mo ako na tutulungan mo akong magkababy. Alam mo kung bakit? Kasi una pa lang nararamdaman ko na na wala ka talaga ni katiting na pagtingin para sa'kin. Alam kong si Liberty pa din ang nakikita ng mga mata mo. Bagay na bagay kayo Aeon, kayo talaga ang bagay."

Wala na syang pakialam kahit marinig pa ni Aeon ang paghikbi nya, kahit malaman pa nito na umiiyak sya. Kailangan nya lang talaga ilabas lahat dahil baka hindi na sya makahinga sa paninikip ng dibdib nya.

"You are right, kami talaga ang bagay ni Liberty." Hindi nya alam kung sinasadya ba nitong saktan sya o ano pero masakit marinig ang mga salitang iyon. "Hindi na ako umaasang magbabago pa ang desisyon mo Xarra. Tama ka, kalimutan na lang natin kung ano man ang nangyari. As a man, madali lang para sa'kin na kalimutan ang lahat ng 'yon lalo at hindi naman importante."

Basangbasa na ang throw pillow na ipinangtatakip nya sa mukha nya. Wala ng pagsidlihan ang luha nya.

"U-umalis ka na Aeon." Taboy nya dito kahit pa ang totoo ay gustung-gusto nya na itong yakapin at sabihin na bawiin nito lahat ng sinabi nitong bagay ito at si Liberty.

Naramdaman nya ang pagtayo nito. Umaasa sya na papatahanin sya nito sa pag-iyak pero hindi...

"Best wishes to you and Austin..." He said, almost whispering. "Goodbye... Xarra." And with those words he make his way out from her life.

Goodbye, Aeon.

RACE 2: Baby Maker Where stories live. Discover now