15 ~ Words

224K 5.8K 188
                                    

CHAPTER FIFTEEN

KUNG kanina na kaharap nya pa si Aeon ay napigilan nya pa ang luha nya na huwag bumagsak pero ngayon na mag-isa na sya ay hindi nya na talaga kinaya. Naglaglagan ang mga luha nya habang nagmamadaling pumasok sa ladies restroom ng Hospital. She even locked the door.

Tinignan nya ang repleksyon nya sa malaking salamin doon. Hindi nya na makita 'yung saya sa mukha nya bagkos samo't saring hinanakit na lang ang nababanaag sa kanyang mukha.

"Nagkamali ba ako ng desisyon na sundin ang magulang ko? Nagkamali ba ako na piliin ko si Austin kaysa kay Aeon?" Tanong nya sa sarili at panay ang hikbi.

"X-xarra?" Tinignan nya mula sa repleksyon ng salamin ang babaeng kalalabas lang sa isang cubicle na naroon. Nakasuot ito ng white lab gown, si Dra. Stella Venisse Lucas. "Why are you crying? May nangyari ba sa daddy mo?" She ask worriedly and walk closer to her.

"W-wala lang 'to Doktora—"

"Call me Venisse."

"O-okey lang si d-dad, natutulog pa din sya hanggang ngayon."

"So, bakit ka pumapalahaw ng iyak dyan?" Umiling-iling sya, hindi sila masyadong close ni Venisse para magkwento sya. Si Charlton ang nagpakilala sa kanya dito. "You can tell me the reason why you're crying baka may maitulong ako, come'on don't be shy, Xarra." Pareho kaming nakatingin sa salamin. "Si Aeon ba ang dahilan?" Nag-unahan na naman ang luha sa pisngi nya ng mabanggit ang pangalan ng binata. "Sabi na nga ba. Sinaktan ka ba nya? I think yes kasi hindi ka iiyak ng ganyan kung hindi."

"H-hindi nya ako sinaktan, Venisse. Aeon is a good man. Siguro tama lang din ang naging desisyon ko pero bakit hindi ako masaya? Bakit nasasaktan ako ngayon?"

"Wait, wait, wait, ano ba talaga ang nangyari? Don't tell me si Aeon ang sinaktan mo?"

Did she hurt Aeon?

"I-I don't really know. I am soon to be married to a man my father's wanted to be my husband and Aeon..." Kinagat nya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang mapahikbi. "Si Aeon kahit madalas nya akong sungitan alam ko na may parte ng puso nya na nag-aalala sya sa'kin pero binalewala ko lahat iyon ng sabihin ko harap-harapan na magpapakasal na ako kay Austin. Nakita ko sa mga mata nya ang sakit pero wala akong magawa dahil sa mga oras na 'to si daddy ang mahalaga sa'kin. Hindi ko na iniisip ang sarili kong kaligayahan kasi nangingibabaw ang pagiging anak ko sa magulang ko."

Kahit ngayon lang maiparamdam nya sa magulang nya na sa buhay nya sumunod sya sa gusto ng mga ito, especially her dad who's in coma right now.

"So, siguradong-sigurado ka na sa kasal nyo ng Austin na 'yon? Handa ka na bang matali sa kanya?"

Paulit-ulit syang umiling. Hindi sya kailanman naging handa na makasal kay Austin, kung hindi lang naaksidente ang daddy nya nungkang magpapakasal sya sa lalaking hindi nya mahal.

"Kung hindi lang dahil kay daddy hinding-hindi ako magpapakasal sa kanya. Ilan taon kong tinikis ang magulang ko dahil ayoko sa gusto nila pero hindi ko akalain na darating ang araw na 'to. Hindi ko kayang mawala sa'min si daddy, hindi iyon kakayanin ni Mommy." She sobs.

"Hush," Naramdaman nya ang paghalos sa likod nya ni Venisse. "Naiintindihan ko na ginagawa mo lahat ng ito dahil sa daddy mo pero hindi ba sobra ang hinihingi nya sayo? Hindi ba pwedeng bigyan ka na lang nya ng kalayaan na pumili ng lalaking gusto mo o mahal mo?"

"Ilan beses ko ng sinabi sa kanya ang bagay na 'yan noon hanggang sa maglayas na lang ako. Kapag nag desisyon si daddy, iyon na 'yon, hindi na pwedeng mabali. Anak nya lang ako, isa sya sa dahilan kung bakit nabubuhay ako dito sa mundo. Mahal ko si daddy at handa akong gawin ang lahat ng gusto nya kung kapalit naman no'n ay kasiyahan nya at ang tuluyan nyang paggaling."

RACE 2: Baby Maker Where stories live. Discover now